Maaga palang nasa hospital na si Charmie kasama si Jeida. Nakaupo siya sa gilid ng sofa, tahimik lang. Katabi niya si Jeida na paminsan-minsan ay sumusulyap sa kanya, parang nag-aabang kung kailan siya magsasalita o kung may sasabihin pa ba siya. Ayaw sana nitong pumunta dahil na pipikon pa ito kay Urielle pero dahil naki-usap siya na samahan siya napilitan na itong samahan siya. Sa kabilang side naman ito naka-upo, habang nakahiga si Urielle sa hospital bed nito. Maputla, mahina ang itsura, pero maayos ang buhok. Maayos ang postura. Parang… kahit sa ganitong sitwasyon, ayaw pa rin niyang magmukhang kawawa. Pansamantala silang iniwan ng ina nito dahil uuwi daw muna ito at kukuha ng damit ni Urielle dahil bukas daw i-didischarge na ito. “Thank you… for coming,” mahina nitong sabi, na pa

