Tahimik na nakatayo si Archie sa harapan ng bintana ng studyroom niya habang may hawak na baso ng whisky kahit maaga pa. Malawak ang silid, mga bookshelf na puno ng legal documents, business files, at makakapal na ledger ng pamilya. Sa gitna nito ay ang malaking mahogany desk na matagal nang nagsisilbing sentro ng mga desisyon na humuhubog sa kapalaran ng angkan nila. Pero ngayong umaga, hindi negosyo ang iniisip ni Archie. Kundi ang isang pangalan na matagal na niyang hinahanap. Aldrin. Nakatayo siya sa tabi ng bintana, nakatanaw sa hardin ng mansion nila. Hawak niya ang baso ng whiskey ngunit hindi niya ito iniinom. Sa kabilang side ng desk ay nakaupo si Ulyses, ang matagal na niyang pinagkakatiwalaang legal adviser at fixer sa mga komplikadong bagay ng pamilya. Ang bayaw niya, tahim

