Thirteen

1673 Words

Pagbangon ISANG taon na pala ang nagdaan mula nang malaman nilang magpipinsan na hindi totoo ang sumpa. Pero parang kahapon lang nangyari lahat. Pareho silang magpipinsan na na-stuck sa sitwasyong pinasok nila dahil sa nakakainis na sumpang tsismis lang pala. Napabuntong-hininga si Ariah. Hindi agad siya umalis sa kinatatayuan. Tahimik na sinundan niya ng tingin ang mabagal at parang ang bigat bigat na mga hakbang ni Ellah, ang pinsan at isa sa co-owner niya sa Diyosas—ang clothing store na binuo niya ang concept para sa kanilang magpipinsan. Parang 'new store para maka-move on' ang dating ng Diyosas. Para sa bago nilang simula pagkatapos ng mga nangyari. Hindi niya naisip noon na magiging komplikado ang mga bagay bagay para sa kanilang magpipinsan dahil sa lecheng sumpa sa mga Mahinhino

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD