"Kinakabahan ko, Chard." ani Urie habang sakay sila ng sasakay na nirentahan lang nila. Mainit ang hangin sa loob ng sasakyan kahit nakabukas ang air-conditioning. Tahimik si Richard habang mahigpit ang hawak sa manibela. Katabi niya si Urielle, habang nakasandal sa upuan, isang kamay nakapatong sa bahagyang umbok ng tiyan. Wala na silang choice. Isa-isang nag-freeze ang lahat ng credit cards ni Richard. Hindi na gumagana ang bank accounts niya. Kahit ang supplementary cards na dating walang limit—wala na rin silbi. Ganun din ang nangyari kay Urielle. Sa loob ng dalawang buwan, mula sa magarang hotel suite at impulsive elopement fantasies, napunta sila sa murang apartment sa probinsya na hindi man lang nila mabayaran nang maayos. “Babalik na ba talaga tayo ng Manila,” seryosong sabi ni U

