HGWOLS 4

209 Words
Kinabukasan, habang papasok ako sa gate ay napansin kong napakaraming estudyante ang nakukumpulan na parang may pinagkakaguluhan.  Kinabahan ako, mabilis na tinungo ang pinagkakaguluhan nila. Nagulat ako sa nadatnan. Si.... Si Davin, nakikipagsuntukan sa mga kaklase niya. Halos pumutok na ang mga mukha nila. Mukhang kanina pa sila nagsusuntukan. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Bakit ganito? Bakit ganito na naman siya? Nagkamali ba ako? Nagkamali ba ako sa naging desisyon ko? Lord, help me, please.  Nakauwi na ako galing paaralan. Nakatulala pa rin ako at iniisip ang nangyari kanina. Nalilito... naguguluhan ako. Naalala kong kapag ganito ako, dapat magdasal ako. Umupo ako sa kama at nagsimulang magdasal.  “Panginoon, una po sa lahat, humihingi po ako ng tawad at paglilinis sa aking mga nagawa, naisip, at nasabing masama. Patawarin n’yo po ako. Tunay nga po, Panginoon, maraming salamat sa lahat-lahat. Panginoon, ano po ba’ng gusto Mong gawin ko? Bakit po nangyayari ang mga bagay na ito? Gusto Mo po bang tulungan ko siya? Kung iyon po ang gusto Mo, Panginoon, please tulungan Mo po ako. Kayo na po’ng bahala sa mga susunod na mangyayari. Alam kong may plano Ka para sa amin. At panghahawakan ko po iyon. Salamat po, Panginoon. Amen.” Buo na ang desisyon ko. Gagawin ko kung ano ang gusto ng Panginoon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD