HGWOLS-FINAL

197 Words
Mula nang araw na iyon ay hindi na kami mapaghiwalay ni Davin. Paunti-unti ay nagbabago na siya, kahit minsan ay nahihirapan siya.  Pumapasok na siya palagi. Nag-aaral nang mabuti. Hindi na siya nakikipag-away o nakikipagbasag-ulo. Hindi na rin siya naninigarilyo at umiinom. Lalong hindi na siya nagmumura.  Sumasabay siya sa amin ng pamilya ko na magsimba, minsan kasama pa ang pamilya niya.  Kapag nag-bonding kami, hindi puwedeng hindi kasama ang pagbabasa ng Bible at pagde-devotion. Nasanay na kaming laging ganoon, nasanay na siya. Minsan nga, siya na ang nagyayayang mag-Bible study. Hindi rin siya nakakalimot na magdasal at magpasalamat sa Diyos.  Gitarista na rin si Davin sa church namin at isang life group leader.  Masaya ako dahil nakita at naunawaan ko na kung ano ang gusto ng Diyos na mangyari sa buhay namin. Masaya ako dahil ibinigay Niya si Davin sa buhay ko. Si Davin... ang living testimony ko.  Limang taon na kaming kasal ni Davin at may isang anak. Masaya ako dahil kahit anong pagsubok o problemang pagdaanan namin ay kaya naming lutasin at lalo pa kaming tumatatag dahil may Diyos kami. Siya ang ginawa naming sentro ng buhay namin.  Kaya hindi ako nagsisisi sa desisyong ginawa ko noon. Desisyon na nanggaling sa Diyos. -WAKAS-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD