HGWOLS 2

200 Words
Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock. Tumayo ako at pinatay ito. Bumalik ako sa kama at sinimulan na ang daily routine ko. Pagkatapos ay naligo, nagdasal, at kumain na ako.  Naglalakad na ako papasok sa gate ng aming paaralan nang may biglang umakbay sa akin. Napatingin ako sa kanya, saka ko inalis nang maayos ang kanyang kamay.  “Hey! What’s wrong? `Di ba magkaibigan na tayo?” naiiritang sabi niya. “Ah... Ano kasi, Davin—” “F*ck! `Wag ka nang pabebe. Alam ko namang gusto mo rin ako,” nakangising sabi niya. Lord, please. Bigyan Mo po ako ng mahabang pasensiya sa taong ito. “Davin, masamang magmura. Saka ano ba’ng sinasabi mo?” “Tsk! Magmumura ako sa ayaw o sa gusto mo!” pasigaw niyang sabi. “Ganoon ba? Pasensiya ka na hindi ko gusto ang lumalabas na mga salita sa bibig mo. Sana maintindihan mo ako. Gusto ko sanang lumayo ka na lang sa akin. Pasensiya na, Davin.” Pagkatapos sabihin iyon ay umalis na ako at pumasok sa aming silid-aralan.  Isang linggo na ang lumipas mula nang mangyari ang pagtatalong iyon. Hindi na nga ako nilapitan pa ni Davin. Natuwa ako pero sa kabila niyon ay nakokonsiyensiya ako. Ipinagdasal ko na lang siya na sana ay makilala niya ang Diyos at magbagong buhay na siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD