INIISIP ni Ariah kung tama ang mga pinsan-na nahuhulog na ang puso niya kay Rush-nang bumukas ang pintong tinititigan niya. Past ten PM na iyon ng gabi. Alas otso sila nag-dinner lahat kanina. Pagkatapos ng dinner, nagpaalam si Rush na aalis kasama si Rohn. Naiwan siya sa hotel room na nag-iisip pa rin. "Hinihintay mo ako?" mababang tanong ni Rush. Balik na ito sa usual na suot-jeans at t-shirt. Nahuli kasi nitong nakatingin siya sa pinto. "O iniisip mo kung pa'no lumipat ng ibang kuwarto na hindi ka mahuhuli ng pamilya mo?" dagdag nito. "Puwede kong gawan ng paraan-" "Hindi 'yon ang iniisip ko, Rush." putol ni Ariah. Hindi nga lang niya puwedeng aminin kung ano ang talagang iniisip niya. "Sa business," alibi niya. "New designs ng mga sapatos for millenials." Tumango ang lalaki. "Busine

