Francis’ POV PAGKAALIS ni Res ay tiningnan ko si Ereneya na sinusundan ito ng tingin. Sadness was written all over her face but I didn’t ask anything about what she felt. “Hatid na kita sa bahay?” wika ko. Tahimik lamang itong tumango at nagpatiunang maglakad. Napailing na lamang akong sinusundan ito. Hindi ko alam kung ano ang drama ng dalawang ito pagkatapos ng hindi pagkakaunawaan nina Res at Jus. Si Jus ay hindi na rin gaanong kinakausap si Ereneya though wala namang animosity na namagitan sa kanilang dalawa at itong si Res ay malamig naman ang pakikitungo sa dalaga. “Fran?” Nilingon ako ni Ereneya kaya tumigil na rin ako sa paglalakad. “Yes?” “Pabigat ba ako sa inyo? Naaabala ko ba kayo?” sunod- sunod na tanong nito. “Saan nanggaling ang tanong mo na iyan? Hindi ka pab

