CHAPTER 2: Under the Moonlight

1120 Words
CHAPTER 2: Under the Moonlight It is when the ultimate darkness comes where one appreciates the light of the bright sun. It is when the silence rings in both ears where one asks for the tweets of the birds, drops of the rain, and laughters of people. It is when the loneliness visits the house where one silently wishes for the peace to come back and to stay. “You don’t know what you have until its gone,” that’s what people say. It suddenly appeared in my mind now that I’m sitting still in a couch, silent and full of questions. My eyes continued to check every corner of the house as if memorizing it when in fact, I only wanted to find an exit to go back to where I really belong. This antique house was not my home. I should have not let myself be curious. Kung sanang hindi ako nagpadala sa magandang itsura ng mall at sa hiwaga kung bakit walang pumapasok dito ay wala sana ako ngayon sa kakaibang lugar na ‘to. I can’t help but blame myself because it was certainly my fault. I didn’t know how many minutes had passed. Nami-miss ko na si Mama at Papa pati na rin si Ash. Kahit wala naman talaga ay naririnig ko rin ang ingay ng mga kaklase ko lalo na kapag wala pang teacher. Ang mga asaran at bangayan nila, pagtugtog ng gitara at pagkanta, at kung ano-anong kalokohan. Nang dumating kami rito kanina ni Magnus ay hindi pa naproseso ng utak ko na nasa ibang lugar na talaga kami. Ang tubig na nilalanguyan namin kanina ang tanging pamilyar lamang sa akin dahil sa aming pinanggalingan. Pagpasok sa bahay na ito ay doon ko natantong wala na, naligaw na naman ako. Hindi ko na naman alam kung nasaan ako. I checked my phone again hoping that it would still work, pero dahil sa pagkabasa ko kanina, hindi na ito gumagana. I even removed the battery and put it back, but it’s not turning on. Inalis ko na lang ng tuluyan ang battery nito at hinayaang matuyo sa pag-asang magagamit pa. I sighed frustatedly. The eerie sound frightened me more. Even when the afternoon light entered the place, the creepiness still doesn’t change. Bumukas ang kahoy na pinto at pumasok ang pawisan na si Magnus. Ang kulay puting polong suot kanina ay nasa kaniyang balikat at pinapatungan ng mga pinutol na punong-kahoy. Agad akong tumayo. Napaiwas ako ng tingin sa kaniyang hubad na katawan. “How’s the search?” “Wala. Kanina pa ‘ko paikot-ikot sa kagubatan. Nanguha na lang ako ng mga kahoy para sa apoy.” Inilapag ko ang unan ng sofa at umakmang tutulong magbuhat pero pinatigil niya ako. “Maupo ka na lang. Ako ng bahala.” “Tutulong na ako.” “Huwag ka ng makulit.” Bumalik ako sa pagkakaupo. “Anong nahanap mo sa bahay?” “Maraming laman na magagamit natin.” I pursed my lips. For a house with no one living, napakarami nitong laman na makatutulong sa aming mabuhay. Maraming pagkain sa pantry. May mga wine pa nga sa cellar sa baba. Sa apat na kuwartong mayroon dito, lahat ng aparador na tiningnan ko ay may mga lamang kumot, unan, tuwalya, at iba pang mga tela. Mayroon ding mga panlalaki at pambabaeng damit na nakasabit. Mayroon ding mga sapatos. Kumpletong-kumpleto at ang makitang alagang-alaga ang mga kagamitan ay nakapagtataka. The questions that bugged me since we arrived is: Who’s the owner of this house? Where are we? “Are you not going to change your clothes? You’re still wet.” Muli akong bumalik sa reyalidad dahil sa sinabi ni Magnus. I looked down to my clothes. Kapit na kapit pa rin ito sa katawan ko. Ang puting blusa ay lalong hinubog ang aking katawan. Mabuti na lang at hindi kita ang panloob ko dahil sa may suot akong sando. “I’m afraid to use any of this house’s property. Baka magalit ang may-ari,” saad ko. “I’m sure he won’t. Conscience will appeal to him if he let us be wet and get sick,” aniya. Naging maamo ang mga mata nito. “Go upstairs and change. Magpapalit na rin ako.” I listened to his words. Umakyat na ako at pumasok sa isang kuwarto para magpalit. Binuksan ko ang aparador at tumambad sa akin ang mga bestida. Karamihan ay pula, itim, at puti. Pinili ko ang pulang bestida bago nagtungo sa banyo para maghugas at magpalit ng damit. Bumaba ako noong sumigaw si Magnus na handa na ang pagkain para sa hapunan. Tumakbo ako pababa at gulat na napatingin sa mga inihain niya. Natakam ako sa mga pagkaing nakapatong sa lamesa. “Yari tayo panigurado sa may-ari,” saad ko. “I’m sure we’re not.” He held one chair for me to sit. “Let’s eat.” Under the moonlight, we shared our dinner where the enchanting flames of candles in sconces hanging in the walls lit our night. The fireflies glowed outside the house. Together with the delicious foods, silence joined us in the table. I decided to sleep in one of the bedrooms, and Magnus did the same. Hindi ko alam kung saang silid siya pumasok. I closed my eyes for a few minutes but I really can’t sleep knowing that I am in an unfamiliar place. I sat and looked around. Three consecutive knocks echoed in the bedroom. I jumped from my seat. Ang lamig ng tinatapakan ay agad na nagpakilala sa aking hubad na paa. Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan ito. It’s Magnus. “What?” “A roll was left on the front door.” He opened what he was holding and together, we peeked to the paper. “Die what must die. Bleed what must bleed. For a heart that makes you lie, never be overpowered by your greed. For the love that lets you cry, hopeless, you will plead.” Nagpalitan kami ng tingin ni Magnus. “What’s the meaning of this?” He shrugged. In a snap, the roll burned in the air. The ashes fell on our feet. “What the...?” I blurted out. Bumagsak ang atensyon ko sa mga abo sa sahig. Lumuhod ako at kumuha ng kapiranggot. I played it with my fingers. The ashes gleamed and flied in the air. Suddenly, it disappeared. Tumayo ako at pinagpag ang kamay. “Maybe, we should sleep,” saad ni Magnus na marahil ay hindi rin makapaniwala sa nangyari. I agreed. He closed the door. I laid on my bed and thought of what happened just now. Nakatulugan ko na ang pag-iisip sa nangyari sa akin ngayong araw. #
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD