"Iyak ka lang," si Rush at lumapad ang ngiti. "Tears of joy pala 'yan." Nagkaroon ng tunog ang pagtawa niya. Bago pa na-realize ni Ariah ang kilos niya, yumakap na siya sa baywang nito. Natigilan rin siya at didistansiya sana agad pero parang automatic ang reaksiyon ni Rush sa ginawa niya. Niyakap din siya nito at mariin pa siyang hinalikan sa ibabaw ng ulo. Napapikit si Ariah. Hindi niya kayang ipaliwanag kung bakit pakiramdam niya, tama lang na magkayakap sila. Tama lang na nakahilig siya sa katawan nito at naririnig niya ang heatbeat ni Rush. Tama lang dahil doon talaga siya dapat. Nang sandaling iyon lang naintindihan ni Ariah na may pakiramdam pala talagang ganoon-na hindi man niya asawa talaga sa tunay na kahulugan ng salita ang kayakap, ramdam niyang tamang naroon ka. Ang gulo p

