CHAPTER SEVENTEEN

2310 Words

Ereneya’s POV “Oh, my God! Anong klaseng ahas iyan!” bulalas ni Roxanne na nasa likuran ko. Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kulay berde na ahas na may dalawang kamay na kagaya ng sa tao at kay Zea na nananatiling nakatayo at hindi gumagalaw. Ang kamay nito na nasa baba ng ulo nito ay kagaya ng kamay ng laruan na nakapatong sa ibabaw ng cabinet ni Zea at naalala kong tinawag nito itong Sponge Bob. Kasabay ng paggalaw ng ulo ng ahas ay ang paggalaw din ng mga daliri nito. Ito ang kauna- unahang pagkakataon na nakakita ako ng ganitong uri ng ahas! “Zea, huwag kang gumalaw,” mahinang sabi ko nang pababa ang ulo ng ahas sa kaniya. Nakapulupot ang buntot ng ahas sa sanga ng puno mula sa taas at nasa itaas lang ng ulo ni Zea ang ulo nito. Parang naghihintay lang ng pagkakataong gumalaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD