Di makapaniwalang tinitigan ko si Santi, na parang alam niya yatang sadya ang pag-iwan sa amin dito. Kilala ko si Kuya Josef, at lalo na sina Mommy... hindi mapapakali ang mga yon, na hindi ako kasama sa pag-uwi. "Let's date," halos di mabura iyong ngisi niya, ako nama'y nalilito pa ngunit wala ring nagawa kung hindi sumama sa kanya. O dahil takot akong maiwan? Na mag-isa at tinititigan ng ilan? Naisip ko, mas mabuti na ang sumama sa kanya kesa nama'y maiwan at mag-inarte. "Para ka namang takot," pigil ngiti nitong sabi at hinila ang kamay ko para mahawakan niya ng mahigpit. Napakagat labi ako roon sa sobrang hiya, di lang ako ngayon ang tinititigan ng ilan kundi ito na ring kasama ko. Hindi naman ako selosa'ng tao kaya lang nakakahiya na nakakaagaw ito ng mga pansin. Siguro kasi nga

