CHAPTER ONE
20 years later...
"ANAK, magiingat ka sa maynila, ha?" Pahabol na bilin ni tatay Armando habang kasalukuyang nasa labas ng bus na sinasakyan ko. Nasa tapat siya ng bintana habang malungkot ang mga matang nakatingin sa akin. "Kapag hindi mo kaya ang trabaho mo, magpaalam ka. Hindi mo kailangang magtiis sa trabahong papasukan mo kung sa pakiramdam mo ay mahirap para sayo. At saka, huwag kang makakalimot na tawagan kami palagi, ha? Mamimiss ka namin, anak." Nakita ko ang pagpupunas ng luha sa mga mata ni tatay nang muli ko siyang tingnan.
Malungkot akong ngumiti. "Opo, 'tay. Magiingat din po kayo ni nanay, ha? Ipapadala ko kaagad sainyo ang unang suweldo ko para po ma-operahan na agad si nanay." nangingilid ang mga luha sa mata ko sa pagaalala kay nanay. Nagkaroon kasi ito ng sakit sa bato at kinakailangan ng maoperahan. Hindi na ito nakasama sa paghahatid sa akin dahil namamaga na ang mga paa nito.
"Salamat, anak. Ngunit, unahin mo muna ang iyong sarili. Alagaan mo ang sarili mo habang nasa malayo ka, ha? Huwag kang agad magtitiwala sa mga taong hindi mo pa naman gaanong kakilala. At huwag ka ring sasama sa mga iyon. Naiintindihan mo ba, Leyley?"
"Opo, tatay. Naiintindihan ko po kayo." Pilit ang ngiting tugon ko.
Alam kong nagaalala lang siya sa akin. Kahit paulit-ulit niya akong pinapaalalahan ay paulit-ulit ko ring isinasapuso ang mga iyon. Sa kaligtasan at ikakabuti ko naman ang lahat ng mga iyon, eh. Ngunit, alam ko rin sa sarili ko na kaya ko namang harapin ang lahat.
"Tatay, huwag niyo rin pong kalilimutang inumin ang mga gamot niyo lalo na si nanay.." abot-abot din ang pagaalala ko sa tatay ko dahil halos hindi na rin siya makapaglakad ng maayos. Kamakailan lang ng ma-stroke ito sa sakit naman niyang highblood.
Tumango siya. "Magiingat ka doon, anak! Huwag mong pababayaan ang sarili mo, ha?" muling habilin ni tatay.
"Opo."
Nalulungkot ako ng sobra. Ngayon lang ako mahihiwalay sa kanila. Sa loob ng dalawampong taon ay ngayon lang ako mapapalayo. Kinailangan ko kasing maghanap ng trabaho na mas mataas ang sahod ng sa gano'n ay maipagamot na namin kaagad si nanay Amelia. Hindi rin kasi sapat ang sinasahod ko sa pagmo-modelo sa isang brand ng sigarilyo. Halos pangkain lang namin ang sinusweldo ko roon, eh. Hindi pa ako nakakapagtapos ng kursong kinuha ko sa kolehiyo sa kawalan ng budget. Kaya't hindi ako makapaghanap ng magandang trabaho.
"Ako na ang bahala sa kanya, Armando. Hindi ko siya pababayaan doon. Magkasama kami sa trabaho ng anak mo. Iisang bahay lang naman ang tutuluyan namin kaya't 'wag ka ng masyadong magalala pa." ani tiya Sonia na pinsang buo ni tatay. Bumisita siya sa amin no'ng nakaraang linggo kaya't siya rin ang naghanap ng mapapasukan ko.
Tumango-tango si tatay ngunit bakas pa rin ang lungkot sa mukha niya. "Sige, Sonia."
Kinalma ko ang sarili ko at nginitian si Tatay upang pawiin ang lungkot na nararamdaman niya. "Tatay, uuwi din po ako. Huwag na po kayong masyadong magalala. Tatawag din po ako sa inyo ng madalas. Pangako po 'yan.."
Muli siyang tumango. "Sige, anak." pilit na rin siyang ngumiti sa akin.
Ngunit hindi pa man umaalis ang bus na sinasakyan ko ay abot-abot na ang kabang nararamdaman ko. Ni hindi na ako mapakali sa kinauupuan at parang may dumadagang bagay sa dibdib ko, sobrang bigat.
Nang magsimulang umandar ang engine ng bus at dahan-dahan na itong umandar ay malungkot na akong kumaway kay tatay.
"Umuwi na kayo, 'tay!" sigaw ko nang makita ko pa si tatay na paika-ikang naglakad pasunod sa bus para tanawin ako sa maliit na bintana. "Tatay.." Pabulong kong saad at yumuko.
Parang pinipiga ang dibdib ko. Parang gusto kong tumalon at bumaba na lang muli sa sinasakyan para yakapin ang tatay ko upang huwag itong makitang nalulungkot. Pero, gustuhin ko man ay hindi na maaari pa. Nakalabas na ang bus sa terminal at tinatahak na ang daan papalayo.
Hindi ko na rin makita si tatay nang muli akong lumingon.
Napasubsob na lamang ako sa mga kamay ko. Tahimik akong umiyak dahil ayokong marinig ng mga pasahero at lalong lalo na ni tiya Sonia. Nakakahiya din kasi. Ako lang ang tanging emosyonal sa loob ng bus.
Subalit, naramdaman kong dumantay ang kamay ni Tiya Sonia sa buhok ko at marahan iyong hinaplos.
"Iiyak mo lang 'yan, Leigh. Nang mabawasan ng kaunti ang bigat sa dibdib mo." anya kaya napahagulhol na ako.
"P-Pasensiya na po kayo, Tiya.. Ngayon lang po kasi ako nawalay sa kanila," sumisigok-sigok ko pang tugon.
"Naiintindihan kita. Ganyan din ako noon no'ng unang beses akong mawalay sa pamilya ko. Masakit. Kailangan mo lang munang magtiis sa ngayon. Hayaan mo at mawawala din 'yang kalungkutan mo. 'Tsaka, nandirito naman ako para tulungan ka."
Inangat ko ang paningin kay Tiya. "Salamat po." Hilam man sa luha ay binigyan ko pa rin siya ng matamis na ngiti. Hindi ko lubos na akalain na kasing-bait din siya ng tatay ko.
"Walang anuman.. Tahan ka na, anak." Ngumiti rin siya ng ubod ganda bago ibinaling ang pansin sa iba.
Kaya naman, pilit ko ng kinalma ang sarili ko. Kinuha ko ang salamin sa bag ko at saka ko tinignan ang hitsura ko. Pulang-pula ang ilong ko at mugto rin ang mga mata ko kaya agad kong kinuha ang pulbos at saka naglagay ng kaunti sa mukha ko. Nagpahid din ako ng manipis na blush on at saka pink na lipstick naman sa labi.
Pagkuwa'y nilingon ko si Tiya Sonia. "Tiya, ilang oras po ba ang biyahe papuntang maynila?" Ngayon lang kasi ako mapapadpad sa malayong lugar.
Napalingon naman siya sa akin pagkarinig ng tanong ko at sandali siyang nagisip. "Hmm.. Nasa sampong oras kapag mabilis ang takbo ng bus, pero, labin-dalawang oras ang normal na biyahe." sagot niya.
Natigilan ako at pagkuway tumango-tango. "Medyo.. matagal pa po pala bago makarating sa maynila."
Tumango din siya. "Malayo kasi 'tong probinsya niyo, eh. Ha'mo, para huwag kang masyadong mainip sa biyahe, maaari ka munang matulog. Gigisingin lang kita kapag huminto ang bus sa mga stop over." anya at nauna ng pumikit.
"Sige po, tiya."
Muli na akong tumingin sa labas ng bintana. May kadiliman na. Doon ko na lamang itinuon ang atensyon nang sa gano'n ay mabawasan ang lungkot na nararamdaman ko. Napapatingin ako sa mga tanawing nadaraanan ng sinasakyan namin. Ilang sandali akong nawili ngunit nang mapagod katitingin sa labas ay agad na rin akong pumikit.
Talagang dinadalaw ako ng antok dahil halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pangamba, pagaalala at lungkot na nadarama.
Tuluyan na rin akong nakatulog. Nagising lamang ako nang maramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Tiya Sonia sa balikat ko.
"Leigh? Leigh?"
Nai-angat ko bigla ang ulo ko para lingunin siya. "Bakit po, Tiya?" naaalimpungatan kong tanong.
Ngumiti siya sa akin. "Halika ka na't kakain na tayo ng hapunan natin." aniya at maya-maya'y tumayo na.
Saka ko lang napagtanto na nakahinto na pala ang bus. "Sige po, Tiya." Mabilis kong inayos ang sarili ko at agad na ring tumayo. Lulugo-lugo pa ako dahil sa inaantok pa ako ngunit nararamdaman ko ring kumakalam na ang sikmura ko.
"Sumunod ka sa akin, Leigh," aniya at nagpatiuna nang bumaba sa bus.
Nakayuko akong naglakad papunta sa labasan ng bus hanggang sa makababa kaya't hindi ko napansin ang taong makakasalubong. Nagulat na lamang ako nang magkabungguan kami ng balikat at muntikan pa akong matumba.
"Ahh!" Napangiwi ako sabay apuhap ng nasaktan kong balikat.
Mabuti at mabilis naman niya akong nahawakan sa braso kaya't hindi ako tuluyang tumimbuwang sa sahig.
"I'm sorry, Miss. Hindi ko sinasadya. Hindi kita nakita, eh. I'm sorry. Pasensya na," paulit-ulit na paghingi ng despensa ng lalaki.
Nangunot ang noo ko dahil pamilyar sa akin ang boses niya.
Hinawi ko muna ang buhok kong tumatabing sa mukha ko bago ko hinarap ang lalaking nakabangga. Doon ko napagsino ang lalaki. "Jake Laurence Guevara??" Sandaling nawala ang sakit ng balikat ko ng makita ang mukha ng lalaking crush ko.
Nanlalaki rin ang mga mata niya ng makilala ako. "Lori Leigh Samañiego!" di makapaniwalang anas niya. Hinawakan pa niya ako sa magkabilang balikat at inalog-alog ako. Kusa lang niyang binitawan ang magkabilang balikat ko nang mapagtanto ang ginagawa niya. "Sorry.. Its just that, I didn't expect to see you here! W-What are you doing here?" galak na galak habang pinakatitigan ang kabuuan ko.
Tipid ko siyang tinapunan ng ngiti. "Kakain kami dito ng Tiya ko." tugon ko saka din sumagi sa isip ko si Tiya.
Nasaan na 'yon?? Nagpalinga-linga ako ngunit hindi ko ito makita kaya muli akong tumingin sa kaharap ko.
"I can't believe na magkikita tayo rito! I was so lucky!" ani Jake Laurence na sinabayan pa ng matunog na halakhak.
Napalunok ako. Pakiramdam ko ay kami ngayon ang sentro ng atraksyon ngayon dahil sa lakas ng boses niya. Alam kong may gusto rin siya sa akin kaya ganyan na lang din ang reaksyon niya. Nangiti na lang din ako sa kanya.
"You know what, a beautiful woman like you deserves to ride a private plane or either a luxurious car instead of riding in a cheap bus like that." turo niya sa bus na binabaan ko kanina.
Iyon ang medyo inaayawan ko sa kanya. Mapanglait minsan.
Napailing na ako saka napabuga sa hangin. "Hindi naman ako mayaman, Jake, eh. Kaya okay na sa akin ang sumakay ng ordinaryong bus. Mas makakatipid din kasi ako dito," sabi ko at saka sumeryoso ako pagkuwan.
Luminga-linga uli ako sa paligid para hanapin si Tiya pero hindi ko pa rin siya makita hanggang sa muli kong ibalik ang tingin sa kaharap.
Pinakatitigan niya ako ng maigi saka siya tumango at ngumiti. "Oh, okay. I understand. But, just tell me if you're not comfortable with your seat, I can drive you wherever your destination is. You know, I want to ride with you too." pilyo niyang alok ngunit mabilis akong umiling.
"Okay na ako sa bus, Jake. Thank you." Kailangan kong tumanggi. Naaalala ko ang laging bilin ni tatay sa akin. "Tsaka, may kasama din kasi ako, eh."
"Huh? Who??" tumaas ng bahagya ang boses niya.
"Tiya ko." malumanay kong sagot.
"Oh! Alright!" Nakangiti ng anya.
Oo nga't mabait si Jake ngunit may kaunting kapilyuhan sa ugali niya. Halata iyon sa kilos at pananalita niya. Matagal ko na siyang kakilala dahil isa rin siyang modelo at katrabaho ko siya. At kahit pa may gusto ako sa kanya ay hindi ko hahayaang madikit sa kanya ng sarilinan. Kinakabahan kasi ako. Hindi ako kumportable. Madalas nga siyang magpresintang ihatid o sunduin ako ay palagi akong tumatanggi. Nanligaw siya sa akin pero tinapat ko siyang hanggang magkaibigan lang muna kami. Hindi pa ako handang makipagrelasyon. Priority ko muna ang pamilya ko at ang makapagipon para sa pagpapatuloy ng pagaaral ko.
"But, Leigh.. patungo ka rin namang maynila, right? Why don't you ride with me with your auntie? Mas comfortable pa sa kotse ko kesa diyan sa bus. Come on!" pangungulit niya. Nagpa-puppy eyes pa siya para mapapayag ako.
Ngunit, malungkot akong umiling. "Pasensya ka na, Jake. Nakabayad na din kasi kami diyan, eh. Sayang naman no'n." sabi ko kaya't nalukot ang mukha niya.
"Leigh!"
Gulat akong napalingon sa likuran ko at nakita ko doon si Tiya Sonia na nakakunot ang noo at salubong ang mga kilay habang ang paningin ay na kay Jake Laurence.
"Tiya Sonia.." hindi ko malaman ang sasabihin ko. Paniguradong nainis siya dahil sa hindi ko sinunod ang sinabi niyang sumunod ako sa kanya. "Tiya.."
"Hay naku itong batang ito, oo!" Baling niya sa akin nang makalapit at hinawakan ang braso ko. Napangiwi ako. "Akala ko kung nadaganan ka na ng bus. Kanina pa kitang hinihintay sa mesang kinuha. Malamig na tuloy 'yong pagkain mo," aniya saka sandaling sumulyap kay Jake Laurence..
Napakamot ako sa noo. "Pasensya na po, Tiya Sonia. Kinausap ko lang po sandali itong kaibigan ko." turo ko kay Jake Laurence na medyo lukot pa rin ang mukha. Ni hindi man lang bumati kay Tiya.
Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa inaasta niya.
"Kaibigan ba kamo? Hmm... Sige, hijo, mauuna na kami ng pamangkin ko at baka maiwanan na kami ng bus." Nakangiti ngunit halata ang pagkasarkastiko ni Tiya. Hindi na lang ako umimik. "Halika na, Lori Leigh." marahan na akong hinila ni Tiya Sonia pabalik sa bus.
Lumingon na lamang ako kay Jake Laurence at kumaway para magpaalam. Tumango na lang din ito bilang tugon.
Ngunit, nasa loob na kami ng bus nang bigla akong matigilan. Kumalam ang sikmura ko.
"Tiya Sonia.. hindi pa po ako kumakain," sabi ko saka hinapuhap ang tiyan kong umaalburuto.
May inabot siya sa aking plastic bag na agad kong kinuha. Sinilip ko ang laman no'n kaya't nakumpirma kong pagkain iyon. Nakalagay iyon sa styro.
"Ipina-take out ko na lamang 'yong inorder ko sayo. Dito mo na kainin sa upuan mo. May dala akong bote ng mineral water kaya kumuha ka na lang doon." Itinuro niya ang isang ecobag na nasa paanan niya.
Nakangiti akong tumango at agad na akong tumalima. At dahil sa gutom na gutom ako ay mabilis kong naubos ang pagkain ko. Kumuha na rin ako ng isang bote ng mineral water at mabilis iyong ininom. Nang matapos ay kaagad ko nang niligpit ang mga kalat ko.
Maya-maya'y nilingon ako ni Tiya Sonia nang nakakunot ang noo.
"A-Ano po 'yon, Tiya?" Kinabahan ako bigla.
"Pinipilit kang sumakay no'ng kaibigan mo sa sasakyan niya.."
Narinig niya?
"Mabuti naman at hindi ka pumayag?"
Napalunok ako. "Ah, kasi po, hindi ako masyadong kumportable sa kanya kahit na kaibigan ko siya."
"Hindi kaibigan ang nais niya sayo, hindi ba?" Mabilis niyang sagot na ikinakunot ng noo ko. "Malalim ang pagkakagusto niya sayo sa tingin ko."
"Po?"
"Iyon ang obserbasyon ko sa kanya habang pinapanood ko kayong naguusap at no'ng inaya na kita papalayo sa kanya."
Malalim akong napabuntong hininga saka tumingin sa kawalan. "Alam ko pong may gusto siya sa akin pero tinapat ko na rin po siya noon na hanggang magkaibigan lang kami."
"Ngunit, may gusto ka rin ba sa kanya?" Nagulat ako sa tanong niya.
"May gusto rin po ako sa kanya pero hindi pa naman po ako handang makipagrelasyon."
"Bakit?"
"Ah.. W-Wala pa po kasi iyon sa plano ko. Sina tatay at nanay po ang mas pina-priority ko sa ngayon, Tiya." Napapangiwi na ako.
"Baka dahil hindi mo pa nakakaharap ang lalaking para sayo?" nakangising saad ni Tiya na ikinaawang ng bibig ko.
Sakto at umandar na rin ang bus. Nagulat pa ako nang biglang mamatay ang mga ilaw at mapalitan iyon ng dim light.
"Matulog na tayo at nang paggising mo ay nasa harapan mo na rin ang lalaking totoong magmamahal sayo. Hehe." Nakangiting saad ni Tiya Sonia na ikinangiti ko na rin.
Ewan at kung ano-anong sinasabi niya!
Pumikit na lang din ako at kasabay naman no'n ay pumailanlang ang isang awitin.
? Every now and then,
We found a special friend
Who never let us down...
Hanggang kaibigan lang ang turing ko kay Jake Laurence at hanggang doon lang iyon. At sana, makalimutan niya na rin ako. Alam kong makakahanap din naman siya ng iba.
♩♪♫♬ I'll make a wish for you
And hope it will come true
That life would just be kind
to such a gentle mind
If you lose your way
think back on yesterday
Remember me this way,
Remember me this way ?
Bumikig bigla ang lalamunan ko dahil sa lungkot ng kanta. Bumalik bigla ang kalungkutan ko. Naalala ko na naman tuloy ang tatay at nanay ko. Mas lalong sumidhi ang lungkot ko nang sumabay sa pagbuhos ang ulan. Parang nakikiramay ito sa nararamdaman ko ngayon.
Totoong napakalungkot ang mawalay sa pamilya lalo na at may mga karamdaman ang magulang na iniwanan ko.. Ngunit, kailangan kong magtiis. Para iyon sa kanila..
Tuluyan na ring bumuhos ang mga luha sa mata ko.
To be continued...
(A/N: Soundtrack "Remember Me This Way" by Jordan Hill)