Obsessed with you!
Jodie's Pov
"Finally andito na rin tayo.."
Sabay higa ni tiffany sa bed niya isa sa mga kasama namin na dancer tatlo kami sa iisang kwarto yung iba naman sa kabilang kwarto, si Sir Francis ay siya lang mag isa dahil siya lang naman yung lalaki sa amin eh, andito na kami sa hotel na tutuluyan namin sa Miami Florida, grabe napaka ganda talaga dito, habang lulan kami ng van kanina natatanaw ko yung mga malalaking building, wala na kaming time kanina mamasyal dahil napagod kaming lahat sa byahe, plano pa sana ni Sir Francis mamasyal pero hindi na umu o ang lahat, nakakapagod kaya.
Sila Alicia naman sa ibang hotel nag stay pero magkikita din naman kami bukas sa port kaya walang problema, na eexcite na talaga ako bukas baka hindi pa ako makatulog ngayon gabi dahil sa sobrang excitement.
"Parang ayaw ko pang magpahinga ngayon, maaga pa kase eh.."
Sabat naman ni Vanessa na dancer din, naka upo lang ito sa kama niya, isa isa kami ng kama yung pang single bed lang, nasa may bintana naman naka pwesto sa akin, gusto ko din naman dahil malapit lang ako sa terrace.
4: 30 pm pa kase kaya maaga pa nga, pero ako gusto ko nang magpahinga at matulog may jetlag ata ako eh.
"Oo nga eh, ano Vanessa punta tayo ng bar? Maraming magagandang bar dito sa Miami at maraming gwapo!"
Napatili naman si Tiffany.
"Go ako!" - Vanessa
Hays! Di ba sila napagod? Kanina nga hindi sila umu o na mamasyal muna, kaya naman pala eh bar ang gusto nilang puntahan.
"Ikaw Jodie? Ano go ka?!"
"Ayaw ko gusto kong magpahinga eh.."
Sabay higa ko sa kama, kanina kase ay ini ayos ko muna yung gamit ko inilabas ko yung gagamitin ko ngayon bago ako matulog.
"Ang Kj mo naman, minsan ka nga lang namin ayain ayaw mo pa.."
Naka ngusong sabi ni Tiffany,
Himala ata at nag imbeta sila sa akin, diba ang paplastik nito sa akin?
"Napagod kase ako sa byahe eh, kayo nalang siguro.."
"Ok fine, hindi kana namin pipilitin.."
Kita ko sa gilid ko na umirap pa sa akin si Vanessa, Hays ang plastik talaga.
Pumikit na muna ako dahil ramdam ko talaga ang pagod sa katawan ko kahit naka sakay lang kami ng eroplano buong araw ay nakakapagod parin sa pakiramdam, nakakabagot din eh, kahit panay dada si Sir Francis sa akin, naramadaman ko nalang na naka tulog na ako.
"Jodie, gumising kana.."
Minulat ko ang mga mata ko at tiningnan yung tumatapik sa akin si Divine pala isa rin sa mga dancer pero sa kabilang kwarto sila kasama si Lea at Rowina.
Napa kunot ang noo ko sa kanya, dahilan para mag salita siya ulit.
"Pinapunta ako ni Sir Francis dito kase sabi niya mag didinner na daw sa baba, tumatawag kase siya sa'yo pero di ka sumasagot, kaya inutosan niya nalang ako."
Tumango tango naman ako at bumangon na, tiningnan ko ang paligid hanggang sa napatingin ako sa bintana at madilim na nga, tiningnan ko ang wall clock at 7:00 pm na, naka tulog pala talaga ako at mahaba haba din yun.
"Dovine, wala pa ba sila Vanessa?"
"Wala pa eh, kasama kase nila si Lea at rowina.."
"Eh ikaw ba't hindi ka sumama??"
Tanong ko sa kanya, tumayo na rin ako at kumuha ng towel, siya naman ay naka upo sa bed ni Tiffany.
Sa kanilang lahat si Divine lang yung mabait at nakikipag usap sa akin na hindi plastik, kaya magaan din yung loob ko sa kanya.
"Hindi eh, napagod kase ako sa byahe kaya natulog nalang ako.."
"Ah ganun ba, ahm wait lang divine ha mag ha half bath lang ako at magbibihis, hintayin mo lang ako diyan ha.."
Tumango naman siya at ini on ang tv pumasok na ako ng banyo at nag half bath pag katapos ay lumabas na ako nag bihis na din ng flower printed na dress na color dark blue, nag kilay lang ako, pulbo at lipstick, nag dollshoes lang din ako at nilugay yug medyo curly kong buhok.
"Let's go na divine?.."
Tumayo naman siya at ini off ang tv at lumabas na nga kaming dalawa, sumakay kami ng elavator, pinindot naman ni devine yung 1st floor.
"Concern talaga si Sir Francis sa'yo Jodie.."
Napatingin naman ako sa kanya at nakikita ko sa kanya na nahihiya pa siyang sabihin sa akin yun, napangiti naman ako ng bahagya.
Tama nga pala may gusto pala siya kay Sir Francis.
"Kaibigan lang ang tingin ko kay Sir Francis, wala akong feelings sa kanya at alam niya na yun.."
Para naman nabuhayan siya ng loob sa sinabi ko, at napangiti nga siya sa sinabi ko.
Nakarating na kami sa 1st floor at sinusundan ko lang si divine dahil siya lang naman yung nakaka alam kung saan kakain.
Ilang sandali pa natanaw ko na si Sir Francis.
"May kausap pa ata si Sir.."
Oo nga pero hindi ko naman matanaw kung sino, medyo malayo pa kasi kami ni divine sa kanila, naka talikod din yung lalaki sa amin at naka harap siya kay Sir Francis, pero base sa pananamit nito naka tuxedo at napaka ayos ng buhok at mahahalata talaga ang pangangatawan nito na matipuno, siguro ka business lang ito ni Sir Francis.
"Tara na Jodie.."
Hinila pa ako ni Devine, nang malapit na kami ay nag shake hands naman silang dalawa at naglakad na yung lalaki papuntang elavator, ngayon ko lang din napansin na may dalawang lalaki din na naka sunod dito na halata talagang mga body guard nito, ang bongga lang ha! Siguro napakayaman talaga nito.
"Oh you're finally here.."
Bati sa amin ni Sir Francis,
Pero ewan ko ba nilingon ko talaga yung lalaki na naka sakay na ng elevator kasama yung dalawang bodyguard nito, unti unti ng sumara yung pinto, sabay na nagtama yung mga mata naming dalawa, pero agad ding nawala dahil naka harang na si Sir Francis sa harap ko.
"Jodie, are you ok?."
Tumango naman ako, sino kaya ang lalaking yun pero di ko naman talaga nakita yung mukha niya dahil nagsara agad yung elavator,mata lang naman yung nagtama sa aming dalawa eh.
"Gutom kana siguro no?"
Natatawang sabi ni Sir Francis, at oo nga gutom na ako.
"Sir Francis andito na kami.."
Napalingon naman kami, at dumating na sila Tifanny, kaya naman sabay sabay na kaming pumasok sa restaurant at kumain.
Bukas ay maaga kaming ba byahe patungong Port Miami dahil nandun ang Symphony Cruise ship, at sobrang nakaka excite.