"Lumabas ka nga!" Halos maduling na ako sa kakairap doon kay Santi na tumawa pa ng malakas. Kalaunan pumikit na lamang ito ng mariin at mas dumikit sa'kin upang mayakap ako ng mahigpit. Mas mahigpit pa sa una. Napakakomportable sa pakiramdam, para bang dinuduyan ako ng mabagal— sa ilalim ng niyog, sa magandang ihip ng hangin... at sa nakakasilaw na karagatan. Iyon nga lang, nakakasira ng panaginip iyong bukol na nasa pagitan namin. Nakakapanghina pa naman ang tigas ng katawan niyang nakadikit sa akin. "Oyyy..." saway ko rito. "Hm?" Kinurot ko naman ang bewang niya, upang matigil na sa kalandian. "I'm tired, Kata... let me sleep." Bumuntong hininga ako roon. Di na makatulog ulit. Halos panaginip nga yata na nasa tabi ko siya samantalang nag-iisip na ako na ng kahit ano sa loob ng isa

