CHAPTER 18: His Love My head terribly ached when I opened my eyes. The white ceiling with a light bulb was the very first thing I saw. Namamanhid ang buo kong katawan at hindi ko agad maigalaw ang aking mga daliri. Mabigat na parang dinaganan nang napakatagal ang dalawa kong braso gano’n na rin ang aking mga hita. Parang hinahabol, parang kinakapos ang aking paghinga, masakit sa dibdib ang bawat pilit na pasok ng hangin. Pagod na pagod ako sa hindi malamang dahilan. Bumaling ako sa kaliwa. My hand slowly reached for the side table to gain my strength. Bumagsak lang ang kamay ko sa kama sa halip na makabangon. I sighed frustatingly. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at marahang humigop ng hangin para man lang magkaroon ng enerhiya. I felt so… drained and tired. At least, the sunligh

