CHAPTER FOUR

1845 Words
Res’ POV "NINONG, bakit ka po nag-iisa rito sa labas?” Zea asked innocently. Nakaupo ito sa tabi ko gaya ng lagi nitong ginagawa kapag nandito kami sa duyan. Nakapulupot ang isang braso ko sa baywang nito para hindi ito mahulog kapag inuugoy ko ang duyan. “Gusto ko lang magpahangin dito sa labas. How about you? Bakit ka sumunod dito?” Umisod si Zea at inihiga ang ulo sa dibdib ko. “Gusto ko po sanang pumunta kay Mama at Papa,” malungkot na saad nito. Hinaplos ko ang mahaba at alon- alon na buhok nito. “Hayaan mo at sasamahan kita mamaya.” Biglang nagliwanag ang mukha ni Zea nang marinig ang sinabi ko. “Talaga po, Ninong? Yey!” tili nito at yumakap sa leeg ko. I smiled and kissed her hair. “Anong ginagawa nila roon sa loob?” “They’re playing question and answer po. Kapag po hindi po nakasagot ng tama ang sasagot ay may parusa ito mula sa nagtanong.” “Ano’ng parusa?” “A kiss...” nalukot ang mukhang sabi ni Zea. “Ow?” “Yes po. Umalis nga po ako roon kasi pinupupog ako ni Ninong Karl at Ninong Jim ng halik, eh. It’s like ewwww po kaya. Daming laway na tuloy ang pisngi ko. They can’t kiss Tita JM po kasi dahil susuntukin sila ni Tita. Sa tingin ko po si Tita Ereneya naman po chansing nila ngayon,” tuloy-tuloy na pagsusumbong nito. “Chansing?” kunot-noong tanong ko. Tumingala sa akin si Zea. “Opo. Sinabi po iyon ni Tita JM kina Ninong and she was like, Asa pa kayong makaka-chansing kayo sa akin! No kiss! Gano’n po,” sabi nito na ginaya pa ang boses ng tiya. I cursed silently. Kung nandoon si Ereneya hindi malayong mangyari ang sinasabi ni Zea. “Let’s get inside, Sweetheart,” yaya ko kay Zea. Kumilos naman ito at bumaba ng duyan. “Pakarga po ako, Ninong,” paglalambing ni Zea. Ngumiti ako sa kaniya. “Sure. Halika,” sabi ko at kinarga ito. Mabilis itong nangunyapit sa leeg ko. “I saw Tita Ereneya watching you from the window kanina, Ninong Res,” sabi nito habang papasok kami sa loob ng bahay. “I saw her, too.” “Does she likes you?” tanong nito na may himig na pagtatampo. “I don’t know. Bakit mo itinatanong?” “Wala naman po. Basta po Ninong love mo po ako, ha?” “Of course. Nothing can change that, Sweetheart.” “Baba na po ako, Ninong. I know I’m heavy na, eh,” sabi nito kaya binaba ko na siya nang malapit na kami sa sala. Hawak ko siya sa kamay at sabay naming tinungo ang sala. Malapit na kami nang marinig ko ang boses ni Ereneya na nagpalalim ng kunot-noo ko. “Jus...iniibig kita.” Narinig ko ang pagtikhim ni Francis at nang lumapit kami ay nakita kong malapad na nakangiti si JM habang pinapanood sina Jus at Ereneya na magkaharap. Parang piniga ang puso ko nang tingnan ko si Ereneya. Her face was so full of emotions. Was it really love? Hindi ako nagkakamali nang marinig ko ang sinabi ni Ereneya na iniibig nito si Jus. And looking at Jus now, admiration visible on his face while looking at her. Paanong nangyari iyon gayong wala pang isang linggo na magkakilala ang mga ito? Justin smiled at hinawakan ang kanang pisngi ni Ereneya. Nabigla ako nang hawakan ni Jus ang batok nito, putting her head on place. Hindi ko inaasahang bumaba ang ulo ni Jus at hinalikan sa labi si Ereneya na ikinagulat ng huli. Mahigpit na napakuyom ako mg kamao kasabay ng pag-ahon ng inis sa dibdib ko. Kahit isang segundo lang ang halik na iyon but still it was a kiss! I can’t imagine Jus of taking advantage of her! “Kuya Res...” tawag ni JM, “Okay cut! My gosh, there’s chemistry and much kilig factor sa loveteam ninyo kung sakali. Tama na po ang arte,” pilit ang ngiting wika ni JM. Nabaling ang pansin nilang lahat sa akin at parang wala lang iyon kay Jus. Mabilis akong lumapit sa kaniya at inundayan siya ng isang suntok na ikinasigaw nina JM, Zea at Ereneya. Napatayo naman si Francis para pigilin si Jus na gumanti. Tumayo na rin sina Jim at Karl para pumagitna habang hawak ako ni Win. “Damn you, Jus!” mariin kong sabi. Sapo nito ang bibig at pinahiran ang kaunting dugo roon at ngumiti ng sarkastiko sa akin. “Problema mo?” “Tinatanong mo pa? I saw everything!” “Oh. Jealousy hits you. Eh?” Ereneya’s POV NAPAHAWAK ako sa bibig ko nang makitang sinuntok ni Res si Jus sa mukha. Hindi pa ako nakakahuma mula sa paghalik ni Jus sa akin at heto na agad si Res at bigla na lang manununtok na hindi ko alam ang dahilan. “Bor, huwag mo nang painitin lalo ang ulo niyan,” narinig kong payo ni Francis kay Jus. Mainit ang ulo ni Res? Kanino at bakit? “Res, ano ba ang nangyayari at nagkakaganyan ka?” nag-aalalang tanong ko. Muntikan na akong mapaatras nang matalim akong tingnan ni Res. Walang pasabing hinablot nito ang kamay ko at hinila paakyat ng hagdanan. Ni hindi nito pinansin ang pagtawag ni JM at ng mga kaibigan nito. “Res, nasasaktan ako!” daing ko dahil sa mahigpit na pagkakahawak nito sa braso ko. Halos kaladkarin na nito ako. Pumasok kami sa kuwartong inuokupa ko at mabilis nito iyong sinara. Matalim pa rin ang pagkakatitig nito sa akin habang nakatayo sa harapan ng nakapinid na pinto. “Ano ba ang kasalanan ko sa ‘yo?” naguguluhang tanong ko habang hinihimas ang nasaktan kong braso. “Hindi mo ba talaga alam ang ginagawa mo?” “Ano ba ang masamang ginawa ko? Paano ko malalaman kung hindi mo sasabihin sa akin!” sagot ko na nag-uumpisa na ring mainis sa lalaking ito. “Hindi mo alam? They’re taking advantage of you!” malakas na sabi nito na tinuro pa ako. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit nito. “Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo at hindi ko maintindihan kung bakit bigla mo na lang sinuntok si Jus gayong wala naman siyang ginagawa sa ‘yo!” sagot ko sa mataas ding tono. “Wala siyang ginawa sa akin pero sa ‘yo mayroon! He kissed you!” Natigilan ako sa sinabi ni Res. “Nagagalit ka dahil hinalikan ako ni Jus?” “Eh, anong gusto mo? Panoorin ko pa kayo? Papalakpakan? Are you out of your mind?” patuloy na sabi nito sa mataas na boses. Para itong tigre na anumang oras ay sasakmalin ako. “Hindi kita maintindihan! Isang laro lamang iyon at isa iyong parusa na dapat kong gawin dahil hindi ko nasagot ng tama ang tinanong ni Karl!” “Laro? Hindi isang laro ang mahalikan ni Jus sa labi at hinayaan mo lang iyon!” Tumaas-baba ang dibdib ko dahil sa galit at pagkainis na rin kay Res. “Ano ba ang problema kung halikan ako ni Jus sa labi? Guwapo naman siya, matikas at sa pagkakaalam ko ay walang kasintahan!” “Hindi mo alam ang sinasabi mo!” sagot nito na nag-igting ang mga bagang. “Kung gano’n ay magpapahalik ka na lang basta sa kahit sinong guwapo at matikas na lalaki?” “Daig mo pa ang kasintahan ko kung magalit. Bakit? Kasintahan ba kita?” Sandaling naumid ang dila ni Res at taas-baba ang dibdib sa inis at galit. “Hindi ko kailangang maging kasintahan mo para magalit sa ‘yo! At susuntukin ko ang kahit sino mang lalaki na lalaking hahalik sa ‘yo!” “Hindi mo kailangang gawin iyon!” “Oo! Gagawin ko dahil sa akin ka ipinagkatiwala ni Ara—Ayla! Hindi ko hahayaang papayag ka na lang na halikan ng kahit sino!” Hindi makapaniwalang tinitigan ko si Res. Inis akong lumapit sa kaniya at ipinulupot ang mga braso ko sa leeg nito. Tumingkayad ako para halikan din ito sa labi. Natigilan ito at hindi nakakilos sa pagkagulat. Nang matapos ang halik ay hindi pa rin ito nagsalita at gulat na napatitig sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay. “Oh, bakit natahimik ka? Hindi ba dapat ay magalit ka dahil hinalikan ko ang isang guwapo at matikas na lalaki?” Napakurap ito at bigla ay nagmura. “Sige na. Magalit ka at suntukin mo ang sarili mo!” udyok ko rito ngunit nanatili lang itong nakatitig sa akin. “Hindi ko maintindihan kung bakit gayon na lang ang galit mo sa akin dahil sa isang laro. Si Jus ang humalik sa akin at pinagkakatiwalaan ko siya,” patuloy ko. “Alam kong hindi niya magagawa sa akin ang iniisip mong ginawa niya!” Biglang lumambot ang mukha ni Res. “Ereneya...” sambit nito na tinangkang abutin ako pero umiwas ako. “Naguguluhan ako sa ipinapakita mo sa akin, Res. Kung galit ka talaga sa akin ay mabuti pang huwag na kitang kausapin,” sabi ko, “isa pa, huwag mo akong pangungunahan dahil hindi mo ako pag-aari,” dagdag ko at nilampasan ito at lumabas ng silid. Iniwan ko siyang napatiimbagang at napakuyom nang mahigpit ang kamao. Res’ POV TAHIMIK akong nakatayo at nakasandal dito sa hamba ng pintuan at pinapanood sina Zea at Ereneya na naghahabulan sa malawak na damuhan sa harap ng bahay. Their laughters are like music to my ears. Masayang kumaway si Zea sa akin at ginantihan ko naman iyon ng ngiti kasabay ng pagtaas ng isa kong kamay. Sinulyapan lamang ako ni Ereneya at muling ibinaling ang pansin kay Zea. Napakislot ako nang biglang tinapik ako ni Jus sa balikat. “Bor...” sambit nito at nanatiling nakatayo sa tabi ko. “Saan ang punta mo?” tanong ko na ibinalik ang tingin sa dalawang nagkakasiyahan. “Wala. Dito lang,” sagot nito. Hindi na ako sumagot pa at pinagkrus ang braso sa dibdib. “About yesterday,” He continued, “pasensya na.” “Wala ‘yon. Pero hindi ko ihihingi ng dispensa ang pagsuntok ko sa ‘yo. You deserved it.” Jus chuckled at nilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon. “I know. Nakalimot ako at hindi ko napigilang halikan si Ereneya. She’s a temptation.” “Tsk,” palatak ko, “I can’t believe you took advantage of her.” “Don’t worry. Hanggang doon lang muna iyon, Bor. Unless, si Ereneya na mismo ang may gusto,” binigyang diin nito ang salitang ‘muna’. Biglang nabaling ang tingin ko kay Jus na matipid na nakangiti at nakamasid kina Zea at Ereneya. Ngayon lang nagpakita ng hayag na pagkagusto si Jus sa isang babae. At kay Ereneya iyon. “What do you mean by that?” “I like her,” sagot nito na sinalubong ang tingin ko. “Really. O, baka naman gusto mo siya dahil nahalikan mo lang? You’re kidding me, Bor. I know your type.” “I’m not kidding and she’s my type now and she make me laugh. She’s amazing, don’t you think?” I chuckled sarcastically. “Hindi ko alam na nagbago ka na pala ng taste, eh? Hindi ba at ang tipo mong babae ay mahinhin, a Maria Clara type?” “Sometimes you fall for someone you never imagined you could be falling, Bor.” “Now you’re talking about falling in love. You make me sick.” Jus laughed. “Am I? I’m afraid you have to confine yourself, Bor.” “Whatever. You can’t have her anyway.” “Are you serious?” tanong nito na sa tonong naghahamon. Tinitigan ko si Jus nang mataman. “I’m dead serious. Wanna bet?” blangko ang ekspresyong tanong ko. Natawa ito at tinapik uli ako sa balikat. “Do your best, Bor. Hindi ako gano’n kadaling magpatalo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD