Nakatayo lang si Charmie sa gilid, bahagyang kinakabahan habang nakatingin sa dalawang lalaking nasa harap niya. Napilitan na silang umuwi ni Grae sa bahay ng parents niya dahil nag bigay na ng ultimatum ang daddy niya na kapag hindi pa sila umuwi wag na daw sila mag papakita sa mga ito kahit kelan, dahil may sasabihin daw itong importante kaya heto sila ngayon sa harapan ng ama. Na tahimik lang na pinag mamasadan silang dalawa habang magkahawak kamay. Halatang na iinis pa rin ito sa kanila dahil nga hindi sila umuwi kahapon at inuna symepre nila ang prenatal check-up niya at ang craving niya bago ang galit ng ama. Kung siya kabado sa paraan ng pagtingin ng ama sa kanila si Grae naman parang wala lang nakatayo lang ito sa tabi niya. Malakas din ang toyo ni Grae kaninang umaga dahil magdam

