Chapter 18

2146 Words
“My gosh! So, your husband?” Napatigil naman si Bela. “No, hindi muna ako magja-jump into conclusions. He seemed questionable pero hindi naman masiyado. Kailangan ko lang maging mapagmatyag,” aniya. Tumango naman sila. Kita sa mga mukha nito na nag-aalala sa kaniya. “Ano na ang gagawin natin sa babae? Tapon natin sa dumpster?” tanong ni Prazi. “No, I’ll let her enjoy first. Text her, sabihin mo the job is done. Kuhanan mo ng picture iyang isang kasama niya. Gawin mong babae,” aniya rito at pagod na pumasok sa loob ng sasakyan. Sumunod naman si Stacy at nginitian siya. “Gusto mo ng massage?” tanong nito. Ang mukha nito ay nakangiti at para bang tuwang-tuwa sa kaniya. Ayaw niya sa ngiti nito at naiirita siya. “What?” inis niyang tanong dito. “You’re my new crush now. You look so fierce and scary,” anito. Kinuha naman niya ang baril niya at kinasa iyon. Mabilis na lumayo naman si Stacy at nginitian siya. “Just joking,” anito. Napairap naman siya at pumikit. Umalis na rin sila. Natulog lang siya sa condo pagkatapos niyang maligo. Wala siyang pakialam kung gabihin siya ngayon dahil pagod siya at gulong-gulo ang kaniyang utak. Pagising niya ay kahit papano ay refreshed na ang kaniyang pakiramdam. Napatingin siya sa oras at alas-nuwebe na ng gabi. Bumangon na siya at walang pasabing umalis. Sumakay na lang siya ng taxi at nang dumating ay napakunot-noo siya nang makitang patay ang ilaw sa itaas. Hindi pa yata nakauwi ang asawa niya. Umakyat na siya papunta sa kuwarto niya nang matigilan siya. Maingat na binuksan niya ang pinto nang may kamay na kamuntik na tumama sa kaniyang mukha kaya mabilis na hinila niya iyon at sinipa ang likod nito saka hinila pabalik sa kaniya at siniko sa tiyan. Napaungol naman ito sa sakit. Kaagad na bumukas ang ilaw at nanlalaki ang mata ni Rufos at Doding habang hawak-hawak ang cake at party popper. Napatingin siya sa sahig at nakita si Steven na umuungol sa sakit habang hawak-hawak niya pa rin ang braso nito. “My god!” aniya at mabilis na inalalayan ito. “I’m sorry, I’m sorry. Akala ko magnanakaw,” aniya at niyakap ito. “It’s fine,” ani Steven at natawa na lamang sa kaniya. Kitang-kita niya ang naiiyak na hitsura ni Bela kaya sinigurado niyang okay lang talaga. “Ba’t naman kasi patay ang ilaw?” reklamo nito at napasimangot. “Para sana surprise talaga girl,” ani Doding at napailing. “Sorry guys,” aniya. “Galing mong mag-self-defense ha,” ani Rufos. “Black belter ako sa taekwando at judo,” aniya. “Wow!” ani Rufos. “Mahilig ka pala sa karate?” tanong ng asawa niya. “Oo, babae ako at madaling mabastos kaya nag-enroll ako. Muay thai naman sa susunod ‘pag may oras,” aniya. Manghang-mangha naman ang asawa niya. “Tara na sa baba, kain na tayo,” wika nito. Tumango naman si Bela. “Bihis lang ako,” aniya rito. Hinalikan nito ang kaniyang noo at lumabas na. Sinigurado muna ni Bela na nakababa na ang kaniyang asawa saka binuksan ang mga pinagtaguan niya ng mga armas. Nakahinga naman siya nang maluwag. Mukhang hindi iyon nalaman ng asawa. Nagbihis na siya at inayos ang kaniyang sarili. Bumaba na siya at napangiti nang makita ang asawa niyang naghihintay sa kaniya sa baba. Sa klase ng tingin at kilos nito parang wala namang kakaiba. Inakbayan na siya nito papunta sa kusina at nagsimula na silang kumain. “This is our fourth month together as a married couple,” wika nito. Bilang na bilang talaga. “I just want to thank you and to let you know that I love you, my Bela,” wika nito. Napangiti naman si Bela at nagpasalamat dito. Nagulat pa siya nang tumayo ang asawa niya at ipinasuot sa kaniya ang napakagandang diamond necklace. Minimalist ang design na moon at nagandahan siya roon. “Wow! So thoughtful of you. Thank you,” aniya rito. “You deserve the best,” sagot nito at hinalikan siya sa labi. Napangiti naman ang dalawang matanda sa kanila. ------------------------------------- After their love making session ay tumayo na si Steven at kumuha ng gin saka nagsigarilyo sa terasa. Ibinuka naman ni Bela ang kaniyang mata at tiningnan ang asawa. Malayo ang tingin nito at mukhang malalim ang iniisip. Bumangon siya at isinuot ang manipis na roba saka nilapitan ito. “What are you thinking?” she asked him. “Nothing,” sagot nito at nginitian siya. Inabot ni Bela ang labi nito at hinalikan. Kaagad na sinagot naman iyon ni Steven at mabilis na pinasandal siya sa pader at bumaba ang halik nito sa kaniyang leeg hanggang sa kaniyang dibdib. Napakapit siya sa ulo nito at napapikit nang maramdamn ang p*********i nitong pumasok sa kaniya. “Ahhh!” Hawak nito ang hita niya at nakabaon ang mukha sa kaniyang leeg habang patuloy sa mabilis na pag-ulos. “f**k!” anito. Nag-abot na naman ang kanilang labi at basta na lang siyang dinala nito sa kama at pinatalikod. Napahawak siya sa bedsheet at nagsimulang maglabas-masok na naman ang asawa niya. He thrust fast and hard. Narating na naman nila ang kaluwalhatian. Halos ayaw na naman siyang tigilan ng asawa niya. She loves it a lot. Kinabukasan ay nagising siya at wala na sa tabi ang asawa. Kinuha niya ang roba at pumunta sa terasa. Kumunot ang kaniyang noo nang makita ang asawang may kausap sa unahan. Mukhang seryoso iyon. Mabilis na nagtago siya sa gilid nang lumingon ito. Nabuhay naman ang pagkabahala niya. What if Steven is connected to the crimes underground? Paano na? Pumasok siya sa loob ng banyo at tiningnan ang sarili roon. Napangiti siya nang makita ang mga kiss mark. Hinawakan niya iyon habang nakatitig lang sa salamin nang mapansin ang maliit na button sa itaas nu’n. Napakunot noo siya at pinindot iyon. Sa gulat niya ay napaatras siya. Puno iyon ng iba’t ibang armas. Mga dekalidad at iyong iba ay hindi pa niya alam kung saan galing. Mabilis na ni-lock niya ang pinto at sobrang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. “Who are you Steven?” aniya at naikuyom ang kaniyang kamao. “Kung padala ka man ng sino mang Ponscio Pilatong iyan lalaruin kita,” aniya at isinara na iyon. Inayos niya ang kaniyang sarili at lumabas na ng banyo. Siya namang pagpasok ng asawa niya. “You’re awake,” sambit nito. Tumango naman si Bela at nginitian siya. “Kumain ka na ba?’ usisa niya rito. “Nope, sabay na tayo,” sagot nito. Tumango naman si Bela. Kapag umalis ito ay hahalughugin niya ang kuwarto ng asawa. Paniguradong may tinatago ito. “What?” nakangiting tanong ng kaniyang asawa. Nakangiti ito at tila nahihiwagaan sa kaniya. “You look so handsome, Steven. Ngayon ko lang napagtanto na napakaguwapo mo pala. You’re almost perfect,” aniya. Natuwa naman ang asawa niya sa kaniyang sinabi. “How about I introduce you to my family this Sunday?” tanong niya rito. Natigilan naman ito at kita niya ang pagkislap ng mata nito. Right there, alam niyang wala itong alam sa kaniya. Kita niya ang sinseridad sa mga mata nito. Alam niya kung nagpapanggap ang isang tao o nagsisinungaling. But this man, she knows he isn’t pretending. Hinawakan nito ang kaniyang kamay kaya lalo lamang siya nalito. Talaga bang mahal na niya ito? Nahulog na ba siya rito? “Don’t worry, my love. Kung hindi nila ako matanggap, I’ll d—” “No, whether they like you or not it doesn’t matter. Wala silang magagawa kung sino man ang pinili kong pakasalan,” aniya rito. Hinawakan naman ng asawa niya ang kaniyang mukha. “No, they’re your parents. And it matters to me. Ayaw kong makagawa ng hidwaan sa inyo dahil lang sa akin. I’m your husband, at hindi ako ang magiging dahilan para lalong bumibigat ang dalahin mo. I’ll make it easier for you,” seryosong wika nito. Iniwas naman ni Bela ang kaniyang tingin at para bang maiiyak na siya anytime. Ang daming tumatakbo sa isipan niya. Hindi siya madaling paiyakin. Pero sa isip pa lang niya nawewerla na ang kaniyang utak. Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone nito. “Yes?” sagot ni Steven. “What? Okay, I’m coming,” saad nito at nagmamadaling tumayo. “Where are you going?” tanong ni Bela rito. “Apollo got into an accident,” sagot nito. “Puntahan mo na kaagad,” aniya rito. Tumango naman ito. Mabilis ang kilos nito na sumakay sa kotse niya at pinasibad iyon. Dumeritso siya sa hospital kung saan ito naka-confine at pagdating niya ay nakataas ang kaliwang paa. Mukhang nabalian yata. “What happened to you?” tanong niya rito. “The hell!” ani Apollo. “Those traitors!” anito. “What do you mean?” “I saw that Rasgild. As expected, she’s beautiful and sexy,” kuwento nito. “And?” “And she doesn’t look Italian to me. Much more like a Russian woman. Isa pa kakaiba ang tono ng boses niya. That accent is really something,” saad nito. “What are you implying?” “Nagtataka lang ako dahil nu’ng nagkagulo sa labas. I mean, alam ko naman na marumi talaga maglaro ang mga hayop na iyon. I tried following that woman. Tapos nu’ng nasa unahan na nagkagulo sila, sakto ring nasira ang gulong kaya dumeritso ako sa puno. Nagtago ako sa gilid and I manage to capture this. Kinuha naman ni Steven ang cellphone ng kaibigan at kunot ang noong napatingin doon. Pamilyar ang nasa imahe. “Yea, that’s your wife. Hindi ko na nakuhanan ng video dahil lowbat ang cellphone. See that? Ibang-iba sa asawa mong mahinhin. That woman is a badass. Pinatay niya iyan habang humihithit ng sigarilyo na parang wala lang. Sanay na sanay, at kasama niya ang tagapagmana ng mga Rasgild. What do you think, Steven?” sambit nito. Natigilan naman siya at napahigpit ang hawak sa cellphone. “Kaya pala ramdam ko na may kakaiba sa kaniya,” aniya. “So, you’re doubting her identity?” tanong nito. Tumango naman siya. “Binalewala ko lang dahil iba naman ang pagkikita namin eh. We don’t know each other,” saad niya. “Boy, ito pa. Hindi ba hindi iyan nagpapakita sa publiko? Kagaya mo ako ang pinadala mo sa meeting na iyon. So, hindi imposible na pinadala niya lang din ang babaeng malaki ang s**o,” sambit nito. Nagtinginan naman silang dalawa. “f**k!” ani Apollo. “Nagtataguan kayo tapos magkasama lang pala kayo all the time,” dagdag nito. Napaisip naman si Steven. “There’s one way to find out,” aniya. “Paano?” “Our marriage contract, hindi ko nakita iyon nu’ng ipinadala sa bahay. I used my real identity there dahil mahirap pumeke ng documents sa lugar na iyon. Kulang sa machine,” aniya. “Pag-uwi mo tingnan mo agad at baka maunahan ka pa. Boy, kawawa ka naman,” sambit nito. “Judging by our situation mas kawawa ka,” sagot niya rito. Napaikot naman nito ang kaniyang mata. “Stefano Monti, hinahanap ang nag-iisang Bela Rasgild tapos asawa niya pala,” natatawang wika ni Apollo. Para itong kinikiliti kaya nu’ng nabilaukan ay hindi niya tinulungan. “Belinda Ramos pala ha. T’saka ikaw magtatago na nga lang sa ibang pakakakilanlan Steven Busilak pa. Nahiya ka pa, Sana Seagal na lang ang dinala mo para naman action star na action star ang dating,” sambit nito. “Shut up!” aniya at napaupo sa gilid. Nakatingin lang siya sa picture at saka lang naintindihan ang lahat. “That explains why she’s so good in combat. May mga pahapyaw rin siya sa ‘kin. I believe she didn’t know about me. You know why? Because none of us bothered to further the investigation. I was so lost, kaya hindi ko na pinalaliman pa ang imbestigasyon sa kaniya. She wanted me to meet her family this Sunday. Para bang sinasabi niyang pumunta ako sa bahay nila para balatan nang buhay ng pamilya niya. I even warned her about that Hades Rasgild. Kapatid niya pala ‘yon,” aniya at natawa nang pagak. “Good thing no one really knows what’s your appearance,” saad nito. “I need to go,” nagmamadaling aniya at umalis. Pinaharurot niya ang kaniyang sasakyan at nagmaneho pauwi sa kanila. Pagdating niya ay tahimik ang bahay. Dumeritso siya sa kwarto ni Rufos at hinalungkat ang mga gamit nito. Nakita niya ang kulay brown na envelope at mabilis na binuksan iyon. Umupo siya sa kama at para siyang binuhusan nang malamig na tubig nang makita ang pangalan ng asawa niya. “Bela Kanoa Moran Rasgild,” basa niya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o magagalit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD