Francis' POV TAKIPSILIM na nang makarating kami dito sa baryo ng Bernabe at pagpasok pa lang namin sa baryo ay naghatid kaagad ng kilabot sa katawan ko ang kakaibang tingin ng mga tao. Kahit ang mga kabataang nadaanan namin ay kakaiba ang titig. Sinundan kami ng mga ito ng tingin na para bang nagtataka kung bakit nandito kami sa baryo nila. Pakiramdam ko tuloy ay para kaming karneng hinihintay nilang mahulog saka sasakmalin. Kahit ang ibang nasa loob ng kani-kanilang bakuran ay lumabas ng kalsada para sundan kami ng tingin. Pahaba ang baryo ng Bernabe at magkakatapat lamang ang kabahayan. Tanging ang malapad lamang na kalsada ang pumapagitna sa mga bahay. Kahit nakalampas na kami sa kabahayan at hindi pa rin humuhupa ang pananayo ng balahibo ko sa batok. Ramdam ko ang negatibong awr

