Planong Pagbabago NAPASUBSOB na lang si Ariah sa mga palad. Ang hirap hindi tumawa sa dalawa niyang baliw na pinsan. Isang linggo pagkatapos ng proposal niya kay Rush, nasa Pugad Agila uli silang magpipinsan. Naisip niyang sabihin na sa dalawa ang tungkol sa magiging kasal nila ni Rush sa simbahan. Unang reaksiyon—nganga muna ang mga pinsan. Nagkatitigan nang ilang segundo bago sabay pang tumayo sa kanya-kanyang puwesto at nag-happy dance. Kumanta ng Macarena si Ellah na mali-mali ang lyrics, sabay na sumayaw ang dalawa. Ang lalapad ng mga ngisi. Hindi siya dapat tatawa pero nang nag-tumbling na si Ellah at gumiling si Yosah sa kantang Careless Whisper, hindi na napigilan ni Ariah ang tawa. "Sa wakas," si Yosah sabay suntok sa ere. "Mapupunit na ang hymen!" "Isusuko na ang Bataan!" sig

