HGWOLS 5

154 Words
Pagkatapos ng aming klase ay nagpasya akong hanapin si Davin.  Kalahating oras na akong paikot-ikot sa paaralan pero hindi ko pa rin siya makita. Mukhang hindi siya pumasok ngayon. Uuwi na lang ako. Bukas ko na lang siya kakausapin, baka pumasok na siya.  Habang naglalakad pauwi ay napadaan ako sa playground malapit sa bahay namin. May lalaking nakaupo sa swing at naninigarilyo.  Si Davin...  Nandito lang pala siya. Nilapitan ko siya agad kahit na masakit sa ilong ang usok ng sigarilyo niya.  “Davin...”  Napatingin siya sa akin. “What?” naiiritang tanong niya, sabay hithit sa sigarilyo. “Pumapayag na ako sa gusto mo,” nahihiyang sabi ko. “Tsk! No, thanks!” sabi niya, sabay tayo. Aalis na dapat siya pero hinawakan ko ang braso niya. Kahit ano’ng mangyari, kailangan kong gawin `to.  Tumigil siya pero hindi humarap sa akin. “Please, Davin,” pagsusumamo ko. “Why? Bakit biglang nagbago ang isip mo?” walang emosyong sabi niya. “Kasi... kasi ito `yong gusto ng Diyos.” Hindi siya nagsalita. “Davin—” “Fine, if that’s what your God wants.” “Our God, Davin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD