Roxanne’s POV NANG MATAPOS kong gamutin ang sugat ni Res sa kamay ay nakisali na rin ito sa inuman ng mga kaibigan. Ako naman ay nagkasya na lang sa chichirya dahil hindi naman ako masyadong umiinom. Ayokong umuwi mamaya sa kubo na amoy alak at baka mapagalitan pa ako ng Tiyo. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Res nang tumingin ako sa direksyon niya. He smiled at me and I smiled back in return. But that was fast. Wala nga iyong limang segundo dahil binawi din nito ang tingin at itinuon ang pansin sa kaharap na sina Jim at Win. Hindi pa rin mapuknat ang ngiti ko sa labi. Hindi ko maiwasang kiligin kay Res, why? Kasi ang bait niya, mapagmahal kay Zea, maalalahanin, maalaga at ‘yong pakiramdam na parang walang maaring manakit sa ‘yo kapag kasama mo siya. ‘Yong feeling na secure ka. I

