KABANATA 4

1036 Words
Jodie's POV This is it!! Ito na talaga yun! "Jodie, wala ka na bang nakalimutan na dalhin?" Tiningnan ko yung mga gamit ko na naka arrange na sa maleta maayos lahat sa loob ng maleta, inisip ko muna kung meron pa ba akong nakakalimutan. Sa pagkakatanda ko wala na naman, bago kasi dumating ang araw na ito nilista ko lahat ng mga dapat dalhin ko, tiningnan ko ulit yung mga listahan ko at naka check na lahat, so kompleto na. "Ahmm, wala na Tita Sam, kompleto na po lahat.." "Eh yung passport mo? Ok na ba?.." Tumango naman ako. "Yup Tita Sam.." Kumpleto naman ako lahat ng mga documents ko, dahil noon palang talaga ni ready ko na lahat to, dahil nga naniniwala akong makakapag abroad din ako. At ito na nga! Wala din kaming gastos kasi sagot lahat ni Sir Francis, pati pocket money namin meron din, kaya sobrang saya lang dahil wala kaming perang ilalabas. Lumapit si Tita sam sa akin at niyakap ako. "Hija, mag iingat ka doon ha, sobrang saya ko talaga dahil unti unti mo nang naabot yung pangarap mo, at alam ko ganun din ang mama mo masayang masaya yun para sayo.." Medyo na iiyak pa niyang sabi sa akin kaya pati ako naiiyak na din, kainis naman tong si Tita eh! "Tita Sam naman eh! Naiiyak na rin tuloy ako, oo naman po mag iingat ako dun para sa inyu.." "Ate Jodie, wag mo kalimutan yung pasalubong ko ha.." Binalingan ko si Kenneth at lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Naku ikaw talaga! Di pa nga ako nakakalakad pasulong agad.." Napanguso naman siya kaya ginulo ko yung buhok niya. "Oo na oo na.. syempre di ko pwedeng kalimutan yun no, ikaw pa ba? Malakas ka sa kin eh!" Sabay kurot sa magkabilang pisngi niya. 10am pa yung flight namin, maaga pa naman hinihintay ko rin si Alicia dahil sasabay daw siya sa amin papuntang airport, isang plain lang din naman yung sasakyan namin dahil isang distinasyon lang naman yung pupuntuhan namin. Mag vavan kami papuntang airport kasabay ng mga co workers ko ofcourse sasabay sa amin si Sir Francis, mahaba haba rin yung byahe namin, From here Manila to Miami Florida ay 19 hours ang byahe bago makarating. Pag dating dun ay mag si stay muna kami sa isang hotel then by tommorow eh babyahe na kami papuntang Port Miami. "Bes andito na ako!.." Bungad sa amin ni Alicia na ngiting ngiti. Naka suot lang ito ng Mini dress na bagay na bagay sa kanya, maputi din kasi si alicia at maganda kaya marami talagang nahuhumaling dito. Ako naman ay naka suot lang ng maong highwaist skirt na hanggang tuhod white tshirt na naka insert then sinapawan ko ng leather jacket at naka mini boots, naka pony tail din yung buhok ko. "Let's go na?" "Ofcourse bes! Kahapon pa ako go na go!" At tumili na naman siya. Hays ito talagang bes ko. Binalingan ko na sila Tita sam at kenneth. "Tita mag iingat kayu dito ha, sabihan mo nalang si Aling Rosita na ipapadala ko nalang yung bayad ko sa renta natin ha.." Tumango naman si Tita at niyakap ako ulit. "Oo jodie, basta ikaw din mag iingat ka dun wag kang hihiwalay sa mga kasama mo o kang alicia, ok?" "Opo Tita Sam.." Binalinga ko si Kenneth na busy sa pag lalaro ng cellphone niya. "Hoy bubwit, wag kang maglalakwatsa ha, wag mong iwan si Tita Sam dito,mag araw ka din ng mabuti, isang buwan pa naman akong mawawala, kundi lagot ka sa akin, wala ka talagang pasalubong, wag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Tita Sam.." "Oo na po ate, mabait na kaya ako.." Sumulyap lang siya sa akin at bumalik ulit sa pag lalaro. "O sige na hija, baka malate pa kayo sa flight niyo, babyahe pa kayo pa airport.." Hinatid na kami ni Tita Sam sa labas ng bahay at sakto namang may bumusina, dumating na yung van na sasakyan namin. Lumabas mula sa frontseat si Sir Francis, naka suot ito ng denim jacket na ang inner ay black tshirt naka maong shorts lang ito. Tinanggal nito ang kanyang shades. "Aray!" Siniko pala ako ni Alicia na ngayon ay parang tangang naka titig kay Sir Francis, nakalimutan ko palang crush na crush niya yung boss namin, napailing na lang ako hahaha. "Good morning po Tita Sam.." Bati ni Sir Francis kay Tita Sam, ngumiti si Tita Sam at binati din ito. "Tita Sam, alis na po kami.." "O sige na baka malate pa kayo.." Nagpaalam naku kina Tita at kenneth at sumakay na kami ng van mag katabi kami ni Alicia na hanggang ngayon ay kinikilig kay Sir Francis katabi ko na si Sir Francis dahil lumipat na ito ng pwesto iba narin ang sumakay sa harap. "Bes, palit tayo na pwesto.." Bulong sa akin ni Alicia, napa iling nalang ako at pumayag din, kaya ngayon sila na ang magkatabi. Nag simula ng mag ingay sa loob ng van dahil ang lahat ay sorbrang na eexcite, lahat sila ay may kanya kanyang topic, si Alicia at Sir Francis ay nag chichikahan na din, kaya ako naman dahil wala akong magawa nag headset nalang ako at nakining ng music while nag fa f*******:. After 35 minutes ay nakarating na din kami ng airport, bumaba na kaming lahat at pumasok na, pag dating sa loob ay umupo na muna kaming lahat. "Bes punta mo na ako sa manager ko ha.." Tumango lang ko kay Alicia, dumating na din pala yung mga kasama niya. Ilang sandali pa ay may nag salita na ng 'all aboard' namin kaya sa si tayuan na kaming lahat at pumila na kami, ilang sandali pa ay naka sakay na din kami ng eroplano. Medyo nagulat pa ako dahil tumabi sa akin si Sir francis. If i know! Napa iling nalang ako, ngiting ngiti din ito sa akin. "Are you alright Jodie?.." Tumango naman ako at nginitian siya. "Yes Sir Francis.." "Just take a rest for now jodie, mahaba haba pa tong byahe natin.. Tumango ako ulit kinuha ko yung ipod ko at nakinig ng music, pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa naka tulog ako. After 19 hours.... -END-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD