Josephine,
What are you willing to sacrifice for love that feels more like a punishment than peace?
Hanggang kailan mo kayang mahalin ang isang taong walang ibang ginawa kundi ipagtabuyan ka at pagsabihan ng masasakit na salita?
What if love starts to feel like slow poison? Do you keep drinking it, hoping one day it will turn into something sweet?
Ilan 'yan sa mga tanong na paulit-ulit na umiikot sa isip ko habang dahan-dahan akong naglalakad papunta sa kwarto ng asawa kong si Killian. Asawa, pero parang alikabok lang ako dito sa mansyon. Hindi kinakausap. Hindi pinapansin.
Tahimik ang buong mansyon, maliban sa tuloy-tuloy na patak ng ulan sa labas. Tila sinadyang sabayan ng panahon ang bigat ng nararamdaman ko. Sa bawat hakbang ko palapit, parang mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa takot. O baka pareho.
Tumigil ako sa harap ng pinto ng kwarto ni Killian. Kahit mag-asawa kami, magkaibang kwarto pa rin ang tinutulugan namin mula noong unang gabi ng kasal. Isang sampal na paalala na hanggang papel lang ang ugnayan namin.
Ilang segundo rin akong nakatayo sa harap ng pinto bago ko hawakan ang malamig na doorknob...kasing lamig ng pakikitungo niya sa'kin.
I gathered all the courage I had left and slowly turned the knob. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang pamilyar na amoy ng cedarwood at malamig na hangin mula sa bukas na bintana.
Minimalist ang kwarto ni Killian. Lahat ng gamit maayos tulad ng pagkatao niya. Malinis, disiplinado, walang espasyo para sa kalat. Para sa gulo. Para sa akin.
Nandun siya sa dulo, nakaupo sa harap ng laptop sa isang modernong desk na gawa sa dark mahogany wood. His eyes were glued to the screen while his fingers moving fast on the keyboard.
His hair was slightly tousled, like he had run his fingers through it in frustration, but somehow, mas lalo siyang naging kaakit-akit. Parang kahit hindi niya sinasadya, gusto niyang ipaalala sa akin na hindi ko siya kayang kalimutan.
He looked breathtaking even in his coldest form.
Nakasuot siya ng itim na long sleeve na bahagyang bukas ang ilang butones sa itaas. Kitang-kita ang makinis niyang balat at ang kaunting bahagi ng matipunong dibdib niya. The sleeves were rolled up neatly to his elbows, showing off those veined, masculine forearms that looked like they were carved with purpose. 'Yung parang sinadyang ipakitang kahit sa pananamit, may awtoridad siya. He wasn’t just a man...he was a storm dressed in discipline.
He was wearing his eyeglasses: black, sleek, na bagay na bagay sa matalas niyang mga mata. The frames rested perfectly on the bridge of his nose, making him look even more intimidating, even more unattainable.
Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing nakikita ko siyang naka-eyeglass, mas lalo akong natatakot… at nahuhulog.
Ang gwapo niya, oo. Walang duda. Killian Montemayor was the kind of man who could silence a room just by walking in. And he had an aura that made women either blush with desire or freeze in fear. Maging ako, hindi pa rin sigurado kung saan ako nabibilang. Do I blush with desire or do I freeze with fear? Baka pareho. O baka nga, natutunan ko nang itago ang kilig sa likod ng takot.
Napakagat ako sa labi habang pinagmamasdan ko siya mula sa pintuan. He hadn't noticed me yet, or maybe he did, at pinili niyang balewalain. That would be so him.
Pinikit ko sandali ang mga mata ko, huminga nang malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto at maingat na sinira ang pinto.
"Anong kailangan mo?" he asked without even looking at me.
Pero sanay na ako sa tono ng boses niya na palaging malamig, palaging walang emosyon. Para bang kahit mismong presensya ko ay istorbo para sa kanya.
"Kung wala kang sasabihing mahalaga, lumabas ka."
Hindi ko alam kung mas gusto kong lumapit… o tumakbo palayo.
But I came here for a reason.
So I stepped in, forcing my feet to move closer kahit parang may tinik sa bawat hakbang ko.
This was either my last attempt, or my greatest mistake. Ngayong gabi, gusto ko sanang subukan. Sana... sana makita niya akong iba. Hindi bilang babae sa bar, hindi bilang asawa sa kontrata, kundi bilang babae na pwedeng mahalin.
Bago pa man ako mawalan ng lakas ng loob, dahan dahan kong hinawakan ang laylayan ng suot kong silk robe at isa-isang inalis ang tali nito.
I could hear my own heartbeat echoing inside my ears, louder than the rain outside, louder than the deafening silence between us. Kahit nanginginig ang kamay ko, pinilit kong maging matatag. Dahan-dahan kong hinubad ang robe na suot ko, hanggang sa dumulas ito pababa sa sahig na parang pagbitaw ng huling pride na natitira sa pagkatao ko.
Hubo’t hubad akong nakatayo ngayon sa harap niya. Walang kahit anong saplot. Isang babae lang na umaasang mapansin at mahalin.
Nilunok ko lahat ng kaba. Hindi lang balat ang inilantad ko sa harap niya... kundi pati ang kahinaan ko. This wasn’t just about being naked. It was about being seen. Being honest. Umaasa ako, kahit konti lang... kahit isang saglit na pagtingin na may halong appreciation.
Maybe this is crazy. Maybe this is pathetic. Pero sa gabing ito, gusto kong subukang kunin kahit isang piraso ng pagtingin niya sa akin. Kahit sa pamamagitan ng katawan kong alam kong maraming beses nang pinagkaguluhan. Hindi sa pagmamayabang but I'm confident with my body. My bréasts were full, firm, proud. At kahit kailan, hindi ko ikinahiya ang itsura ko. I've worked hard for it. Discipline sa pagkain, regular workouts, and years of training in pageantry. Ilang beses na akong nag-uwi ng korona noong nag-aaral pa ako ng college. I knew how to carry myself, how to walk with grace, how to make every eye follow me the moment I entered a room.
Pero kay Killian… he never looked at me that way. Not once. As if I was invisible. Or worse, disposable.
"Killian..." I whispered his name, hoping it would mean something. Hoping that tonight, it could break the wall he had built so high and so cold between us.
Killian finally stopped typing. His fingers froze mid-air. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Tumama ang malamig niyang mga mata sa hubad kong katawan. Pero walang bakas ng paghanga. Walang pagnanasa. Walang kahit anong emosyon. Just that familiar emptiness in his eyes. Kahit hindi pa siya nagsasalita, ramdam ko na ang panlalait sa likod ng kanyang katahimikan.
"What the hell do you think you’re doing, Josephine?”
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Ang konting tapang na naipon ko, bigla na lang naglaho sa isang iglap. Pero nanatili akong nakatayo, kahit ang tuhod ko’y halos bumigay.
"I just wanted to be a wife to you tonight."
"A wife?" Tinanggal niya ang salamin niya at inilapag sa mesa. His brows were slightly furrowed, jaw clenched. “Baka nakakalimutan mong this marriage is a contract. Don’t mistake my silence for affection. At kung inaakala mong maaakit mo ako sa ganyang paraan… you’re more pathetic than I thought."
Hindi ko alam kung mas nasaktan ako sa mga salita niya o sa katotohanang may bahagi doon na totoo.
“Ganyan ka na ba ka-desperada? Ginagamit ang katawan para mang-akit? Para manglimos ng atensyon?"
Sinubukan kong magpakatatag, pero unti-unti nang bumibigay ang luha ko.
“I...I wasn’t trying to seduce you, Killian
I was trying to remind you I’m human too. Gusto ko lang… gusto ko lang makita mo ako. Bilang asawa mo. Bilang babae na handang mahalin ka kahit sinasaktan mo ako.”
"Are you stupid or what? You know exactly why we’re in this arrangement. So stop acting like this is some fúcking fairytale."
“Killian, hindi ko naman inaasahang mahalin mo ako agad. Pero sana man lang… kahit konting respeto. Konting pagtingin. Konting—”
"Respect?” Tumayo siya mula sa kinauupuan niya. “You want respect? After everything? Ikaw ang babaeng nabibili ng pera. A woman who danced for strangers every night just to survive. And you want me to treat you like a wife? Don’t fool yourself. Kahit hubarin mo pa lahat ng suot mo gabi-gabi sa harapan ko. Kailanman hindi kita magugustuhan.”
Napakagat ako sa labi, this time hindi na para magmukhang kaakit-akit kundi para pigilan ang pag-iyak.
"Put your clothes back on. Kung gusto mong gamitin ang katawan mo para makuha ang atensyon ko, wag dito. Hindi ako kagaya ng mga lasing mong kliyente sa bar.”
Mabilis kong pinulot ang robe sa sahig. Pilit kong pinunasan ang luha bago pa niya makita, pero huli na.
“Get dressed. And get out. I have no time for your drama.”
Mabilis akong tumalikod, pilit nilulunok ang buhol sa lalamunan ko habang pinupulot ang dignidad kong parang basahan sa malamig niyang sahig. The silk robe felt heavier now, like it carried all the shame, rejection, and pain I tried so hard to bury. Hindi ko na alam kung alin ang mas masakit. Ang malamig niyang mga salita, o ang sarili kong katangahan na umasa pa.
Paglabas ko ng kwarto, saka na lang tuluyang bumigay ang mga luha ko. Hindi na ako nag-abalang pigilan. Walang ibang tao sa hallway, and maybe that’s the only mercy tonight gave me. Privacy to cry.
I leaned against the cold wall, pressing my back hard as if trying to feel something solid, something real. Kasi sa totoo lang, ang hirap na. Ang hirap magpanggap na okay pa ako. Ang hirap umasa araw-araw na baka bukas, babait na siya. Baka bukas, mapansin na niya ako.
Baka bukas… mahalin na niya ako.
Pero ilang bukas pa ba ang kailangang lumipas para matanggap kong hindi na mangyayari ‘yon?
Pero alam ko, hindi habang-buhay na ganito ako katanga.
Alam kong darating ang araw na mapapagod rin akong umiyak. Mapapagod na umasa. Mapapagod na manglimos ng atensyon sa lalaking ang turing sa'kin ay babaeng bayaran, hindi asawa.
At kung dumating man ang araw na 'yon.
I’ll make sure he regrets every single time he made me feel like I was worthless.
Sisiguraduhin kong siya naman ang magmamakaawa sa pagmamahal ko.
He'll beg for love the way I once begged for his attention.
TO BE CONTINUED ᯓ ✈︎ ✈︎