CHAPTER TWENTY TWO

1984 Words

Justin’s POV “Res,” tawag ni Alvadon kay Res nang makabalik sila ni Francis dito sa kubo. Sinulyapan ko si Res na nanatiling nakaupo sa tabi ni Roxanne at nakahawak sa kamay ng huli. Inilipat ko ang tingin kay Ereneya na kalong si Zea at nakita ko ang panaka-nakang pagsulyap din nito sa magkahugpong na palad nina Res at Roxanne. “Bakit Alvadon?” tanong ni Res. Nanatiling nakatayo si Alvadon at Francis sa gilid ng inuupuan ko. “May magandang balita ako sa inyo. Nasaan ang Tiyo Tonyo?” “Narito ako, Alvadon. Ano ang magandang balita na sinasabi mo?” sabat ng matanda na palabas mula sa silid nito at dala ang baston na kahoy. Umupo ito sa tabi ni Roxanne. “May mensahe ang isang tutubi sa akin,” panimula ni Alvadon kaya nabaling ang lahat ng aming paningin sa kanya. Isang tutubi? “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD