Killian Montemayor,
Posible pa lang mahalin mo ang isang bagay na hindi mo ginusto sa simula.
Akala ko dati, imposible 'yon. Na hindi mo pwedeng mahalin ang isang bagay na pinilit lang sa'yo.
But I was wrong.
Akala ko dati, wala akong choice. I was just following orders, like I always did. Hindi ko pinangarap maging bahagi ng Philippine Air Force. I never saw myself in uniform, following commands and flying high above the clouds. Hindi ko ‘yon pangarap. Hindi ko ‘yon mundo. Pero pangarap ‘yon ni Papa. At bago siya tuluyang nawala, ‘yon ang huling hiling niya sa akin.
So I said yes.
And somewhere between resisting and becoming, I found purpose. Dahil sa bawat araw na lumilipas, habang pinipilit kong kayanin ang disiplina, ang hirap, ang tahimik na lungkot ng himpapawid. Hindi ko namalayang natutunan ko na palang mahalin ang himpapawid.
You learn to love it. Not because it was your dream. But because someone you loved believed it could be yours.
At ngayon, nandito ako... libu-libong milya ang layo sa Pilipinas. Sa loob ng isang U.S. Air Force Base, suot ang flight suit, dala ang pangalan ng bansa sa dibdib ko at hawak ang kapalaran ng isang fighter jet sa kamay ko.
“Captain Killian Montemayor, you're cleared for takeoff.” Tumunog ang boses sa headset ko–steady at pamilyar. Pero kahit ilang ulit ko nang naririnig ‘yon, iba pa rin ang tíbok ng puso ko tuwing sinasabi nila ang ranggo ko.
Captain. Hindi ko pangarap noon, pero ngayon, bahagi na siya ng katauhan ko.
Tumango ako sa American instructor bago sumampa sa F-16 Fighting Falcon. Pero sa totoo lang, kahit ilang ulit ko nang ginagawa ‘to, lagi pa rin akong kinakabahan. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa bigat ng responsibilidad. Hindi lang ‘to basta training flight. Isa ‘to sa mga pinakahihintay kong bahagi ng International Military Education and Training program, ang solo maneuver simulation. Ako lang. Walang co-pilot. Walang backup.Walang ibang pwedeng sisihin kung magkamali ako. Ako lang.
“Captain Montemayor, ready for final check,” ulit ng ground crew sa kabilang linya.
“Copy that." I checked the instrument panel, bawat ilaw, bawat gauge, bawat button.
“Hydraulics, check. Navigation, check. Engine system nominal. Fuel at 98%, oxygen flow stable. Cabin pressure locked. Altimeter on point. All systems go.” Matagal ko na 'tong ginagawa but every single time...it continues to humble me. Yung pakiramdam na para kang hawak ng langit at lupa sa iisang segundo. One wrong move, and you crash. One perfect turn, and you soar.
“Tower, this is Falcon One. Requesting permission for takeoff.”
“Falcon One, cleared for runway two-zero. Winds calm. Godspeed, Captain.”
Sa loob ng cockpit, everything went quiet. Not because there was no sound, but because the noise faded into focus. My breath. My heartbeat. Parang lahat ng tunog, naging isang alon na lang ng konsentrasyon.
Humigpit ang hawak ko sa throttle. Huminga ako nang malalim bago iangat ang fighter jet pataas, paakyat sa langit na tila ba sinusubok kung hanggang saan ang kaya ko. Ramdam ko ang bigat ng G-force habang umiikot kami sa ere. Ang buong katawan ko, parang tinutulak pabalik sa upuan habang pinipilit kong panatilihing steady ang kamay ko sa control.
Nakakabingi ang tunog ng makina. Nakakasilaw ang araw sa canopy. Pero sa gitna ng lahat ng ‘yon, I felt something I never thought I’d feel up here.
Peace.
Not the absence of noise, but the presence of clarity
“Altitude 15,000 feet. Airspeed at 450 knots. Maneuver initiated.” I announced it clearly, just like how they trained us.
Pero sa totoo lang, sa dami ng tinuro nila, ibang klaseng leksyon ang natutunan ko sa sarili ko habang nasa himpapawid. 'Yon ang mga bagay na hindi tinuturo sa manual.
Like how pain can push you to excellence.
How love can disguise itself as duty.
And how sometimes, the very thing you ran from becomes the only thing that makes you feel alive.
"Executing high-G barrel roll." Hinila ko ang control stick sa kaliwa, sabay apak sa rudder. Ramdam ko agad ang shift ng aircraft, parang sumayaw sa ere ang jet. Mabilis, matulis, malinis ang galaw.
The jet was alive. And so was I.
“Initiating inverted dive.” Binilisan ko ang throttle, sabay ikot pabaliktad. Gravity pulled at my body. Ang dugo ko parang gusto nang bumaba sa talampakan ko pero nanatili akong kalmado. Trained. Focused.
Sa taas, everything looks smaller. Ang mga problema, ang ingay, ang sakit. Lahat ng iniwan mo sa lupa, parang nagiging bahagi ng isang mas malawak na larawan.
Naramdaman kong nag-vibrate ang headset ko. “Falcon One, flawless maneuver. Good work, Captain Montemayor. Proceed to next sequence.”
“Copy, proceeding to Immelmann turn.” I tightened my grip again, this time more sure, more grounded. Habang iniangat ko ang jet sa vertical climb...I felt it again. That clarity. ‘Yung pakiramdam na kahit hindi mo pinili ‘to, parang tama pa rin.
"Level and roll... now." Mabilis kong in-adjust ang rudder at control sabay. The aircraft responded smoothly, halos parang kabisado na rin niya ang tîbok ng puso ko.
You are the aircraft. ‘Yan ang paulit-ulit na turo sa amin. Hindi ka lang piloto–ikaw mismo ang jet. You don’t fight the wind. You move with it.
Sa bawat maneuver, hindi lang disiplina at lakas ng loob ang sinusukat. Sinusubok din ang puso...kung kaya ba nitong panindigan ang bigat ng pangarap na dati hindi sa’yo.
"Falcon One to Tower, maneuver complete. Requesting descent vector.” Napapikit ako sandali habang nasa steady altitude. Saglit lang. Just enough to breathe. Just enough to remember.
“Falcon One, descend to flight level 100. Vector 1-2-5. Well done, Captain.”
Napangiti ako. Napaka-ironic lang na yung bagay na tinanggihan mo noon, siya palang magiging dahilan kung bakit mo mararamdaman kung gaano ka talaga buo.
Sometimes, the dreams you didn’t want become the ones that save you.
Mahal ko na ang paglipad. Hindi dahil pinili ko ito mula sa simula. Pero dahil natutunan kong yakapin ang bawat segundo sa ere.
In the sky, I found clarity. I found home.
Pagbalik ko sa base, sinalubong ako ng mga kasamahan kong piloto. May ilang Amerikano, may ilang kapwa ko Filipino na tulad ko ay bahagi rin ng IMET program. May mga pumalakpak. May ilang tumapik sa balikat. Pero ang pinakamatimbang sa lahat? ’Yung tingin nila. Iba na. Hindi na ako ’yung rookie na tahimik lang sa sulok. Hindi na ako ’yung Killian na mukhang pinilit lang ng tadhana. Ngayon, isa na akong jet fighter pilot ng Philippine Air Force.
"Nice flight, Captain Montemayor," bati ng isang senior instructor na bihirang ngumiti. Pero ngayon, may konting tuwa sa mga mata niya habang kinakamayan ako.
Lumapit rin sa'kin si Lieutenant Javier at inabot ang isang bottled water. "Solid, Cap. Parang hindi ka man lang kinabahan."
Tinanggap ko ang bottled water saka bahagyang tumango. “Sa totoo lang? Kinakabahan pa rin. Every single time.”
Tumawa siya. “Parehas lang pala tayo. Pero ‘pag ikaw na ang nasa cockpit, parang ibang tao ka. Para kang halimaw sa galing."
"Thanks, Javier. Pero ikaw na next sa simulation. Baka mas magaling ka pa nga."
"Not a chance, cap. Ibang level ‘yung ginawa mo. Kung ako ‘yun, baka nag-pass out na ako halfway sa inverted dive. Mas lalo tuloy akong na-pressure."
"Pressure is part of the altitude, Javier."
Sabay kaming tumawa, pero sa likod ng tawanan, alam kong pareho kaming may dalang bigat sa dibdib. Kasi hindi lang naman ‘to tungkol sa pagiging fighter pilot. Hindi lang ‘to tungkol sa training. It's about everything we had to leave behind just to be here.
Pagkatapos ng debriefing, naglakad ako paalis ng operations building, hawak ang helmet ko sa isang kamay, at ang flight log sa kabila. Naglalakad ako mag-isa, pero hindi ako naramdaman ang lungkot. I was never this sure about anything in my life. Kasi dati, wala akong choice. Pero ngayon... pinipili ko na ‘to, ang maging isang fighter pilot.
Habang naglalakad, naramdaman kong tumunog ang phone ko sa loob ng flight suit pocket ko. Tinanggal ko ang suot kong gloves at kinuha ang cellphone.
Saglit akong natigilan nang makita ko ang pangalan sa screen.
Lola Soledad
Napahinga ako nang malalim. My thumb hovered over the screen for a second longer than necessary bago ko pinindot ang Answer button.
"Hello, Lola?"
"Aba’t buhay ka pa pala!” sumbat agad ni Lola Soledad sabay buntong-hininga. “Baka sa burol ko na lang tayo magkita, Killian."
"Lola naman..."
"Wag mo akong ma-lola lola. How many times did I call you these past five days, ha? Limang beses kahapon. Tatlong beses noong isang araw. Hindi mo man lang sinagot ni isa.”
Napakagat ako sa labi habang hinahanap ang tamang sagot. Pero sa tono pa lang ni Lola Soledad, alam kong kahit anong paliwanag ko, kulang.
"Lola, I'm sorry. Sunod-sunod lang talaga 'yung training at assignments. Alam niyo naman ‘to… international deployment. I badly wanted to call pero—"
"Don't give me that lame excuse, Killian. Kapag gusto, may paraan. Kapag ayaw, laging may dahilan.”
I closed my eyes for a second. Iba talaga kapag may lola kang pinaglihi sa dragon. Commanding in her own way. No uniform, no medals, just pure emotional blackmail wrapped in love.
“Lola,” I said softly, trying to ease her tone. “I really am sorry. I know I should’ve called... kahit sandali lang.”
"Exactly. Next time, kahit 'yung isang minuto lang na 'hi, Lola, buhay pa ako’. Okay na ‘yon sa akin. Hindi mo kailangang ikwento ang buong training mo habang nagpapalipad ka ng jet. Gusto ko lang marinig ang boses mo. Malaman kong ligtas ka. ’Yon lang.”
Napalunok ako. Kasi totoo naman, sa dami ng ginagawa ko, minsan nakakalimutan kong hindi lang ako piloto. Apo rin ako. Anak. Kaibigan. At may mga taong naghihintay. Nag-aalala. Umaasa na kahit gaano kalayo ang lipad ko, babalik pa rin ako.
"I understand, Lola. I’ll do better. Promise."
Tahimik siya saglit sa kabilang linya. Tapos narinig ko ang mahinang buntong-hininga. “May good news ako sayo."
Kumunot ang noo ko. I knew that tone. I wasn’t sure if I should be worried or excited.
“Anong good news, Lola?” Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa kalangitan na unti-unti nang tinatabingan ng dapithapon.
“May napili na akong mapapangasawa mo..."
TO BE CONTINUED ᯓ ✈︎ ✈︎