Ano ako baliw? Why would I do such thing? Alam ko na ngang mali ang halik na iyon, dadagdagan ko pa ba? Hindi pa ako gano'n kabaliw para lang pagbigyan itong gusto niya.
Kasi alam ko na ako ang madedehado sa huli.
Nag-aalala rin naman ako, ngunit mas importante sa akin ngayon ang iligtas ang sarili sa kapusukan na ganoon. Hindi magiging tama, paano kung mahuli kami? Paano ko ipapaliwanag sa pamilya ko?
Sinusubukan lang yata ako ni Santi... tinitingnan niya siguro kung hanggang saan ang aabutin ng pagpipigil ko. Hindi ako malibog na tao tulad ng iniisip niya! At lalong hindi ako ang magiging kasangkapan niya sa sarili nitong kondisyon.
Tama, tama... yan lang ang pwede mong gawin sa ngayon Kata.
Kinabukasan, nag-aalala man ay tinitigan ko si Santi na mukhang maganda naman ang gising. Nakangiti ito, at bumati pa! Na para bang hindi siya nag-init kagabi at inaya pa ako sa loob ng sarili nitong silid.
Ayaw ko rin sanang magpahatid kaya lang makikisabay daw si Kuya Josh, at may lalakarin ang dalawa. Isasabay na lang ako papasok sa eskwela.
Medyo nakahinga ako roon. Hindi magiging awkward ang byahe at hindi ko rin kinailangang makisama. At ganoon nga ang nangyari sa maikling byahe na yon. Ni hindi na maisingit ni Santi ang mga kakaiba niyang titig sa akin. Medyo nahiya rin naman na nandiyan lang ang kapatid ko.
At tulad ng dati, nagpababa na lamang ako malapit sa isang barber shop at nilakad ang papasok sa eskwela. Nagkagulatan nga lamang kami ni Farrah na hindi naman namin inaasahang magsasabay kami papasok pa lang.
Nagkuwentuhan lang kami sandali bago nakarating sa loob ng classroom at doon nagpahingai. Hindi naman katagalan ay nakihalo na si Karen at tinawag si Kim na natigil sa pagkukwento ng kung ano sa iba naming kaklasi.
Natigilan din naman ako, nag-iisip kung ano ba ang gustong pag-usapan ni Karen. At inaya pa ang mga kaibigang kaklasi.
"Okay, ano... sinong game?" Taas kamay nito.
Napangiwi ako roon at sinilip si Farrah na parang alangan din sa gustong mangyari ni Karen. Ako nama'y nakasunod lang sa kung ano ang magiging desisyon ng mga kaibigan. Nakikigaya rin ako sa pagtaas kamay noong tatlo. Di ako sigurado rito... ngayong weekend ang lakad. Kaya lang, di kaya paghihigpitan ako nito?
Ah, bahala na nga... kung ayaw, hindi maipipilit.
Lunch time ng nagtipon-tipon kaming lahat. Nakatitig ako kay Thad na napapangiti sa tuwing tinutukso ni Popoy. Nakatitig lang naman ako, may hinahanap... ngunit mababaw lang talaga itong pagka-crush ko kay Thad. Gusto ko siya kasi kaibigan ko. Yon lang.
"Susunduin ka namin alas singko ng umaga, Kata. Sabado! Kaya wag kalimutan." Paalala ni Karen.
Tumango ako at tamad na naghintay ng jeep. Lutang pa rin ako, siguro dahil pagod... pisikal ang activities kanina kaya malamang yon ang dahilan ng nakakabahalang pagod na nararamdaman ko ngayon.
Nasa loob na kami, kaming tatlo. Inaantok na ako ngunit kailangan kong tiisin. Nasa byahe pa kami! At mauunang bumaba sina Farrah at Karen kaya kailangang dilat pa rin ako. Kundi, maiiwan ako rito sa loob.
Tanaw ko ang traffic sa labas. Kahit sa kabila ay ganoon din. Nawala nga lang ang antok ko ng makitang nandoon si Santi, parang inip na inip na pinaglalaruan ang manubela. Nakalimutan kong susunduin niya nga pala ako ngayon!
Natatarantang tinitigan ko ang mga pasahero. Alam kong bawal itong pinaplano ko kaya lang, baka mapagalitan ako kapag hinayaan kong tumuloy sa kabilang direksyon iyong sundo ko.
"Saan ka?!" Gulat na sigaw ni Farrah, na noon ay binigyan ko ng bente kasi wala akong sukli at mabilis akong umalis. Ipapaliwanag ko naman pag nagkita ulit kami ng mga kaibigan.
Nabusinahan pa ako bago tuluyang lumipat sa kabilang lane, inapakan ko ang mataas na semento at kinatok si Santi na nagulat na makitang nandoon ako. Pinagbuksan naman kaagad ako nito...
Kabaliwan yata... noon na ako natigilan, pagkatapos kong pumasok at isuot ang seatbelt doon pa ako nagising! Gulat na napanganga na lang ako, mas nagulat sa di makapaniwalang reaksyon ni Santi na alam kong nakasilip sa akin.
Shit! Kata! Ito ba ang paraan na gusto mong mangyari para mailigtas ang sarili?
Kabaliwan 'to!
Napapikit na lamang ako at kinusot ang mga mata bago tamad na sinandal ang likod. Kata, kumalma ka nga.
Bumilis ang t***k ng puso ko at napabuntong hininga. Umuusad na ulit ang traffic. Mag-u-U turn naman siguro pagkatapos na makahanap ng pwedeng paglikuan.
Now, magbehave ka Kata... hindi na tama iyang ginagawa mo.
Pumikit na lamang akong muli, gusto kong batukan ang sarili. Nakakahiya ang ginawa ko kanina. Ipinilit ko talaga ang pagbaba sa gitna ng mga sasakyan para lang makalipat sa kabila. Inapakan ko pa ang mataas na landscape na yon para lang dito.
"Gusto mong kumain na muna tayo?" Baling sa'kin nito.
Umiling ako ngunit iba naman sa paghindi ko ang ginawa niya. Siguro sarili nito ang tinatanong at hindi ako, kung ganoon naman pala... sana hindi na lang siya nagtanong pa.
Napilitan akong tumabi sa kanya habang nililibot ang mga mata sa open space na restaurant na tulad nito. Gawa sa kawayan ang halos lahat ng haligi na nandito. Kahit mesa nito at mga upuan. Magkakatulad ang pagkakadesinyo.
Malapit lang din sa bulwagan ang pinili naming upuan. Pagkababa ng mga mata ko ay siyang pagpasok ng mga text messages nina Farrah. Hindi ko lang masagot ng maayos... dahil siguro kabado pa rin ako. Ganoon naman yata kapag alam mong may lalaki kang masasabi na ka-date.
Pagkapili ng mga kakainin ay napatitig din si sa Santi sa labas, tinatanaw siguro ang sasakyan niyang nakaparke sa malayo. O kaya ang mga dumadaang tao o sasakyan sa pinakalabas ng bakuran.
Sa halip na tagalan pa ang pagtitig ko sa kanya ay tinuon ko na lang din sa labas. Mas maganda yatang pumwesto doon sa mesang nasakalagay sa lilim ng mga puno. Kaya lang, nakakahiya rin namang magdemand. Lalo na at biglaan naman yata 'to. Saka, masyado akong kabado dahil sa ginawa ko kanina.
Tahimik lang ang lahat, walang nagsasalita. Doon lang kami kumilos ng dumating na ang mga inorder. Inabutan niya ako ng mga gagamiting kubyertos. At pati rin ang mga pagkain na isa sa mga pinili naming pareho. Nahihiya nga lang ako kaya lang ng tumitig siya sa akin ay mabilis ko ng ibinaba ang mga mata at nag-umpisa na ring kumain.
Tahimik pa rin, patapos na kami ng nagsalita ito. Natigilan ako sa pagsubo at bahagyang gulat na tiningala siya. Na pakiramdam ko ay kanina pa nakatitig sa akin.
"Dumating na ang resulta,"
Lumunok ako roon. Resulta ng exam? Iyon ba ang ipinunta nina Kuya kanina? Ibig bang sabihin—?
"Baka sa susunod na Linggo aalis na kami ng Kuya mo."
Dapat ba akong makaramdam ng panlulumo? Tatlong Linggo lang? Ganoon kaikli?
Hindi ko mawari kung ano ang dapat na maramdaman. Nakatulala na lang ako sa kanya na parang malungkot na nakatitig sa akin. Katulad ko, hindi ko rin mabasa ang tunay na nararamdaman nito.
"C-congrats." Nanginginig na sabi ko.
At yumuko muli para kumain. Kalma... kalma. Tulad lang din ng dati iyan Kata, aalis siya. Kakalimutan mo. Wag ka ngang ano... bakit? Masakit pa rin ba?
Kinagat ko kaagad ang pang-ibabang labi at binilisan ang pagkain. Nang tumingala ako ay nakita kong nakatitig siya sa akin. Para bang nagbabasa, para bang pilit niyang binabasa ang nararamdaman ko.
"Mabilis lang naman ang training, uuwi ako sa pagka-18 mo."
Ni hindi na ako nakapag-react. Basta tumango lang ako. Kahit ba wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Tumango lang ako kasi pakiramdam ko kumirot iyong puso ko. Aalis siya, aalis sina Kuya. Dapat pareho akong malungkot sa dalawang lalaki na yon.
"G-goodluck,"
Bumuntong hininga ito at muling sinilip ang labasan. Hindi naman ako makahinga... kinakagat ko ang labi upang kumalma.
Ano? Nasasaktan ka? Di naman bago di'ba. Ilang taon ang lumipas, at ilang Linggo mo lang siya nakasama... bumabalik ba Kata?
Hindi na lang ako nakaimik. Tinuon ko iyong mga mata sa tissue na nakalagay sa box. Nanlalamig ako. Parang noon lang... masusugatan na naman ang puso ko.
"Kata, will you promise me not to have a boyfriend? Dalawang taon, limang taon... kaya mo bang magtiis?"
Napasinghap ako sa gulat at maang na tumitig sa kanya. Naibalik na nito sa akin ang mga mata. Pakiwari ko nga kanina pa ito nag-iisip. Marahil nag-aalala sa maiiwan niya rito.
"Mag-aaral pa ako!" Histerikal na sabi ko rito.
Noon lang ito napangiti, may nilabas sa bulsa at inabot sa akin.
"Suot mo,"
Nakaawang pa rin ang labi ko nang nanginginig ang daliri na binuksan iyong lalagyan. At nagulat ako sa singsing na nandoon. Madalas ko lang mabasa iyon sa magazine, kaya alam kong tiffany cut iyon. Na madalas gamiting engagement ring.
"H-h-hindi, bata pa ako." Gulat na sabi ko. Halos itulak iyon pabalik sa kanya. Nakakahiya, bakit naman niya ako binibigyan ng ganyan?
Kaka-16 ko pa lang! Anong alam ko sa engagement na iyan? Anong alam ko sa patakaran niyan?
"Hindi pa naman ako nagpopropose Kata. Regalo ko sa'yo,"
Mas lalong hindi ako makapaniwala sa ginagawa niya! Nuncang susuotin ko iyan. Nakakakilabot na binibigyan niya akong singsing na katulad niya sa mas maagang paraan.
"I-I'm sorry. Di ko kayang suotin iyan."
Medyo lumungkot ito sa desisyon ko. Maang lang, hanggang sa nilapag niya ang kamay roon sa ibabaw ng kaha. Nag-iisip marahil. O kung ano... that is the less of my concern. Iniisip ko rin ang kalagayan ko rito. Mag-aaral pa ako.
"Kahit itago mo na lang," sa huli ay suko na rin nito. Tinulak na sa akin ang kaha.
Gulat na napatanga na lang ako sa kanya. Ganoon na ba ito kaseryoso? Na kaya niyang magbigay ng singsing sa akin kahit di pa naman ako nagpapaligaw?
Bakit hindi sa ibang babae? For sure, matutulungan siya noon. Maibibigay ang mga bagay na pansamantalang gagamot sa kondisyon niya.
Pero kakayanin ko kaya ang mararamdaman. Kung sakaling magkatotoo nga ang iniisip ko?
"Itatago ko." Pinal na sabi ko.
Noon na ito napangiti at tumitig ng matagal sa akin. Medyo naiilang naman ako roon.
Kinabukasan, inihatid na naman ako ni Santi. At tulad lang ng dati, sa kanto ako nagpapababa. Nakakahiya naman kasi talaga, baka machismis pa ako.
Pagkahapon sinundo na naman. Kakain kami sa labas. Saka uuwi. Laging ganoon. Sa maikling panahon, laging ganoon. Kaya di ko namalayang naghahanda na pala sina Kuya.
Aalis na sila. Di ko mawari kung dapat ba ako mainis. Magalit? Kasi ang ikli ng panahong ibinigay niya sa akin. At mukhang di tulad ng dati, mahihirapan akong makalimot.
"Okay na ba? Nandiyan na ang lahat ng kailangan niyo?" Di mapakaling tanong ni Mommy. Nasa kandungan ko si Naru, nakatulala lang ako sa mga gamit na dadalhin nina Kuya. Sina Santi at ang kapatid ko ay nakaupo sa pang-isahang upuan. Di ako makaimik. Tulala lang. Di rin makapagsabi ng tunay na nararamdaman.
"Ma, nandiyan na lahat. Di naman kailangang magdala ng maraming pamalit. Magtetraining kami Mama, at saka bawal ang maarte." Halakhak ni Kuya Josef. Halatang naeexcite sa nalalapit na pag-alis. Si Mommy nga ay hindi rin mapakali.
Para bang gyera na kaagad ang sasabakin.
Hapon pa naman ang alis, maaga pa kaya nandito pa kaming lahat. Nagpaalam din si Mommy na magluluto ng pananghalian. Kaya... kaming tatlo na lang ang naiwan dito. Hindi pa rin ako makaimik. Ganoon nga siguro, kapag alam mong maiiwan ka na naman.
"Akin na muna si Naru, Kata." Utos ni Kuya Josh.
Ibinigay ko naman ang kapatid sa kanya. Nakatitig ako kay Santi na nakatitig din pabalik sa akin. Napalunok na lang ako... ano ba yan, Kata, kumalma ka nga.
"Aral lang ako sa itaas." Paalam ko sa dalawa.
Nang nasa loob na ng sariling silid ay doon ko na lang binuga ang hangin ng pagiging kabado.
Hindi naman ako mag-aaral. Gusto ko lang makahinga. Kaya nahiga ako sa kama. Nakatagilid. Humihinga at pilit na inaalis ang kaba.
Ilang segundo pa ay narinig kong bumukas ang pintuan. Nilingon ko, at nakitang si Santi iyon. Lumapit sa akin saka naupo sa kama. Kaya lumundo. Dahan-dahan din itong humiga sa tabi ko at tumagilid para mayakap ako palapit sa kanya.
"I miss you," sabi nito ni hindi pa nga nakakaalis.
"I missed you, Kata. Pasensya na at nahuli kami sa selebrasyon ng 18th birthday mo. I have a gift for you. Kata..."
Napahinga na lang ako ng malalim at pinigilan ang kamay niyang nakapisil sa tapat ng dibdib. Ngunit hindi rin katagalan ay iniharap niya ako sa kanya at mabilis na binuhat para maihiga ang katawan sa sarili nitong dibdib.
Ni hindi na ako umalma ng sinungkit niya ang labi ko at kaagad na kinagat-kagat. Humahaplos ang kamay niya sa bewang ko, pababa sa balakang... at nauwi sa pang-upo.