CHAPTER THREE

1604 Words
Res’ POV "AH, RES..." Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Ereneya. Nakatayo ito sa likuran ko at magkasalikop ang dalawang kamay sa harap. She is a picture of beauty standing in front of me. “Bakit? May kailangan ka?” walang emosyong tanong ko. “Nabanggit ni Justin na ikaw ang nagbantay at nag-alaga sa akin noong hindi pa ako nagkakamalay,” she paused. Sinulyapan ko siya at natuon sa mukha nito ang titig ko. “Maraming salamat,” she continued. Ibinalik ko ang tingin sa pagkakatanaw sa labas ng bintana. Kita mula sa kinaroroonan ko ang maliit na hardin ni Zea na puno ng mga namumulaklak na pananim. Maganda, katulad ni Ereneya. I sighed. “Res...” untag nito. “Walang anuman. Hindi mo na kailangang magpasalamat,” blangko ang ekspresyon ng mukhang sagot ko. Sandaling natahimik si Ereneya ngunit hindi ito umaalis sa pagkakatayo sa likuran ko. Nang sulyapan ko siya sa ikalawang pagkakataon ay nakatungo ito at waring may iniisip. Umangat ang mukha nito and her eyes met mine. “Res...” Parang may gusto itong sabihin ngunit mukhang hindi nito alam kung paano simulan. “Kung wala ka ng sasabihin ay umakyat ka na sa iyong silid at magpahinga.” “Nababahala lamang ako at sa inyong lahat ay ikaw lamang ang bukod tanging malamig ang pakikitungo sa akin. Maaari ko bang malaman kung may nagawa ba akong pagkakamali sa iyo?” Ibinaling ko ang tingin sa labas ng bintana. “Gusto mo bang magpapansin din ako sa ‘yo katulad ng ginagawa ni Karl at Win?” balik tanong ko. Narinig ko ang mahinang pagsinghap nito. “Hindi iyan ang ibig kong sabihin! Lamang ay nag-aalala ako kung bakit ganiyan ang pakikitungo mo sa akin. Nag-aalala akong marahil ay may nagawa ako sa iyong hindi mo nagustuhan.” Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. I didn’t want to be rude pero sa tuwing nakakaharap o nakakausap ko si Ereneya ay hindi ko mapigilan ang aking sarili. Bigla ay na-miss ko ang pagka-arogante nito. Mas gusto kong tinatarayan niya ako kaysa ganitong tila siya maamong tupa habang nakikipag-usap sa akin. Lumapit si Ereneya at humarap sa akin. “Kung may nagawa man akong pagkakamali sa iyo bago ang aksidente ay inihihingi ko iyon ng tawad, Res.” Ipinasok ko ang mga kamay sa loob ng bulsa ng suot kong jeans at tiningnan ito. Her eyes, malamlam ang kaniyang mga mata hindi katulad ng dating Ereneya na nakilala ko. The old Ereneya got green fiery eyes. “Wala kang ginawang masama sa akin kaya iwasan mong mag-isip ng kung ano-ano.” “Marahil ay ayaw mong makasama ako rito sa bahay? Sabihin mo lamang at aalis ako.” Nagulat ako sa sinabi nito. “Saan mo naman balak tumira kung sakali?” panunubok ko. “Nabanggit ni Karl na maari akong manatili sa bahay niya –” I gritted my teeth. “Hindi ka aalis,” putol ko sa sasabihin nito. “Hindi ka aalis sa bahay na ito hangga’t hindi ko sinasabi.” Umalis ako mula sa pagkakatayo sa harap ng bintana at iniwan si Ereneya na bakas sa mukha ang pagkabigla at pagkalito. Ereneya’s POV NAKAPAGTATAKA ang ikinikilos ni Res. Bigla na lang akong iniwan pagkatapos nitong sabihin na hindi ako maaring umalis ng bahay na ito hanggat hindi nito sinasabi. Pag-aari ba ako ng masungit na lalaking iyon para pagpasyahan ang gagawin ko? Sinundan ko lamang ito ng tingin habang tinutungo ang pintuan palabas ng bahay. Nanatili akong nakatayo sa harap ng bintana at sinundan ito ng tingin hanggang sa marating nito ang duyan na nakasabit sa sanga ng punong mangga. Humiga ito sa duyan na yari sa yantok, itinaas ang dalawang kamay sa ibabaw ng ulo at ipinikit ang mga mata. Ang isang paa nito ay nakasayad sa lupa at bahagyang inuugoy ang duyan. Walang maitulak kabigin sa kanilang magkakaibigan. Lahat sila ay may angking kaguwapuhan ngunit naagaw ni Res ang pansin ko dahil bukod sa malamig ang pakikitungo nito sa akin ay nararamdaman ko ang minsang panunuot ng mga titig niya sa pagkatao ko na hindi ko maipaliwanag at mabigyan ng pangalan. Guwapo si Res. Maitim ang mga matang hindi mo masalamin ang tunay na niloob nito. Parang puno ng lihim at misteryo, hindi katulad ng mga mata ni Jus na parang laging nanunuri. Para akong naeengganyong tuklasin ang nasa likod ng matitiim nitong mga titig. Matangos ang ilong at maninipis na labi. Nang magmulat ito nang mga mata at sumulyap sa direksyon ko ay mabilis akong umalis sa harap ng bintana at sumandal sa dingding. Napahawak ako sa dibdib ko dahil bumilis ang t***k ng puso ko. Marahil ay sa biglaan kong pagkilos. Daig ko pa ang katulad ng isang nahuling magnanakaw. “Tita Ereneya?” Nabaling ang pansin ko sa batang nakatingala sa akin. “Zea...” “Ano po ang ginagawa mo rito sa bintana?” tanong nito na nakitingin sa labas ng bintana. “Pinagmamasdan mo po si Ninong Res?” Umiling ako. “Hindi. Napadaan lang ako rito. Saan ka patutungo?” “Sa labas po? Gusto mo pong sumama?” Nag-alinlangan ako. “Sa Ninong mo ba ikaw tutungo?” tanong ko. Marahang tumango si Zea. “Sama ka po sa akin. Maganda po ang mga bulaklak sa hardin. Siguradong magugustuhan mo po,” yaya nito. “Hindi na muna. Babalik na lang ako roon sa mga Ninong mo at Tita JM mo.” “Sige po. Nagkakasiyahan po sila roon sa sala. Have fun!” paalam nito at patakbong lumabas ng pintuan. Huminga ako nang malalim at bumalik na sa mga kasama. Hindi na ako nagtangka pang silipin si Res mula sa bintana. “Oh, Ereneya! Saan ka nanggaling?” tanong ni JM nang makita nito akong papalapit sa umpukan nila. Nabaling ang tingin sa akin ng mga lalaki at nakita kong sumenyas si Karl na maupo ako sa tabi nito. “Saan ka galing?” ulit ni Karl sa tanong ni JM nang makaupo ako sa tabi nito. “D’yan lang,” maikling sagot ko. “May tanong ako Ereneya,” ani Karl na malapad na napangiti. “A–ano ‘yon?” “Ano ang pagkakapareho ng aso sa puso?” Napakunot-noo ako. “Hindi ko alam,” litong tanong ko. Ni hindi ko nga alam kung ano ang wangis ng isang aso. Nilagay ni Karl ang palad sa tapat ng puso nito. “Dug dug dug dug...” Nanatili akong nakatingin kay Karl. Ilang sandali pa ay tila nalungkot ito at ibinaba ang kamay at tumingin sa akin. “Hindi mo naintindihan ‘yon?” tanong nito. Mabilis akong umiling na ikinasimangot ni Karl. Tumawa naman nang malakas si JM at napailing ang ibang lalaki. “Waley, Kuya Karl. Talagang walang kuwenta ang mga banat mo. Oh, Ereneya, pasensya na at may parusa,” sabi ni JM na bumaling sa akin na nagpakunot ng noo ko. “Parusa?” takang tanong ko. Napangisi ang mga lalaki. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Tumingin ako kay Jus. “Naglalaro kasi kami at ang hindi makakasagot ng tanong ay may kaukulang parusa,” paliwanag ni Jus. “A-anong parusa?” kinakabahang tanong ko. “Depende kay Karl kung anong parusa ang ibibigay niya sa ‘yo.” Nang tingnan ko si Jim ay kumindat ito sa akin. “Ready, Ereneya?” tanong ni Karl. Nanatiling tahimik na napapangiti ang iba. “Ikamamatay ko ba ang parusa?” Napahalakhak sina Win at Jim pati na rin si JM. “Hindi, Ereneya. Simple lang ang parusa at hindi mo ikamamatay,” paliwanag ni JM. Tumango ako. “Here we go,” nakangising saad ni Karl na waring may kalokohang iniisip. “I want a kiss on the cheek.” “Ay, no! Hindi puwedeng sa ‘yo, Kuya Karl!” agad na salungat ni JM sa sinabi ni Karl na tanging kiss lang ang naintindihan ko. “Bakit hindi? Iyon ang gusto kong parusa ni Ereneya, eh!” nakasimangot na reklamo ni Karl. “Hindi pwede ‘yon, noh! Pumili ka ng isa sa kanila,” sabi ni JM na tinuro ang ibang mga Kuya. “Sus, ayaw mo lang halikan ako ni Ereneya, eh!” may bahid ng panunukso ang boses ni Karl habang nakatingin kay JM. “Sige na. Pumili ka na sa kanila,” ulit ni JM. “Oo na. Ayoko namang magselos ka,” wika ni Karl. Narinig ko pa ang mahinang panunukso ni Jim at Win sa dalawa. Itinaas ni Jim at Win ang tig-isang kamay dahilan para lalong lumukot ang mukha ni Karl. Nagpalipat-lipat lang ako ng tingin sa kanila dahil wala ako gaanong maintindihan. “Si Jus na lang. Matatanggap ko pang siya ang mahalikan ni Ereneya kaysa sa dalawang ito,” ani Karl na ang tinutukoy ay si Jim at Win. Inabot naman ito ng dalawa at pinagbabatukan na ikinatawa ko. “Come on, let’s get this done and proceed,” sabi ni Francis na nakaakbay kay Jus. “Ganito na lang mga Kuya...” ani JM na tumayo mula sa pagkakaupo sa single couch na katabi ng couch na inuupuan ni Karl. “Sasabihin na lang ni Ereneya kay Kuya Jus na “Jus, iniibig kita. With feelings, ah!” Matamis ang ngiting sabi ni JM. Napaungol si Jim at Win dahil sa sinabi ni JM. Sasabihin kong iniibig ko si Jus? Parusa ba iyon? Parang hindi naman. “Iyon ba ang parusa?” paninigurado ko. “Yep! Halika, tumayo kayo rito ni Kuya Jus at umarte na. Tingnan natin kung may chemistry kayo. Kunwari nasa telerye kayo at magtatapat ka ng pag-ibig sa lalaking mahal mo,” sabi ni JM at hinila kami ni Jus para tumayo sa gitna nila. Sinabayan pa niya iyon ng bungisngis at tila nakikiliti. Tinapik ako ni Jus sa balikat at nginitian. “Don’t worry. This is just a game.” Napatango ako nang hindi ko man lang naintindihan ang sinabi ni Jus. Nasabi ko nang may tiwala ako sa kaniya. “Okay, game na!” sigaw ni JM at sinabayan pa ng tatlong palakpak. Humarap ako kay Jus at nagkasalubong ang mga tingin namin. “Jus...” mahinang usal ko. Nakangiti siyang nakatitig sa akin at hinhintay na sabihin ko ang sinasabing parusa ni JM.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD