Nagising si Grae na parang binugbog ng buong gabi. Masakit ang bawat bahagi ng katawan niya—mula leeg hanggang binti—parang may pumupunit sa katawan niya parang hindi niya maigalaw ang bawat kasu-kasuan niya. Nanunuyo ang lalamunan niya, at ang bawat paghinga niya masakit din at mabagal, parang kailangan pa niyang pilitin ang dibdib niyang gumalaw para huminga ng maayos. Bahagya siyang umungol at sinubukang gumalaw. Doon niya naramdaman ang kakaibang init. Hindi galing sa ilaw, hindi galing sa kumot, init galing sa balat ng katawan ng isang tao. Nanlaki ang mata niya nang mapagtanto niyang halos nakapatong siya sa katawan ng isang tao. Bumaba ang tingin niya—at doon niya nakita si Charmie. Hubad ang balikat, bahagyang namumula ang balat. Naka-panty lang, nakatagilid ang ulo sa unan, mahim

