Panay ang biling ni Charmie sa ibabaw ng kama niya nakatingin siya sa magdidilim ng langit sa labas, sobrang tahimik ng suite niya. Yung klase ng katahimikan na hindi nakaka-relax, mas nakakastress parang mas bumibigat sa dibdib habang lumilipas ang oras. Nakahiga si Charmie sa kama, balot ng puting duvet, nakaharap sa kisame. Maghapon siya literal na nagtulog, bumabangon lang siya para umihi at nakakapamura ang sakit ng kiffy niya kapag na ihi, na over use ata kanina naman hindi masakit. Masama pang nagpahinga siya. Pati buong katawan niya masakit, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi siya makagalaw sa higaan at ayaw bumangon o mag roaming around the area gaya ng balak niya. Ngayon lang talaga nag-sink in LAHAT. Ang mga ginawa nila ni Grae kagabi—hanggang kaninang madaling-araw

