Book 1-My Husband Is A Gay Possessive Mafia Boss
Book 2- He Is A Mafia Lord and I'm His Secret Empress
Blurb
"Hindi ko alam kung bakit lagi kana lang umiiyak tuwing binubully ka at sinasabihan na panget. Hindi ka pa ba sanay?"
Mula sa ilalim ng lamesa napaangat ng tingin ang batang si Sierra. Nakita niya si Laurde Khlehenton na nakasilip muka sa likuran ng lamesa.
"Manahimik ka! Hindi mo ako naiintindihan kasi wala kang ganitong mukha!"
Mas umiyak pa ang babae na kina-pokerface ng batang lalaki na nasa 11years old. Umayos ng tayo ang bata at tinulak ang lamesa palayo.
"Dapat ba may ganyan muna akong mukha para maintindihan kita?"
"I don't know what are you talking about pero mas lalo kang pumapanget kapag umiiyak ka."
"Wala na bang isasama 'yang ugali mo Laurde? Promise na-appreciate ko 'yan. Umiiyak ako kaya dapat kino-comfort mo ako."
"I'm your future wife remember?" ani ng batang si Sierra na pinupunasan ang pisngi gamit ang mga palad.
"Magkaroon ka naman konting konsiderasyon."
"I'm not one of your brother. Huwag kang mag-expect na magiging mabait ako 'sayo."
"Ang sama ng ugali mo! Panget!"
"Masakit talaga masabihan ng panget lalo na kung nanggaling 'yon sa mas panget 'sayo!"
"Magsumbong ka. Panget," ulit pa ng batang lalaki.
6 years old si Sierra Salvacion nang malaman niya na ikakasal siya sa edad na 18 sa lalaking nag-ngangalan na Laurde Khlehenton.
Hindi magkasundo ang dalawa kahit simula pagkabata. Lagi itong nag-aaway na kahit ang dalawang pamilya walang magawa.
Ngunit sa kabila ng sitwasyon na iyon. Alam ng dalawa ang responsibilidad nila sa pamilya. Sa ayaw 'man nila o gusto kailangan nila magpakasal para sa proteksyon, pamilya at impluwensya.
"Sierra, kasal na kayo ni kuya diba? Bakit hindi niyo bigyan ng chance ang isa't isa malay niyo mag-click din kayong dalawa. Alam mo 'yon magkaroon ng himala maging katulad din mommy Sam at daddy Marc ang love story niyo diba?"
"Lax, alam kong alam mo na imposible 'yan. May girlfriend si Laurde at isa pa alam mo naman na hindi kami magkasundo. Himala na lang talaga kung magkasundo kaming dalawa."
"Girlfriend? Duhh parang hindi mo kilala si kuya parang nagpapalit lang iyon ng damit kung makapagpalit ng babae."
"Kaloka, ang love hindi 'yan binabase sa communication 'niyong dalawa. Eh ano kung hindi kayo magkasundo?"
"Kahit naman mga normal na mag-asawa nagkakaroon ng misunderstanding."
"Lax, naririnig mo ba ang sinasabi mo?"
"Ang kuya mo ugaling demonyo lang 'yon pero ang mukha 'pang langit. Sa tingin mo papatol 'yon sa tulad ko?"
"Kahit ako pa ang iisang babae sa mundo siguradong hindi ako papatulan 'non. Sino bang magkakamali na magkagusto sa babaeng walang kayang gawin na kahit ano."
"Hindi na nga maganda, hindi pa malino. Sinong magkakamaling mahalin ako."