"Bakit hindi niyo sinabing may iha-hire kayo?" Napagalitan ko si Juliet habang nakatitig kay Raden na tumatanggap nag-se-serve ng order ngayon sa mga customer. "Sorry po ma'am. Naaksidente po kasi 'yong isa nating crew natin. Matagal pa pong makakarecover. Kulang po tayo ngayon kaya ni-hire ko na po" I sighed. As if I have a choice. Naiintindihan ko ang ginawa ni Juliet. It's for the sake of the restaurant. The only problem is I'm going to see Raden often. "Raden" tawag ko. Kaagad siyang lumingon sa akin matapos niyang ma-serve ang order ng customer. "Ano 'yon?" "You can work today but I will not allow you to work tommorow. Mamayang out mo, ibibigay ko sa'yo ang sahod mo" "You're firing me?" Tumaas ang kaniyang kilay. "Yes" matapang kong sambit. "What is your valid reaso

