“Bela!”
Mabilis na napangiti siya at niyakap ang babaeng halos lumuwa na ang didbidb sa ka-sexy-han.
“Stacy.”
Pakatapos nilang magyakapan ay napatingin siya sa gilid at nakita si Ryx na parang traumatized.
“Okay ka lang?” tanong niya rito. Sinamaan lang siya nito nang tingin kaya natawa siya.
“He’s hard to get again,” nakabusangot na sagot ni Stacy. She’s half-Russian. Tuwing nagsasalita ito ay minsan napapaangat din ang kaniyang itaas na labi dahil sa accent nitong nagagandahan din siyan pakinggan. Lalo na sa r.
“Hindi ako tinatantanan ng malanding ‘yan,” galit na saad ni Ryx at mukhang maiiyak na.
“What did she do?” usisa niya rito.
“Ilang beses niyang sinabi sa ’kin kung gaano niya ako kagusto at pinagnanasahan niya ako. Marinig ko lang ang boses niya nagsitaasan na ang ma balahibo ko sa kamay. My God! I can’t, I can’t,” reklamo ni Ryx at tila diring-diri talaga.
“Anyway, this is Doding. Ding this is my assistant Ryx, and my good friend, Stacy. Guys, this is Doding, my trusted ally,” aniya.
Kaagad na nagbatian naman sila. Mukhang okay na okay at mabilis na naging magkaibigan.
“Sa wakas! Tatlo na kayong bobo,” mahinahong sambit ni Bela at napangiti. Kita naman niya ang pagngiwi nila.
“So, what’s the plan?” tanong ni Stacy.
“I want you to pose as me, Stacy. I need your help. You’re not exposed underground. Hindi puwedeng ako ang pupunta roon. I can feel that it’s a trap. Ba-back-up-an na lang kita, okay? Sasama pa rin ako para protektahan ka,” aniya rito.
“That’s great!” anito at napangiti.
“H-Hindi ka takot?” tanong ni Ryx sa kaniya.
Natawa naman ito.
“Mas takot ang self ko when you decline me. But Bela, I want a favor if ever I succeeded in pretending,” sambit nito.
“Anything, lahat ng gusto mo Stacy ibibigay ko. Just name it,” nakangiting sagot niya.
Napatingin naman si Stacy kay Ryx. Kaagad na tinakpan nito ang kaniyang dibdib.
“You’re diabolical!” komento ni Ryx. Nginisihan lamang siya ni Stacy.
“I want to have him in three days,” sagot nito.
Napasinghap naman si Bela sa request nito.
“You don’t want money? House? Cars?” paninigurado niya.
“I have lots of them. You compensated me a lot since I worked for you,” saad nito.
Napatango naman siya at tiningnan si Ryx. Nagmamakaawa ito sa kaniya.
“Ryx? Do you want to go?” tanong niya rito. Wina-warning-an niya rin nang tingin para hindi humindi. Masakit sa ego ng babae kapag humindi ang isang lalaki. Kaya ang side niya ay nasa babae ngayon.
“H-Hin—”
“Are you sure?” tanong niya. Nakangiti nga ang labi pero nanlilisik ang kaniyang mga mata.
“S-Sure,” ani Ryx at nawalan pa yata ng lakas.
“I won’t take advantage of you, Ryx don’t worry. I just need someone to introduce to my family. Lately they’ve been nagging me to get married. I’m just twenty-nine. My breasts were on its peak and far from being saggy,” anito.
Natawa naman si Doding at Bela.
“Ang laki ng s**o,” ani Doding sa kaibigan. Tumango lamang ito at napangiwi sila pareho nang napatingin sa mga s**o nila.
“Hindi man lang nangalahati. Kapag iyan naging jowa ni, Ryx at may mangyari sa kanila malulunod ‘yan,” ani Doding na ikinatawa ni Bela.
“What time is it tomorrow?” usisa ni Stacy.
“Prazi will fetch you here. Sumama ka sa kaniya. Aantabay lang kami sa labas hanggang sa makapasok ka sa loob. Ryx prepared all the possible topics they might talk about. May mga sagot na riyan. Just don’t talk too much para hindi ka nila mapagdudahan. If they ask about you hiding for so long just smile at them,” aniya.
Tumango naman ito.
“It’s so hard pretending to be you. These transactions were too complex,” anito at napangiwi. Bela just smiled at her.
“Don’t worry, I’ll back you up. The meeting room is dark, and you’re the only woman there. Most of them were old men. And oo nga pala. I want you to remember that Stefano Monti’s face. I want it drawn after,” wika niya.
“That man is quite the catch, isn’t he? He’s been a headache ever since you took over the position. All your business transactions were sabotaged, but then in the latter, you’re the one who’s being dragged,” sambit nito.
“And I get back at him fair. Hindi naman kami aabot sa ganito kung hindi siya unang nakialam sa mga ginawa ko. We already had a peace treaty but he did not respect it,” matigas na sambit ni Bela.
“Uuwi ba tayo ngayon, Bela?” usisa ni Doding.
“Puwede mo bang tanungin si Rufos kung uuwi sila? We can’t let them suspect our moves. Baka isipin pa ng asawa ko nanlalalaki ako,” saad niya.
Tumango naman si Doding at tinawagan si Rufos. Ang sabi nito ay hindi at nasa airport pa sila naghihintay.
“Ryx, prepare mo nga ang bed,” aniya rito. Tumango naman ito. Kaagad na ginulo naman ni Doding ang buhok niya. Tumagilid siya at nag-picture. Ngumiti sa camera at isinend iyon sa asawa.
“What was that?” natatawang tanong ni Stacy.
“For my husband,” sagot niya.
“You’re married?” gulat nitong tanong.
“Yea, another problem,” aniya at huminga nang malalim.
“Leave him, simple as that,” anito.
“I can’t, kung iiwanan ko siya baka hindi na ako makapag-asawa ulit. I can’t find someone as good as him. Nag-iisa lang siya. I’d better let him leave me, than me, leaving him,” simpleng sambit niya.
Napatingin siya kay Ryx at Doding na nakangiwi. Mukhang hindi nagustuhan ang sagot niya.
“Isa pa, I’m already twenty-eight. Settling down is crucial. Nasa peak na ako,” dagdag niya pa. Napailing na lamang sila.
“What if he finds out about your job?” usisa ni Stacy.
“It depends on how he would react,” sagot niya.
“If he’ll be mad at me, I’ll explain him everything hanggang sa maintindihan niya ako. If he acts scared, lalo ko pa siyang tatakutin para hindi siya magkaroon ng lakas ng loob na iwanan ako. I’ll let him choose instead. It’s a do or die situation,” aniya pa.
“You’re crazy,” komento ni Stacy at napailing.
“See? I already told you,” ani Ryx.
“Told her what?” usisa ni Bela.
“I told her not to come here dahil bad influence kayo pareho. Hindi puwedeng tumugma ang utak niyo dahil sobrang nakakatakot,” sagot nito.
Natahimik naman silang dalawa at nag-peace sign lang kay Ryx.
“Paano na bukas?” tanong ni Doding.
“Stacy will leave at two pm. Ryx, prepare some shopping bags for me. And Ding, always notify me kung nakauwi na si Steven. Kung matatagalan ako please cover up for me,” aniya rito.
Tumango naman ito at nag-usap pa sila sa mga planong gawin.
Kinabukasan ay umalis na si Stacy at umuwi na rin si Doding. Nagbihis na rin si Bela at hinanda ang sarili. May suot siyang earpiece at may tracking device naman si Stacy. Alam niyang may metal detector bago makapasok sa meeting room kaya gumawa sila ng special device na mahirap ma-track. Nang sa ganoon ay marinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.
Dumating na rin siya sa location at kaagad na nilapitan si Prazi. Naka-cap siya at facemask. Pansin niya rin ang ibang tauhan ng mga miyembro. Naiwan sila sa labas at ilang sandali pa ay rinig niya ang usapan ng mga nasa paligid nila nang bumaba si Stacy. Hindi niya inakalang her existence was known all over at hinihintay talaga siyang dumating.
Napataas ang kaniyang kilay nang makitang halos lumuwa na naman ang dibdib ni Stacy sa sobrang baba ng suot nitong damit dahil sa neck line. She’s beautiful at kakaiba rin ang aura kaya ito ang napili niya. Mas kapani-paniwala rin dahil magaling ito sa laban.
Pumasok na ang mga ito sa loob at naiwan naman sila sa labas. Nagmamatyag siya sa padating ng iba. Hinihintay niya na dumating si Monti subalit bigo siyang makita ito dahil napalibutan ito ng mga tauhan niya at nasa gilid lang sila. Inabot din ng ilang oras ang usapan nila at kahit papaano ay okay naman ang usapan. Nakikinig lang siya at walang naging problema. Narinig niya nang maayos at okay rin ang sagutan ni Stacy.
Ilang sandali pa ay lumabas na ang mga ito. Nakangiti lang si Stacy at sumakay na sila sa sasakyan. Habang nasa biyahe nga ay napansin nila ang dalawang sasakyang bumubuntot.
“Dapa!” sigaw niya at mabilis na inagaw ang steering wheel kay Prazi para gumilid sila. Halos mabingi siya sa lakas ng pagsabog.
“Fuvk!” mura ni Stacy.
“It’s a trap,” wika ni Prazi. Umayos naman si Bela at kinasa ang kaniyang baril. Binilisan naman ni Prazi ang takbo. Sumakto pa talagang walang mga bahay. Kung mamamatay sila rito ay paniguradong walang tutulong. Buti na lang at heavily armed sila sa loob.
Kinuha niya ang granada at binalikan ang sasakyang kamuntik na ring gawin silang kuwento.
Napadapa siya nang habulin nito ang sasakyan nila at pinaulanan ng bala. Buti na lang at bullet proof ang dala nilang sasakyan maski ang gulong.
Kinuha niya ang shotgun sa gilid at binalikan ang mga ito. Sakto namang paglabas ng kalaban sa windshield para asintahin siya kaya butas ang noo nito.
“Damn!” ani Stacy at tumawa. Manghang-mangha ito sa kaniya. Napatingin si Bela sa likod at napapikit.
“s**t!” aniya at tiningnan ang dalawa.
“We lose our men,” mahinang aniya.
Naikuyom niya ang kaniyang kamao. She gritted her teeth in anger.
“They want you dead, Stacy. Lahat ng mga kasama mo sa loob ay pinagplanuhan ka ng patayin,” aniya.
“Those morons planned this dahil akala nila lalabas ako,” dagdag niya.
“You guessed it, Bela,” sambit ni Stacy.
“Kapag nalaman ito ng pamilya mo paniguradong susugod sila. You’ve been betrayed by them, Bela,” wika ni Prazi.
Natahimik lamang siya at nag-iisip nang maayos. Sumusunod pa rin ang mga ito at hindi sila tinitigilan na paputukan.
“Stop,” wika niya.
Nanlaki naman ang mata ng dalawa.
“What?”
“Bababa ako,” aniya.
“What do you mean? You’re going to kill yourself,” sabat ni Stacy at inilingan si Prazi.
“They want me dead, at hindi ko iyon ibibigay sa kanila. Now, stop the car,” seryosong sambit niya.
“I’ll go with you,” wika nito.
“No, just stay in the car,” aniya at bumaba na. Nakaharang sa daan ang sasakyan nila at ilang saglit lang ay huminto ang dalawang sasakyan. Bumaba ang mga ito at halos nasa kinse ka tao ang sakay.
She swallowed the lump in her throat. She hates betrayal the most. Hindi niya kayang traydorin nang ganoon ganoon lang tapos hindi niya mabalikan. Seryoso ang mga mukha nito at handa na siyang patayin. Bumaba ang lalaking nakasuot ng sunglasses at mukhang ito ang boss nila.
“Bawat engkuwentro talaga may pabida,” anito at nginisihan siya.
“Ano ba ang akala mo sa ganito, miss? Bulletproof ka ba ha? Sa dami namin baka isang tao lang hirap na hirap ka ng pabagsakin kami. Kahit pa isa kang suicide bomber hindi mo pa rin kami mauubos,” anito.
Tiningnan lang ito ni Bela at nginitian pagkatapos.
“Dahil nandito ka, I’ll give you the privilege to know the real Bela Rasgild,” wika niya.
Kita naman niya ang panlalaki ng mata nito.
“I-Ikaw si Rasgild?” gulat nitong tanong. Kita niya pang napaatras ang iilang tauhan ng mga ito. Bumaba naman si Prazi at Stacy saka nginitian sila.
“Hello,” malamig niyang bati at mabilis na itinapon ang tear gas. Kaagad na nagkagulo naman sila. Bago pa nga makapagputok ang mga ito ay mabilis na sumugod na siya at inunahan. Akmang tatakbo pa ang isa nang mabilis na hawakan niya ang damit nito at nang lumingon ay bumaon na ang bala sa noo ng lalaki. Nakanganga at umuusok pa ang noo at ang dulo ng kaniyang baril. Nang huminahon na ang tear gas ay nakakabinging katahimikan ang pumalit. Tinanggal niya ang suot na mask at tanging ang lider nito kanina ang natira.
Takot na takot at nakaupo sa kalsada. Tinanggal niya ang suot na mask at nginitian ito.
“Kumusta ka?” she asked.
“Hindi ako nagsalita kanina para naman sa ‘yo ang momento. Hindi kita puwedeng sabatan dahil last mo na ‘yon. Ayaw kong maging bida-bida,” mahinahon niyang wika at kinasa ang kaniyang baril.
“I-Ikaw nga, t-tama nga ang boss ko. Ikaw ang anak ni, Infernu,” anito. Nanlalaki ang mga mata nito. Napangiti naman siya.
“Too bad, hindi na niya malalaman na ako talaga ang tunay na Bela Rasgild. Sayang no?” sagot niya at napaupo sa gilid nito.
“May yosi ka?” tanong niya rito.
Tumango naman ito at nanginginig ang kamay na ibinigay sa kaniya. Inilagay iyon ni Bela sa kaniyang bibig at sinenyasan ito.
“Sindihan mo nga,” utos niya rito. Napalunok naman ang lalaki at sinindihan ang kaniyang sigarilyo. Binugahan naman niya ito pagkatapos at napangiti.
“Thanks,” aniya.
Nakatingin lang si Prazi at Stacy sa kaniya.
“May kuwento ako sa ‘yo, kapag na gets mo, siyempre buhay ka. Pero kung hindi, alam mo na,” wika niya.
“Oo, oo makikinig ako,” tarantang sambit ng lalaki.
Ngumiti naman si Bela at bumuga ulit.
“May batang babae, thirteen years old pa lang siya marami ng death threats sa kaniya. Kaya naman naisipan ng magulang niya na itago siya. Ginawa lahat ng paraan para hindi siya madamay sa gulo ng underground. Kaso marami ang nagpupumilit lalo na nu’ng nag-eighteen siya. Alam mo kung bakit? Dahil successful ang mga business transactions niya. Eh sa sobrang triggered ang mga kalaban ng papa niya kaya hina-hunting siya. Kaso nakalimutan nilang may lahing demonyita iyong babae. Kaya naman binalikan niya. Boom! Sabog,” aniya at nginitian ang lalaki.
Ngumiti rin ito nang alanganin.
“Hala! Hindi ka masaya? Lakihan mo ang ngiti mo. Lagyan mo ng tunog ang tawa mo sige na,” aniya rito.
Parang tangang sumunod naman ito. Tinapik naman ni Bela ang balikat niya at nginitian nang malapad.
“Ano sa tingin mo ang sumunod na nangyari?” tanong niya.
“N-Namatay silang lahat?” anito.
“Hmm, medyo tama pero hindi pa. Natuto ang babaeng iyon na mamuhay nang tahimik na akala mo walang problema. Dahil wise siya. Ginamit niya ang utak niya para maisahan ang kalaban. May front siyang ipapadala para sa mga transaksiyon. Kapag nagkagipitan saka siya lalabas at siya mismo ang tumatapos ng buhay ng mga kalaban niya,” aniya.
Napatingin siya sa gilid nang may buhay pa. Mabilis na binaril niya iyon sa ulo kaya napapiksi ang lalaki sa gilid niya. Nahihiyang napangiti naman si Bela.
“Sorry ha, hindi ko napatay nang maayos,” aniya at humithit ulit ng sigarilyo.
Lalo lamang nataranta ang lalaki sa tabi niya. kung pumatay siya ay para bang wala lang.
“Hulaan mo ang sumunod,” aniya rito.
“N-Namatay sila?” anito.
Natigilan naman si Bela.
“Ikaw naman, masiyado kang brutal. Hindi siya ganoon kasama. Pero oo nang medyo. Pagkatapos nu’n pinapapili niya ang mga taong walang masiyadong atraso sa kaniya pero alam niyang ilalaglag siya. Alam niyang tatraydurin lang siya. Guess what kung anong choices iyon?” tanong niya rito.
“Ayaw niya kasi na may nakakakilala sa kaniya. Magugulo ang balanse nang mundo kapag nalaman nila ang totoong itsura niya,” aniya.
Nanginginig na sa takot ang lalaki.
“P-Pinatay mo sila?” tanong nito.
Ngumiti naman si Bela.
“Tama! Pero hindi iyan choices kung isa lang. Siyempre dalawa. At ikaw ay gusto kong mamili ngayon,” aniya at napapalakpak pa.
“Gusto mo na bang malaman?” tanong niya rito. Alanganin itong umiling kaso kinasa na niya ang kaniyang baril. Nakangiti ito kaya lalo pang natakot ang lalaki.
“Una, babarilin ko sa ulo siyempre patay iyon. Pangalawa, pinatatanggal ko ang sarili nilang mata kung gusto pa nilang mabuhay. Ano? Pili ka na,” aniya rito.
Umiiyak naman ito at akmang magmamakaawa nang natigilan. Makadikit ang kilay ni Bela at natawa sa kaniya.
“Bakit naman ganiyan ang bebe uy? Kanina nakalimutan mo na bang sobrang pabida ka? Para ka ngang si Ace Vergel kung umasta eh. Ay hindi pala. Iyong si Lito Lapid, naalala mo iyong movie niya na Julio Valiente? May kanta pa nga iyon eh. Julio Valiente makisig, matapang na na na na ganoon. Sige na, bibigyan na kita ng pagkakataong mamili,” aniya rito.
“Patayin mo na lang ako, ganoon pa rin naman. Kung wala na akong mata papatayin lang din ako ng amo ko,” anito at umiyak na.
“Sino muna ang amo mo?” tanong niya rito.
“Patayin mo na lang ako,” anito.
“Okay, madali lang akong kausap,” aniya at itinuon na ang baril sa ulo niya nang sumigaw ito.
“Huwag,” umiiyak itong wika.
“May anak ako eh, kapapanganak lang ng asawa ko,” sambit nito.
“Eh sabi mo patayin eh,” aniya rito.
“S-Si Thery Eugenio, siya ang nag-utos sa ‘kin,” sambit nito.
“Thery Eugenio? Who’s that maamoy ang p***y na ‘yan?” tanong ni Stacy.
“Baka may picture ka?” ani Bela.
Nanginginig ang kamay na kinuha naman nito ang kaniyang cellphone at ipinakita sa kaniya. Natigilan siya nang makita ang wallpaper nito.
“Tang-ina naman iyan, mahiya ka naman,” aniya at napangiwi. Nandiri tuloy siya. Sino ba naman ang may maayos na utak nang makita ang wallpaper nitong babaeng nakabukaka at nakahawak sa p**e niya. Habang ang isang kamay ay nakahawak sa bibig nitong nakanganga.
Nag-swipe pa ang lalaki at ipinakita sa kaniya ang mukha ng babae. Natigilan siya at walang pasabing binaril ang ulo ntio. Nagulat naman si Prazi at Stacy.
“What the hell?” ani Stacy.
“Oh, sorry, nabigla lang ako. Gumalaw ang daliri ko,” saad niya at natawa nang pagak. Kaya pala parang kung sino ito kung umasta. Naiintindihan niya na.
“Kailangan kong mag-doble ingat ngayon,” aniya.
“Ano’ng meron?” usisa ni Prazi.
“Iyong babaeng kakilala ni, Steven ang siyang nag-utos sa kanila na patayin ako. Babaeng konektado sa underground,” matabang niyang wika at tumayo na. Nagtinginan naman si Stacy at Prazi.