Justin’s POV HABANG tinatahak namin ang daan paakyat ng seven cities sakay ng aming kaniya-kaniyang motorsiklo ay hindi ko mapigilan ang kabahan. Bakit kaya iyon nagawa ni Eira? Bakit niya ako pinasundan sa isang tutubi pabalik sa amin? Ano ang kaniyang posibleng dahilan? Bakit niya kaming gustong tulungan? Paano kung ang lahat ng tulong nito ay may kaakibat na kapalit? I blew my breath upward at sumenyas kay Francis na nakasunod sa akin na tumigil sa punong nasa unahan lang. Bumusina ito ng dalawang beses para iparating na naiintindihan nito ang isinisenyas ko. Magkasunod lang na itinigil namin ni Francis ang motor sa gilid ng mabatong daan. “Dito na ba iyon, Bor?” tanong ni Francis na pinatay ang makina ng motor ngunit nanatiling nakaupo habang itinutukod ang paa sa lupa. Bum

