Killian Montemayor,
“May napili na akong mapapangasawa mo...”
Napatingin ako sa phone na kasi parang mali ata ang narinig ko. Did she just say—
“Wait, what?”
“Don’t act surprised, Killian. Matagal na kitang kilala. Hindi mo na kailangan pang mamili. Pinagdasal ko na, pinag-fasting ko pa. Ipinakita na sa’kin ng Diyos ang tamang babae para sa’yo.”
Here we go again...
“Lola, we’ve talked about this—”
“Shhh... Makinig ka muna. Maganda siya, apo. As in, pang-beauty queen ang mukha. Edukada, may degree sa Psychology at may master’s pa sa abroad. Sexy, yung tipong lahat ng construction worker mapapatingin. At higit sa lahat… mayaman.”
“Lola—”
“May sarili siyang negosyo. Hindi lang basta boutique, ha. Isang clothing brand! Pang-international. Baka pati uniform niyo sa Air Force, kaya niyang i-rebrand.”
Napapikit ako habang pinipigilan ang sarili kong matawa o mainis. Si Lola talaga. Hindi pa nga ako nakakapagpahinga galing flight, gusto na agad akong mag-asawa.
“Lola, seryoso ba kayo? You really think pipili ako ng mapapangasawa base lang sa itsura, degree, at pera?”
“Hindi lang ‘yon, iho. Mabait din siya. Marunong makisama. At eto ang pinakaimportante... approved siya sa'kin."
“Hindi ko alam lola, na ikaw na pala ang basihan ngayon kung sino ang para sa akin?”
“Precisely! Kasi ako ang Lola mo. Mas kilala kita kaysa sa sarili mo.”
Tumahimik ako sandali. Sa totoo lang, hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot. Kilala ko si Lola. Kapag sinabi niyang may plano siya, hindi ‘yon basta biro. At kapag sinabi niyang napagdesisyunan na, ibig sabihin, tapos na. Na-finalize na. Parang mission order.
“Lola... I appreciate the thought. Pero hindi ko kailangan ng arranged marriage. Hindi na tayo nasa panahon ng kastila.”
“Arranged? Aba’y hindi ito arranged marriage! Divinely orchestrated union ito. Hindi mo lang alam, pero kapag nagkakilala na kayo, sasabihin mong—‘Lola, ang galing mo talaga!’”
Napailing ako. “Lola…”
“Pumayag ka na. One dinner. One meeting. If you don’t feel anything after that, fine. I’ll back off."
Napahinga ako nang malalim. Just one dinner, sabi niya. But I knew better. With Lola Soledad, one dinner is never just a dinner.
"At saka,” dagdag niya, halos pabulong, “hindi naman kita pipilitin kung may mahal ka na.”
Bigla akong natahimik. She said it casually, but I knew it wasn’t just a tease. She was testing something. Feeling around the edges of a truth I never dared to speak aloud.
“Wala naman, Lola. Hindi pa.”
"Hindi pa,” ulit ni Lola, at sa tono ng boses niya parang may iniisip na naman siyang plano. “Ibig sabihin, bukas pa rin ang puso mo. Pwede pang pumasok ang tamang tao.”
Hindi ko siya sinagot agad. Hinawakan ko lang ang helmet ko nang mas mahigpit. I wish love was like flying. Na kung masyado nang mataas, pwede mong i-declare ang emergency, bumaba, at mag-landing ng ligtas. Pero hindi. Love is messier than warzones. More unpredictable than turbulence.
“Lola, hindi ‘yun ganun kadali. I didn’t have time… or space... for that kind of thing."
"Exactly my point. Kaya nga ginagawa ko ‘to, Killian. Dahil kung hihintayin pa nating magkaroon ka ng oras para sa pag-ibig, baka mauna pa akong ilibing bago mo makita ‘yung babaeng para sa’yo.”
Napailing ako. “Lola, you're exaggerating again.”
“Don’t argue with me. I’m just being practical. At my age, hindi ko na pwedeng sayangin ang panahon. Gusto kong bago ako kunin ni Lord, makita kong ikasal ka. Gusto kong magkaroon ka ng sariling pamilya at isang dosenang anak.”
“Lola, isang dosena talagang anak? At pwede bang pag-isipan ko muna ‘to?”
"Pinag-isipan ko na nga para sa’yo, apo. Don’t worry. Hindi ka ipapahiya ng babaeng ito. Magkikita kayo pag-uwi mo. Isang dinner lang. Baka nga ikaw pa ang unang ma-in love. Apo, trust me. This might just be the one.”
Alam kong wala na akong takas kapag si Lola ang nagsabi. She wasn’t asking permission. She was just informing me.
"Fine." Yon lang ang nasabi ko. Isang salita, pero para akong pumirma sa isang kontrata na hindi ko pa nababasa. Sa tono ni Lola Soledad, alam kong tapos na ang usapan. Kahit magreklamo pa ako ng tatlong oras, sa dulo, mauuwi rin kami sa parehong bagay—yung dinner na ‘yon. Yung set-up. Yung potential disaster disguised as destiny.
“Sabi ko na nga ba. Alam kong hindi mo ako bibiguin. I knew my prayers would work.”
“Lola, ipapaalala ko lang sa'yo, dinner lang ‘to, ha? Huwag ka agad magpagawa ng wedding list. At lalong huwag niyong ipagawa si Father Greg ng wedding homily.”
“Too late. I already called him.”
“Lola!”
Tumawa siya, yung tawang may halong tagumpay. “Joke lang, apo. Pero seriously... you’ll thank me one day.”
Napaka-persistent talaga ni Lola. Napaka-strategic. Parang retired general na di pa rin tinatantanan ang misyon—ang maikasal ako.
"Oo nga pala Killian, baka nakakalimutan mong birthday ko na next Tuesday. Umuwi ka. Non-negotiable."
"Lola I'm not even sure kung makakauwi ako sa araw na ‘yon. The schedule is tight at may flight drills pa kami."
"Subukan mong hindi umuwi, itatakwil kita bilang apo at hindi ko ipapamana sayo ang yaman na dapat para sayo!”
Napahawak ako sa sentido. Bakit ba kapag si Lola ang kausap ko, pakiramdam ko parang wala akong laban. “Okay, lola. I’ll try. I’ll request for leave.”
“Hindi mo na kailangang i-request. Kinausap ko na si Colonel Velez.”
“Lola!” Halos mapasigaw ako. “You called my commanding officer?!”
“Well, of course. I had to do something para lang masigurado kong pupunta ka sa birthday ng Lola mo. Don’t be so dramatic.”
I closed my eyes. She hit the target straight on. As always. Sino bang nakakatanggi sa kanya? She’s a sweet old woman on the outside, but deep inside? She’s a tactical genius. A manipulator for a cause—love and legacy.
"At pag-uwi mo, isasabay mo na rin ang dinner with her. Para isang lakad na lang."
“You’re really serious about this Lola, aren’t you?"
“Oh come on apo. I’ve survived wars, recessions, pandemics, and three bypass surgeries. You think I’m not serious?"
Napanganga na lang ako. I wanted to argue, but I knew better. Si Lola ‘to. She probably already has a spreadsheet comparing our family gene pool to that mystery woman’s medical background.
“Ano nga pala pangalan niya, La?”
“Hindi mo siya kilala. Pero alam kong pag nakita mo siya, you’ll feel it.”
“Feel what? The pressure of a thousand ancestors pushing me to settle down?”
“The spark, Killian. Yung kilig na hindi mo maipaliwanag. Yung parang flight na smooth ang takeoff. Walang turbulence, at perfect ang landing.”
God! How can someone romanticize aviation and dating in the same breath?
Napahilot ako sa sentido habang naglalakad papunta sa Headquarters Building. My duffel bag felt heavier than usual, not because of what was inside, but because of everything Lola just dropped on me. Parang biglang nagbago ang trajectory ng buong linggo ko.
"Lola… hindi lahat ng flight may perfect landing. Minsan, kahit gaano ka pa ka-handa, may crosswind na bigla na lang sisira sa plano mo.”
"But a good pilot knows how to adjust, Killian. At isa pa, natuturuan naman ang puso kung paano magmahal. Di ba nga, ayaw mong maging piloto dati? Pinilit ka lang ng Dad mo. But look at you now...you're one of the best Airman. Mas mahal mo na nga 'yang mga aircraft na 'yan kaysa sa sarili mong lola."
Napabuntong-hininga nalang ako. How can I argue with that?
"Pero syempre, hindi ito tungkol sa akin. Tungkol ‘to sa’yo, Killian. At sa babaeng magiging ina ng mga anak mo. Baka nakakalimutan mong nirespeto ko ang desisyon mo noon na hindi ka pa handa magkaroon ng sariling pamilya. Ang tagal kong naghintay, Killian. Baka naman this time, pagbigyan mo na ako sa gusto ko."
“Okay. Fine.” Umiling na lang ako. It was impossible to win against her. “One dinner. And no more surprise phone calls to my colonel.”
“Hindi na. Next time, sa general na.”
“Lola!”
Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. That kind of laugh that made me smile despite everything. Dàmn it! I was really doing this...this mission in disguise as a date.
"Killian, our deal is sealed. Consider this your next mission."
"Lola baka naman magbago pa ang isip mo. I want to go home and just rest. No pressure, no set-ups, no divine matchmaking. Just... peace.”
"Hay naku Killian! You're not coming home for peace. You’re coming home for purpose. At tyaka hindi mo na mababago ang isip ko. Makikipag-dinner date ka sa kanya."
"But Lola—"
"Huwag ka nang kumontra. Sayang ang food. At least kung hindi ka ma-in love, mabubusog ka.”
Dinner date with a total stranger, tapos kasama pa ang birthday niyang non-negotiable. Kulang na lang bigyan niya ako ng printed itinerary at vow template.
I swear, si Lola Soledad, hindi lang basta senior citizen. Para siyang secret agent na may sariling operations team.
Napakamot na lang ako sa batok pagkatapos ng tawag namin ni Lola. I let out a deep breath and made my way to the headquarters building.
Hindi ko alam kung migraine ba itong pumipitik sa ulo ko o side effect lang ng tawag ni Lola.
As Air Force personnel, we train to be precise. To follow orders. To calculate every move. But in my personal life–under the jurisdiction of Lola Soledad... logic doesn't apply. Orders don’t come from commanding officers. They come from her. At walang makakatakas sa utos kapag siya ang nagbigay.
Pagpasok ko sa Headquarters Building, napatingin agad ako sa paligid. This is the heart of the base. Kung saan umiikot ang lahat ng administrative functions ng squadron namin—personnel records, operations plans, logistics coordination, at kung saan madalas naka-base ang mga senior officers. Ito rin ang lugar kung saan pinipirmahan ang mga leave forms, ini-issue ang mission briefs, at kung minsan, pinapatawag para sabihing may bagong assignment.
Tahimik ang hallway, at habang nilalakad ko ang pasilyo papunta sa admin office, ramdam ko pa rin ang bigat ng desisyon na parang ipinilit sa akin. I was a soldier, trained for battle—but never for blind dates arranged by grandmothers.
Pagbukas ko ng pinto sa admin office, agad akong sinalubong ng malamig na aircon at amoy ng kape na halatang paulit-ulit nang pinainit sa vending machine.
"Captain Montemayor,” bati sa’kin ni Commander Dominguez, ang admin officer ng squadron namin.
"Sir." Inayos ko ang tindig ko at sumaludo kay sir Dominguez.
"Narinig ko kay Colonel Velez, you’re taking a short leave?”
“Yes, sir. Family matters.”
“Birthday ng lola mo, tama?”
“Yes, sir.”
“Good. Sa edad niyang ‘yon, every birthday counts. Enjoy your leave. Pero Montemayor..." Ngumisi siya na para bang alam na ang buong kwento. “Don’t come back with a wedding ring without telling us, ha.”
Napasinghap ako. “Don’t tell me pati dito alam na rin?”
Ngumisi si Sir Dominguez. “Colonel Velez personally approved your leave. At alam mo naman si Madame Soledad, kilala siya dito. VIP ‘yan kahit hindi enlisted. And the whole squadron knows who she is. Willing pa ngang mag-donate ang Lola mo ng A-10 Thunderbolt II attack aircraft para lang payagan kang makapag-leave."
Napakagat ako sa labi at bahagyang napailing. I couldn’t even pretend to be surprised anymore. Paano naman kasi halos lahat ng officer dito sa base, parang kasabwat na ni Lola.
Tumatawang inabot sa'kin ni Sir Dominguez ang leave form. "Kakaiba talaga kapag nag-iisang tagapagmana ng multi-billion real estate empire ang nag-leave. Automatic priority clearance. Isang tawag lang, approved agad. Basta balitaan mo kami kung may love at first flight ha?”
Hindi ko alam kung pilosopo si sir o secret supporter ni Lola. Love at first flight? Seriously? Even the admin office is on board with this mission.
"Enjoy your leave, Captain Montemayor. And tell Madame Soledad happy birthday from us. She’s a legend around here.”
Tumango na lang ako at sinikap ngumiti. “Yes, sir. Will do.”
Pagkalabas ko ng admin office, napahinto ako sandali. Tinignan ko ang leave form sa kamay ko, parang mission order na hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak.
Huminga ako nang malalim habang tinatahak ang covered walkway papunta sa barracks. Sumalubong sa akin ang banayad na hangin na may kasamang amoy ng jet fuel mula sa hangar area–familiar, comforting, and somehow ironic. Kasi kahit amoy-giyera ang paligid, mas panatag pa rin ako rito kaysa sa amoy ng pabango ng babae sa dinner date.
TO BE CONTINUED ᯓ ✈︎ ✈︎