Mainit ang ulo ni Charmie, halos hindi na siya nakakain ng hapunan kanina. Dahil sa sama ng loob niya kay Grae, habang si Grae naman kanina busy sa phone kung sino-sino na ang tinawagan nito para mag set lang ng appointment sa OB-gyne. Nag papahanap ito ng pinakamagaling na mag-aalaga daw sa kanila ng magiging baby nila. Kaya naman hindi lang basta mainit ang ulo niya parang kumukulo na din ang dugo niya. At kung nakakamatay ang tingin, kanina pa duguan si Grae. Pag-akyat pa lang nila sa kuwarto nila after nilang kumain. Nakatayo siya sa gitna ng kwarto, naka-cross ang mga braso, habang si Grae naman ay abala sa pag-aayos ng kama na parang walang nangyaring pang bibitin sa kanya kanina ilang oras lang ang nakalipas. Pero para kay Charmie, malinaw na hindi nakakatuwa ang mabitin ng ganun

