CHAPTER 1: Awakened

2837 Words
CHAPTER 1: Awakened Red lips I kiss, red blood I miss. You will find the light, when the time is right. Be with my side, my love and forever is what we will have. “Cythera, wake up.” There’s a voice, but it’s fuzzy. I could hear something, but I thought it was my sense of hearing playing tricks on me. “Cythera, kailan ka gigising?” I wanted to sit to catch my breath and to feel that what I had earlier was just a mere dream. Isang panaginip na dulot ng malikot kong imahinasyon. Who was that guy? Who were those women I see? And... my death in the dream wasn’t true. I wished it wouldn’t be true. Kung mamamatay man ako, hindi pa ngayon. Hindi sa kamay ng ibang tao. Hindi sa rason na hindi malinaw para sa akin. I tried to move my fingers—my pinky finger and my thumb. I badly wanted to wake up. “Cythera...” I opened my eyes. Habol-habol ko ang hiningang kinakapos dahil sa napanaginipan. The first one to strike my eyes was the light from the bulb. Muli akong napapikit nang ilang sandali saka napadilat. Saglit akong nag-adjust sa biglaang liwanag. “Gising na ba siya, Ash?” Bumaling ako sa gilid at una kong nakita ay ang kulay brown na buhok ng kaibigan kong lalaki. Ash seemed very worried about my situation. Gustuhin ko mang bumangon agad ay hindi ko magawa dahil nanghihina ang buo kong katawan. Lumapit sa akin si Mama matapos ilapag ang palanggana na tingin ko’y may lamang tubig at bimpong pamunas sa akin. “Anak,” tawag nito. “Ma...” My voice was husky, my throat was dry. I looked at Ash. “Anong nangyari?” “Nahimatay ka raw sabi nitong kaibigan mo,” wika ni Mama. “‘Yong totoo, anak? Nahimatay ka ba dahil nalipasan ka ng gutom?” “Hindi po, tita,” singit ni Ash dahil hindi ko pa kayang sabayan ang enerhiya ng nanay ko sa gan’tong kalagayan. The chance of fainting because of hunger was lower than the chance of being bullied. I loved myself while my classmates loved bullying me because I was different. Kung mahihimatay ako dahil sa sobrang p*******t nila ay posible pa. “Then, why did she faint? Hindi kita matanong kanina dahil nawala na sa isip ko sa sobrang taranta.” Napahilamos pa siya sa mukha na mas lalong nagpakita kung gaano siya namroblema sa sitwasyon ko. “Akala ko talaga kung ano na ang nangyari nang tumawag sa akin ang teacher ninyo.” Nagkatinginan kami ni Ash. “Habang nagsasayaw po kasi ay natanggal ang sumbrero niya. Nilipad ng hangin.” My mom’s eyes grew wide. Hindi ko maintindihan ang pagkabigla niya. “Na-expose ang balat niya sa araw?” “Opo.” I was different in other people’s eyes. Different not because of my intelligence. Different not because of my beauty which they cannot see in the first place. Different because of my style. Our uniform was a pair of short sleeves blouse and below-the-knee length skirt and black shoes. However, because of my state, my mother talked to the school officials to let me wear a long sleeves blouse and pants instead of skirt. Sa halip na gaya ng mga pambabaeng sapatos, ang suot ko’y bumabalot sa buo kong paa na kahit hangin ay hindi ako magawang hawakan. Mayroon din akong gloves at sumbrero na sa loob ng classroom ko lang nahuhubad dahil sarado ang mga may pinturang bintana o kaya ay sa loob ng facility na walang araw. If the day was really hot, I needed to add another layer of clothes by wearing a jacket and a leggings inside my pants. I didn’t think I have Xeroderma Pigmentosum, also known as XP, which is a rare genetic disorder. If I have, my nervous system should have already been affected after a year under the sunlight exposure with a covered body. I didn’t think I have a sun allergy or skin cancer, too. If I really did have skin diseases, my mother should have not let me study outside our home. Kaya lang naman ako nakapag-aral sa eskuwelahan ay dahil sa pamimilit ko kay Mama. I was home schooled since I was young. My mother examined my whole body. Her cold fingers and troubled look made me worry. “What’s wrong, ma?” Nang matapos suriin ang buo kong katawan ay doon niya pa lang ako tiningnan. “Kumusta ang nararamdaman mo?” “Ayos lang naman po,” sagot ko sa kaniya na medyo kinakabahan na. “May problema ba?” Serious eyes with a bit of concern landed at me. Tinapunan niya rin ng tingin ang kaibigan ko. “Don’t let yourself be exposed to the sun’s rays again. Kung ngayon ay nahimatay ka lang, baka sa susunod na mangyari ang gan’to ay maging mas malala pa. Hindi naman sa ipinagdarasal natin, pero baka iyan pa ang magdulot ng maaga mong kamatayan.” Ash and I exchanged confused looks. Nevertheless, we followed her advice. Kahit pa pinipilit kong sundin siya ay may mga pagkakataon pa ring nahihimatay ako. I’m starting to worry about myself. Seventeen years old pa lamang ako, hindi pa ako puwedeng magkasakit. There’s more to life I need to enjoy gaya na lamang ng pamimili ng mga bagay na gusto ko, pagkain ng kung ano-ano, at pagpunta sa kahit saang lugar. “Didiretso ka na ba ng uwi?” tanong ni Ash nang matapos ang klase namin. Nagsiuwian na ang lahat at kami na lang ang naiwan sa classroom dahil niligpit ko pa ang mga gamit ko. Umiling ako. “Mall, magtitingin ako ng mga bagong labas na bag.” Window shopping was one of my favorites. Nabubusog ang mga mata ko sa mga naggagandahang damit, bag, at sapatos. If I wanted something, I’d buy it because I believe that life is short. Kung hindi susulitin ay panghihinayangan ko panigurado sa paglipas ng panahon. Hinatak niya pababa pa ang suot-suot kong sumbrero. “Ingat ka. Siguraduhin mong hindi matatamaan ng liwanag ng araw ang balat mo.” Tinanguan ko siya. “Yes, sir.” “Hindi ako nagbibiro,” seryoso niyang sabi. “Mamaya ay mahimatay ka at wala ako sa tabi mo. Sinong tutulong sa ‘yo n’yan?” “Baka bampira talaga ako kaya ako nahihimatay kapag may araw,” biro ko. I showed my hands as if they were paws. “Pakagat naman ako! Rawr!” Tumawa si Ash. Tinagilid niya ang ulo at ipinakita sa akin ang leeg. “Angkinin mo na po ako.” Hinampas ko siya sa braso at nakitawa rin sa kaniya. “Ang sagwa pakinggan!” He chuckled. He glanced at his wrist watch and looked at me. Nagpaalam na siya sa akin na pupunta pa sa tuturuan niya. Dumiretso naman ako sa sakayan papuntang mall. The weather was good and the sky was bright, but as the vehicle drove towards the location, the sky became gloomy. Black clouds covered the blinding sunshine. Nang marating ang lokasyon ay bumaba na ako. Kasabay ng pagkidlat sa kalangitan ay ang pagdako ng tingin ko sa isang bagong bukas na mall na katabi ng isang sikat na pamilihan na lagi kong pinupuntahan. Compared to my favorite mall, this one was full of transparent glasses serving as its windows. Mayroon ding bridge sa tapat nito para sa mga mamimili na gustong direktang makapunta sa mall. Sa ikalawang palapag, tingin ko, ay may garden dahil sa mga halamang nakasilip. Kita rin mula sa puwesto ko ang fountain nito. I stared at the newly opened mall with curiosity. There was no one in front of the mall. No people to celebrate its opening or even the mall staffs or just the security guard. Sa sobrang pagtataka ko ay hindi ko na namalayang naglakad na ako papunta rito. When I stopped in front of its double door, it was surprisingly unlocked. The doors were on the side, the doorway held open like it was waiting for the shoppers. Mula sa labas ay wala akong makita sa loob. It’s pure darkness that I can see. Tumingin ako sa kaliwa’t kanan, pero wala talaga akong makitang mga tao. Loud roar of thunder made me close my eyes. When I opened it again, a flash of lightning appeared behind me. The door reflected the image. I almost stumbled in fear. Little by little, I stepped forward. Hanggang sa tumapat na ako sa unang nakabukas na pintuan. Napayakap ako sa aking sarili nang binalot ng lamig ang buo kong katawan kahit pa nakasuot ako ng jacket. I continued walking and reached the second doorway. Paglagpas ko rito ay napapikit ako sa inaasahang kadiliman at napatakip ng magkabilang tainga sa biglaang pagsara ng dalawang pinto sa aking likuran. I fished my phone from my pocket. Bago ko pa man tuluyang mabuksan ang flashlight ay nagliwanag na ang paligid. The kind of light not from the bulbs, but from the light of sun entering the transparent roof. Natuod ako sa aking kinatatayuan. Ang kaninang magarang panlabas na anyo ng mall ay hindi ko na mahanap. Gone were the transparent windows. Ang mga pintong halatang gawa sa kahoy na matatagpuan sa iba’t ibang palapag ang tanging nakikita ko na lamang, may layo ng mahigit limang metro ang bawat isa. All the doors were covered by algae and vines that seemed to be sticking on it for so long. There were vines on the railings and wooden floors, too, even on the high ceiling of the place. It’s everywhere. The nature, the dirt, and the strangeness of the surrounding. Napahakbang ako. “Where am I?” I looked at the double door behind me. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang kahit ito ay katulad na rin ng ibang pinto. I muttered a curse under my breath and tried to keep myself calm. There must be a way out of this peculiar place. There must be an exit. I just have to find the double door where I entered and I’d be able to go back. Calm down, Cythera. Calm down. But I can’t be calmed knowing that I am alone in a very strange place! If only there’s someone who would accompany me. If only there were people to keep my mind sane. This must be a dream. If this is not a dream, then I must be lost. Kailangan ko lamang maging positibo. Tama, tama. Naglakad ako papunta sa isang pinto at sinubukan itong buksan. The rusting doorknob got broken. Napatulala ako sa kamay kong may hawak ng natanggal na hawakan. No, no, this isn’t real! I must be under illusion! I must be hypnotized! I took a deep breath and exhaled. I’m starting to panic when I heard a creaking of a door. I turned to see where it was and spotted a handsome man, probably one or two years older than me, who just closed the door. My eyes widened. I ran over the old floorboards to cross our distance and tried to open the door. Hindi na ‘to mabuksan. I looked at the guy beside me. “You should have not closed it!” I gritted my teeth, tears pooling in the corners of my eyes. “Paano na ‘ko makakalabas nito?” Bumagsak ako sa sahig. Instead of sympathizing me, the man asked. “Where am I? What is this place?” “Nakakainis ka!” I raised my head and met a pair of black orbs staring at me. “Sino ka ba?” “I’m Magnus,” he answered. Kagaya ko ay umupo na rin siya sa sahig. “What’s your name?” “Cythera,” I answered under my gritted teeth. He nodded. Ilang minuto kaming nakaupo. Ang tanging ingay ay parang tunog ng hangin na hindi ko malaman kung saan nanggagaling. Marahil ay may espasyo sa kisame at doon nakalulusot ang hangin. The man stood in front of me. For someone who got lost, napakaayos ng itsura niya. Bagay na bagay sa kaniya ang polo at pants na suot. Ang pagkakaayos din ng buhok ay palikod na parang nilagyan ng gel. He was way taller than me that I could only reach his chest level. “We have to go.” “We?” nabibigla kong tanong. “Yes.” He surveyed the surrounding before gazing back at me. “Kailangan nating tingnan ang bawat pintuan para makahanap ng paraan para makalabas.” Inilahad niya ang kamay sa akin na malugod kong tinanggap. Pinagpagan ko ang unipormeng suot na kinapitan na ng alikabok. Ang kaninang kulay itim na pantalon ay malapit ng maging puti. “Mabubuksan kaya natin ang mga pinto? Itong kaninang nilabasan mo, nakasarado na. Iyong pinanggalingan ko ay nasira na ang doorknob,” wika ko habang sinusuri namin ng tingin ang kabuuan ng lugar na mayroong apat na kabuuang palapag. Hinarap niya ako. “We need to check it one by one.” Naglakad kami sa pinakamalapit na pinto. Sa kaba ko na baka masira na naman ang hawakan ay napapikit na lamang ako. “May panulat ka bang maaaring magamit para mamarkahan natin ang mga pintong nasubukan na?” I opened my eyes. Naghalungkat ako ng bag at iniabot sa kaniya ang black felt tip pen. “This is the first one,” he whispered. Ngayon ay abang na abang na ako sa mangyayari. He slowly opened the door. Water flowed out from the small gap. Isinara niya ito saka kami nagkatinginan. “What’s that?” I asked curiously. He shrugged. “Titingnan pa ba natin ‘to?” I nodded. “We need to check it one by one,” pag-ulit ko sa kaninang sinabi niya. He turned his back again and turned the knob. Muling umagos ang tubig sa maliit na espasyo nito. “Do it fast!” I urged him. He opened the door widely, and we were welcomed by a big wave of water. Inagos kami nito papunta sa gitnang bahagi ng mall. Nang sinubukan kong umahon ay nakita kong kalahati ng unang palapag ay may tubig na. “Move!” I heard him yelled, but I sinked. Hindi ako marunong lumangoy! I extended my arms and tried to call for help. Nakikita ko ang liwanag sa taas. Nakakalunok na ako ng tubig. “Tulong!” The water filled my nose. “Tulong!” When I rose again, I inhaled oxygen as much as I can. Nasulyapan ko si Magnus na papalapit na sa akin bago ako muling lumubog sa tubig. May humatak sa kamay ko at hinila ako palapit sa katawan niya. He pulled me above the water level. I breathed in and out. I spat. “Thank you.” Napunta ang tingin ko sa pintong binuksan namin kanina kung saan nanggaling ang tubig. There was still a water inside the door. Hindi lumalabas, hindi umaagos. Kalmado lang ito. Mayroon ding liwanag na parang mula sa araw. Hinilamos ko ang palad ko sa aking mukha. “Are we going there?” “Yes. Maybe that’s an illusion.” “But I can’t swim!” I said hysterically. “Baka malunod ako. I would die!” “Don’t worry, I’m here.” I entrusted him my life for the sake of leaving this place. His left hand hugged my waist tightly. Lumangoy siya kasama ako papunta sa pinto. Nang tumapat kami ay huminto siya. “Take a deep breath and hold it while we’re underwater,” he commanded. Sinuklay niya ang nabasang buhok at tumingin sa aking muli. “Humawak ka sa kamay ko habang lumalangoy tayo. Iwan na rin natin ang bag mo dahil baka ‘yan pa ang maging dahilan ng pagkalunod mo.” I nodded. Tuluyan ko ng binitiwan ang bagpack ko. Sabay kaming humugot ng malalim na hininga. He moved his hands, and we swam in the calm form of water, entering the doorway. A lot of thoughts run in my mind as I felt the coldness of the water. Nasaan ako? Nasaan kami? I stopped thinking, my heart beat faster. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong nauubusan na ako ng hangin. Pinisil ko ang kamay ni Magnus. Tiningnan niya ako, at itinuro ko naman ang mukha ko at isinenyas sa pamamagitan ng kamay na pawala na ang hangin ko. He stopped swimming. He let go of my hand. Hinawakan ng dalawa niyang kamay ang magkabila kong pisngi at nilapit ang mukha sa akin hanggang sa naramdaman ko na lamang na magkalapat na ang mga labi namin. He gave me air. Walang tigil sa pagtambol ang puso ko dahil sa ginawa niya. Sapat lang ang hangin na binigay niya hanggang sa makaahon kami. I ran my hand to my face and, panting, I tried to catch for my breath. Gano’n din ang ginawa ni Magnus. When my vision focused, what I saw in front of us was a house made of bricks. “W-Where are we?” #
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD