"I think we're here." ani Grae habang naka silip sa labas at tinitingnan ang address na send sa kanya ng broker. Maliwanag na ang sikat nang araw ng ihinto ni Grae ang sasakyan sa harap ng malaking wrought-iron gate. Tahimik ang exclusive subdivision, may mahabang driveway na napapalibutan ng mga puno at manicured hedges. “Ready?” tanong niya habang pinapatay ang makina ng sasakyan. Hindi agad sumagot si Charmie. Nakatingin lang siya sa bahay na nasa harap nila. Puting facade na may warm beige accents, arched windows, terracotta roofing. Modern Mediterranean—exactly how she described it the night before. “You’re kidding,” mahina niyang sabi. Ngumisi si Grae. “Parang hindi ka pa rin na niniwala kahit nasa harapan mo na?" napapailing na wika ni Grae na lumabas ng kotse at umikot para pa

