Justin’s POV HALOS kalahating oras na kaming bumibiyahe paakyat ng seven cities nang makarating kami sa unang baryo nito. Baryo Taruq is one place like ours. Ang tanging pinagkaiba lamang ng Taruq ay ang matataas na bundok na nakapaligid sa lugar. Nag-menor kami dahil may ilang mga bata na naglalaro sa kalsada. May nakita kaming matandang lalaki na nakaupo sa labas ng bahay nito katapat ng mga batang naglalaro. Tinigil namin ni Francis ang mga motor sa unahan at magalang na nagtanong sa matandang lalaki. “Magandang araw po, ‘Lo, ano’ng baryo po naroon ang Agua Colonya?” Nagpalipat-lipat ang tingin ng matanda sa amin ni Francis. “Ano ang gagawin ninyo roon?” puno ng kuryosidad na tanong ng matanda. “May kailangan lamang ho kaming kunin doon. Alam n’yo po ba kung anong baryo iyon,

