HGWOLS 3

245 Words
Lunes, pababa na ako ng hagdan nang marinig kong may kausap sina Mama at Papa. Mukhang may bisita kami nang ganito kaaga.  Pagkarating ko sa sala, nagulat ako sa taong nakita ko. Hindi ko inaasahan na pupunta siya sa bahay namin.  Si Davin, nakaupo at masayang nakikipag-usap sa mga magulang ko. Nagtataka man ay binati ko pa rin siya.  Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami para pumasok sa paaralan. Tahimik kaming naglalakad pero hindi ko na natiis ang katahimikan.  “Davin, bakit ka nga pala pumunta sa amin nang ganito kaaga?” Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Napatigil din siya pero hindi nagsalita. Mga ilang minuto ang nakalipas bago siya humarap sa akin.  “Susubukan ko,” seryosong sabi niya. “Huh? Anong susubukan?” “Susubukan kong magbago. Susubukan kong hindi na magmura, makipagbasag-ulo, magbulakbol, uminom, manigarilyo, at kung ano-ano pang masasamang gawain,” seryoso pa ring sabi niya. Nagulat ako, pero natuwa dahil dininig ng Diyos ang panalangin ko. May plano Siya para sa taong ito. Pero nagulat ako sa sumunod niyang sinabi.  “Gagawin ko `yon pero gusto ko, kasama kita,” nakangiting sabi niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ko. “Gusto kitang maging girlfriend,” umaasang sagot niya. “Davin, ano ba’ng sinasabi mo? Kung magbabago ka man, dapat para sa sarili mo at hindi dahil para lang sa... sa...” “Ayaw mo?!” galit na sabi niya, saka hinawakan ang braso ko. “Ano ba, Davin, nasasaktan ako. Bitawan mo ako,” pagsusumamo ko. “Tsk!” Binitawan niya ako, saka siya umalis. Lord, hindi ko man po naiintindihan ang nangyayari, pero alam kong may plano Ka para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD