"Ma' ladies room lang po ako." paalam niya sa ina habang masaya itong nakikipag tsismisan sa iba nitong kapatid, hindi na niya kinaya ang bigat ng hangin sa private dining area. “Excuse me, po.” mahina niyang sabi bago tuluyan ng tumayo at nginitian pa ang mga tiyahin niya bago tuluyan na umalis. Ramdam pa rin niya ang titig ng daddy niya. At ang mga bulungan ng mga tita at ang alaala ng halik sa wrist niya na ginawa ni Grae na sobrang big deal ang ginawang iyon ni Grae. Paglabas niya sa hallway, saka lang siya nakahinga. Isang hakbang pa lang papunta sa ladies’ room nang may biglang humila sa braso niya. Napasinghap siya. “Grae—” Agad naman na kilala ni Charmie ang asawa pero huli na. Hinila siya nito sa kabilang direksyon—diretso sa mens’ room. “Are you crazy?” bulong niyang galit ha

