Nakatitig lamang si Bela sa papel at makailang beses na huminga nang malalim.
“Stefano Nathaniel Aguirre Monti. What the hell!” aniya.
Pakiramdam niya ay sinampal siya nang sobrang lakas.
Hawak-hawak niya ang papel na lumabas sa kuwarto ni Doding. Sakto namang siya ring paglabas ni Stefano. Kaagad na nag-abot ang kanilang paningin at kapwa nakatingin sa kani-kanilang hawak.
“s**t!” ani Bela at mabilis na tumakbo paakyat.
“Bela!” tawag sa kaniya ng asawa niya.
Kaagad na naghabulan sila. Mabilis niyang ini-lock ang pinto at kinuha ang baril na nasa ilalim ng kama. Bumukas naman ang pinto kaya mabilis na nagpaputok siya.
Nakailag naman si Stefano subalit kamuntik na siyang mapuruhan.
“Bela, we need to talk,” anito.
“Talk about what? How you lured me in?” sagot nito.
“What the f**k are you talking about? I didn’t know anything,” sagot nito.
“Don’t push me to my limits. Stop it, we can talk this in peace,” saad nito.
“Peace your ass! Ilang beses mo na akong pinapatay peace pa rin? Bobo ka,” aniya at tumakbo nang mabilis saka dumapa at inasinta ang asawa. Mabilis naman ang kilos ni Stefano na tumalon papunta sa couch at nagtago.
Nagpang-abot silang dalawa at parehong nakatutok ang kani-kanilang baril sa isa’t isa.
“I should have known,” ani Bela.
Nginitian naman siya ni Stefano.
“Ikaw ‘tong unang lumapit sa ‘kin, nakalimutan mo na?” anito.
Tinitigan lamang siya ni Bela at nginitian pabalik.
“Because I thought you’re just a dumb piece of s**t that I can easily manipulate,” sagot niya rito.
Kita naman niyang parang nasaktan ito sa sinabi niya.
“I don’t want to do this, maybe we can still fix this,” ani Stefano.
“Fix what? There’s nothing to fix here, Stefano Monti. Tapos na ngayon din kung ano man ang meron tayo,” matigas niyang wika.
Umiling naman ito.
“You wish,” anito at mabilis na hinila siya. Kaagad na tumilapon naman ang hawak niyang baril. Mabilis na sinipa niya rin ang kamay nito. Pareho na silang walang hawak na baril. Stefano held her waist and pulled her closer to him. Ayaw niyang saktan ito.
Nagpupumiglas naman si Bela at malakas na siniko ang tagiliran nito at napaungol ito sa sakit. Tinakbo niya ang baril niya at kinasa iyon saka itinuon sa asawa. Natigilan naman si Stefano.
“You really made up your mind to kill me?” tanong nito.
Napalunok naman si Bela. Ayaw niya ring saktan ito pero kahit ano pa ang sabihin nila. Hindi puwede. Magkaaway sila.
“Sa tingin mo ba talaga hindi kita kayang barilin? We’ve been together for just a couple of months, Monti. Kung ano man ang meron tayo, hanggang s*x lang iyon,” matigas niyang sambit.
Natawa naman si Stefano.
“And you like it. Is that how you repay your enemy?” sambit nito.
Hindi umalis ang mata niya rito. Kinuha niya ang isa pang baril at inabot iyon.
“Stay there, kung ayaw mong barilin kita,” wika niya.
“Barilin mo na ako kaagad,” saad nito.
Napalunok naman si Bela.
“Stay there!” sigaw niya nang kamang lalapit ito.
Nang hindi ito nakinig ay pinaputok niya ang baril at tinamaan ito sa paa. Napaungol naman ito sa sakit. She looked at him.
“Don’t test my limits too. Hindi kita papatayin dahil kahit papaano ay malaki ang naitulong mo sa ‘kin. I’ve already paid you in bed siguro naman sapat na ‘yon. From now on, kalimutan na natin ang isa’t isa. I don’t want to see your face again. And if it happens na magkita ulit tayo, hinding-hindi ako mag-aatubiling patayin ka na,” seryosong wika niya at inubos pa ang laman ng bala na ipinutok sa bandang paa niya. Sinadya niyang hindi iyon tamaan. It was her warning.
Nagmamadaling lumabas naman siya at umalis. Naiwan naman si Stefano na nakaupo at nakatingin sa paa niyang dumudugo.
“Bela, Bela, Bela,” aniya at nasuntok ang sahig.
“You started this, don’t blame me,” galit niyang sambit.
“Hey, lady! What happened to you? Ba’t nakapaa ka lang? You’re sweaty too,” wika ng kuya niyang si Gideon.
Bigla ay parang naging jelly ace ang kaniyang paa. Kaagad siyang dinaluhan ng kuya niya at dinala sa loob ng bahay nila.
“What happened?” nag-aalalang tanong nito.
“I’m fine,” aniya at uminom ng tubig.
Kaagad na nilapitan naman siya ng mommy at daddy niya. Nag-aalala ang mga ito.
Chineck pa siya at wala namang problema.
“Bela! Ano ba ang nangyari sa ‘yo?” tanong ng ina niya.
Hindi naman siya agad nakapagsalita. Napahilamos siya sa kaniyang mukha.
“I don’t know how to explain this,” aniya.
“Okay, take it slow,” wika ng ama niyang si Infernu.
“You remember that Stefano Monti?” tanong niya sa mga ito.
“Who wouldn’t? He’s your mortal enemy, right? Nagkita na kayo?” tanong ng kaniyang kuya.
Tumango naman siya.
“And? Natakot ka sa kaniya?” tanong ng kaniyang ina. Umiling naman siya rito.
Huminga siya nang malalim at kinuha ang papel sa kaniyang bulsa. Tinanggap naman iyon ng ina niya at nanlaki ang mata.
“What?”
Tiningnan din iyon ng ama niya at kuya.
“Damn!”
Hindi naman nagsalita ang kaniyang ama.
“H-How?” takang tanong ni Sarissa.
“Remember when I went to that province? I saw him there. Du’n kami nagkakilala. Hindi ko naman alam na pareho pala kaming nagtatago sa alias. I don’t know. Hindi ko rin alam kung ba’t to nangyayari. Sumasakit ang ulo ko. Ang laki ng mundo. Ang daming lalaki bakit pa sa lalaking iyan? That man almost killed me,” galit niyang wika.
“And you almost killed him too, remember?” sabat ni Hades na kararating lang.
Napalingon naman siya rito.
“You knew him?” tanong ni Bela.
“Kagabi lang din. Hindi ko pinalampas na kilalanin ang asawa mo. He seemed dangerous kaya mas minabuti ko ng pangunahan ka. But, you found it out agad. Four months of being married at hiwawlaay na agad,” saad nito.
“How can I even undo this? It was registered already,” reklamo niya.
“Sakit nga sa ulo ‘yan,” wika ng isa pa niyang kapatid.
Napahinga siya nang malalim at napatingin sa kaniyang cellphone nang tumunog iyon. Tumatawag si Stefano. Kaagad niyang pinatay iyon. Bin-locked at itinapon pa ang kaniyang cellphone. Wala namang naka-react.
“Maybe that’s another way of making peace with them,” saad ng kaniyang ama.
“Nu-uh, that’s impossible. That’s war lalo na mga Monti. Pareho lang kayong nagmamatigas noon eh. Parehong away ang hanap. Nayon, pinagtagpo kayo ng tadhana at naging mag-asawa pa. Kapag nalaman ito ng ibang pamilya paniguradong gulo ‘to,” sambit ng Kuya Gideon niya. Alam niya iyon dahil iisipin ng mga kaalyado nila na tinraydor sila.
Hindi niya alam kung paano ito lulusutan.
“I’ll talk to him soon, sisiguradohin kong maa-annul ang kasal namin,” aniya at tila nawawalan na ng lakas. Sino ba kasing mag-aakala na ito pa ang Stefano na kinamumuhian niya.
Tumayo na siya nang pigilan siya ng kaniyang ina.
“Where are you going?” tanong nito.
“Uuwi na,” sagot niya.
“Sa bahay niyo?”
“Of course not! Para na rin akong nag-suicide kung uuwi ako roon. Babalik na ako sa condo ko,” sambit niya.
Tumango naman ang mga ito.
“Take care,” wika ng ina. Tumango naman siya.
Habang nagmamaneho ay malalim ang kaniyang iniisip. Para bang may kung anong lumalakumos sa dibdib niya at hirap siyang huminga. Gumilid na muna siya at napapikit. Naiisip niya ang asawa niya. Bigla ay parang nanikip ang kaniyang dibdib.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone subalit naalala niyang itinapon niya pala ‘yon.
“Dumb,” aniya sa sarili.
“Ano ba ‘tong nangyayari sa ‘kin? Para akong kumuha ng bato para ipukpok sa sarili ko.”
Huminga siya nang malalim at naalala ang sugat sa paa nito dahil sa pagbaril niya kanina. Napangunahan siya ng galit niya kanina. Kaagad na nakaramdam siya ng konsensiya sa ginawa.
Mabilis na umikot siya at nagmaneho papunta sa bahay ng asawa. Kinuha niya ang baril at inilagay sa kaniyang likod. Nakatingin siya roon at mukhang walang tao. Pumuslit siya roon at hindi niya rin makita si Doding.
Pagkapasok pa lang niya ay para na siyang sinasakal sa sakit. Hindi niya maintindihan ang sarili.
“Am I really in love with him?” aniya.
Umakyat siya sa taas at mukhang umalis nga ang asawa niya. Walang ilaw kaya dumeritso siya sa kuwarto. Lumapit siya sa switch ng ilaw at binuksan iyon. Napatigagal siya nang makita ang asawa niyang nakaupo lang at tila kanina pa nanonood sa kaniya.
“Miss me?” tanong nito. May benda ang paa nito.
“What are you doing here?” tanong niya rito. Natawa naman ito.
“This is my house, saan ba dapat ako pumunta? Should you be the one to ask that yourself? What are you doing here in my house? You left already, right?” wika nito.
Matigas ang boses. Hindi galit pero alam niyang walang amor.
Napalunok naman siya.
“T-Tungkol sa kasal natin,” umpisa niya.
Tumikwas naman ang kilay nito.
“I want an annulment. Lahat ng ‘to mali ang umpisa. Kailangang tapusin. I know, I dragged you into this, kaya sana tapusin na lang natin nang maayos,” aniya.
“Maayos? Really? Marunong ka bang mag-ayos? Is this how you try to fix it? By trying to kill me?” sambit nito.
Hindi naman makapagsalita si Bela. Hindi niya mahanap ang dapat na sabihin dito. Kita niya ang pagkamuhi sa mga mata nito.
“Nu’ng una, I tried to understand you. I tried to talk to you pero sure ka ng patayin ako whatever it takes. Kinalimutan mo nang basta-basta ang pagsasama natin dahil lang sa organisasyon. We both don’t know about it. Sana man lang kinonsider mo iyong sitwasyon. You should have listened para naman sana napag-usapan natin nang maayos. You shouldn’t have resorted to violence. And now you’re back, hindi ka na ba makapaghintay na patayin ako, huh?” galit nitong sambit at kinuha ang baril sa gilid saka ikinasa iyon at tinapon sa kaniya.
“There... kill me,” asik nito.
Tiningnan lamang siya ni Bela. Gusto niyang magpaliwanag pero hindi naman niya alam kung paano. Wala siyang mahanap na salitang dapat na sabihin dito.
“What could be the best solution for this? Hindi ka naman bobo para hindi malaman kung ano ang kahahantungan ng relasiyong ‘to kung hindi natin puputulin,” seryosong sambit niya.
“Don’t reason out. That’s stupidity, Bela. So what? Ano pa ang silbi ng paiging mafia don ko kung magpapadikta lang naman pala ako sa ibang tao? What’s the use of my wealth and power kung hahayaan ko lang na ang opinion ng iba ang sisira sa ‘kin. Maybe I am wrong. Ang taas ng tingin ko sa ‘yo dahil nakikita kong you stand firm with what you believe. I know you’re selfish, but I saw that selfishness as your way of protecting yourself. Pero mali ako,” wika nito.
Natawa naman nang pagak si Bela sa narinig.
“End this,” tipid niyang sambit at tinitigan ito nang mariin.
“Kung alam ko lang na ikaw si Stefano Monti, sa tingin mo papatulan kita? Hahabulin kita hanggang kay kamatayan kung kinakailangan. You killed lots of my men, tago ako nang tago dahil sa kahayupan mo. We made a treaty pero hindi mo sinunod. Instead of paving the way for our organization to push through with it. Lalo mo lang pinalala. You sabotaged all my business transactions and even hired assassin’s countless times to stop me. Is that how you handle your enemy? Kaya galit na galit ako sa mga bobo dahil ang hirap niyong paintindihan. Ang tataas ng tinin niyo sa sarili niyo. Kung tinuturing niyong basura iyang mga tauhan mo, ako hindi. May buhay sila, nagsisilbi sa ‘kin nang maayos at alam ko kung bakit sila nagtatrabaho para sa ‘kin kaya masakit sa 'kin na mawalan ng tauhan nang walang kalaban-laban. You remember how you bomb my men when they were doing transactions with Mr. Alberto? Wala kayong karapatang manghimasok du’n dahil naproklama na ang peace treaty sa lahat ng organisasyon. it was sealed and known to all pero hindi niyo nirespito,” galit niyang wika.
Kita naman niyang tila naguguluhan ito.
“What are you talking about?”
“Nagtataka ka kung bakit sinasabotahe ko pabalik lahat ng transactions niyo? Dahil iyon sa ginawa niyo sa ‘kin. Binabalik ko lang lahat,” dagdag niya pa.
“What the hell are you talking about?” galit nitong tanong sa kaniya.
“Acting like you didn’t know? f**k you! f**k you,” gigil niyang sambit at umalis na.
Pabagsak na isinara niya ang pinto ng kaniyang sasakyan at pinasibad na iyon. Huminga siya nang malalim at kamuntik pang madisgrasya dahil sa malakas na pagpapatakbo ng motor sa gilid niya.
Bumalik na siya sa condo at nakita si Ryx at Doding. Mukhang alam na nila ang nangyari.
“I messed up big time,” aniya at huminga nang malalim.
“Tumawag kanina si Steven, hinahanap ka,” anito.
“Stefano, not Steven,” aniya.
Bumusangot naman si Doding. Ang gulo na ng sitwasiyon nila.
“Kinumusta ka niya kanina,” mahinang sambit nito.
“Don’t mind him. Nag-usap na kami kanina,” sambit niya.
“And?”
“And what?” aniya rito at kinunutan ng noo.
“Hindi na kayo magiging okay? Hiwalay na ba kayo?” tanong ni Doding. Parang maiiyak pa ito.
“That’s what life is Ding,” aniya at tumayo na.
“Pagod ako, gusto ko ng matulog,” wika niya at pumasok na sa kuwarto niya.
Humiga lang siya roon habang nakatitig sa kisame. Ang daming tumatakbo sa isipan niya na sumasakit lang lalo ang kaniyang ulo. Kung sana lang magkaiba sila ng mundong ginagalawan. Parang mas gugustuhin na lang niya na normal na tao lang ito kaysa kagaya niya.
“Sana paggising ko bukas okay na ulit ako. Ako na ulit ang Belang walang pakialam,” aniya at huminga nang malalim. Kinuha niya ang sleeping pills niya at ininom iyon. Kailangang-kailangan niya ang gamot na ’yon ngayon.
Kinabukasan ay halos hapon na siya nagising. Nag-aalalang mukha ni Ryx at Doding ang sumalubong sa kaniya.
“Bakit?” tanong niya sa mga ito.
“Akala namin nag-suicide ka na,” ani Doding.
Natawa naman siya.
“Come on, anong kabobohan ba ‘yan?” aniya at dumeritso sa kusina para kumain.
“May gathering mamaya sa isang property ni Don Alvez. Doon gaganapin ang auction ng mga diamond collectibles na pagmamay-ari ng mga 80’s don,” saad ni Ryx.
“Okay, pupunta ako,” sagot niya.
“Prazi wants to see you too, marami pa ang hindi nakapagbayad sa mga loans nila. Mukhang kinalimutan na,” wika nito.
Natigil naman sa pagnguya si Bela at tumango lang. Nagtinginan naman si Doding at Ryx saka hindi na nagtanong pa o ano. Pagkatapos niyang kumain ay nagbihis na siya at umalis papunta sa mansion. Hindi siya nakatira roon at sobrang nalalakihan siya. But she might consider living now, para mas malaya siyang gawin lahat ng gusto niya. Just like before.
Pagdating niya ay kaagad na inasikaso siya ni Prazi. Umupo lamang siya sa opisina niya at tiningnan ang account book.
“Marami na yatang na-amnesia ah,” aniya at binuklat pa ang ilang pahina.
“Pay them a visit, kung may rason dalhin mo rito,” kalmadong wika niya. Tumango naman ito.
Pansin niyang malaki ang ibinaba ng pera nila simula nu’ng nawala siya nang ilang buwan. Sa tingin nga niya ay bumaba rin ang tiwala sa kaniya ng ibang mga kasosyo niya. All goods naman ang kaniyang casino. Hirap din silang magpalusot ngayon ng drug cartels dahil masiyadong mahigpit ang gobyerno. Idagdag pang pinapahirapan sila ng mga buwayang pulitiko.
Oras na nga yata para kumilos na siya ulit. Ang panandaliang pagkawala niya ay talagang malaki ang impact sa business. Inayos niya ang kaniyang sarili at binasa pa ang ilang report.
Ilang sandali pa ay pumasok si Prazi kasama ang limang businessman. Nakayuko ang mga ito at hindi makatingin sa kaniya.
Nilapitan siya ni Prazi at ibinigay ang account book ng mga ito. Itinuro din nito kung sino ang may-ari. Kaagad na nilapitan niya ang mga ito at pinagsasampal ng utang nila.
“Kayo ang lumapit sa ‘min para humiram. Ang lalaki ng ngisi niyo nu’ng tumanggap kayo ng pera, ngayong oras na ng singilan nagka-amnesia na agad. Kung tanggalin ko kaya iyang mga kidneys niyo saka ibenta ko, baka may sukli pa kayo sa monthly interest niyo,” aniya.
Kaagad na nagsiluhuran naman ang mga ito sa kaniya.
“I’ll give you two weeks para maghanap ng pambayad niyo. Kung hindi, gagawin kong triple ang tubo at kung hindi niyo mabayaran sa ibinigay na deadline, kukunin ko ang negosyo niyo. May pinirmahan kayo,” banta niya sa mga ito.
“Hindi na namin kaya ang tubo, masiyadong malaki,” sabat nu’ng isa.
“Hindi mo kaya? Hindi mo na kaya pero umutang ka pa roon sa ibang pautangan? Kung hindi mo kaya sana hindi mo na pinasok tang-ina mo!” galit niyang saad at sinampal ng account book ang mukha nito.
“Ang usapan ay usapan. Bumalik kayo rito dala ang pambayad niyo buwan-buwan. Kung wala, mabuti pang magtago na lang kayo kahit saan na hindi ko kayo mahahanap dahil maski pamilya niyo idadamay ko,” galit niyang wika at sinenyasan na si Prazi na palabasin ang mga ito
Napaupo naman siya at hinilot ang kaniyang sintido.
“Gagawin mo talaga iyon boss? Akala ko ba sabi mo noon hindi mandadamay ng pamilya? Kung sino lang ang may atraso, iyon lang ang parurusahan?” ani Prazi.
Natawa naman siya rito.
“Of course! Hindi naman ako kasingsama ng iba. Tinatakot ko lang para magising. Alam ko namang may pera sila, ayaw lang magbayad. Binasa ko ang report mo, at halos lahat sila okay naman ang negosyo. Naglabas tayo ng pera, kaya dapat lang na marunong silang magbalik,” saad niya at huminga nang malalim.
Itinaas naman ni Prazi ang hinlalaki niya.
“Nakakatakot kayo pero may puso rin pala kahit papaano,” anito.
“Bobo mo naman, kung wala akong puso matagal na akong namatay,” aniya rito at napairap. Natawa na lamang ang assistant niya.
“Aalis tayo mamaya. May auction na gaganapin. Kailangan kong bumili para maibigay sa foundation,” aniya.
“Sinusuportahan mo pa rin pala ang foundation na tinutulungan ng ama mo,” wika nito.
Natawa naman si Bela.
“Para naman kahit papaano may magawang tama ang pamilya ko,” aniya at natawa nang pagak.
Tumango naman ito at alam naman nito kung ano ang kaniyang tinutukoy. Pagsapit nga ng hapon ay naghanda na siya. Nagbihis ng suit at inayos ang kaniyang buhok. Kinuha niya ang mamahaling purse niya at umalis na sila ni Prazi. Pagdating nga nila roon ay halos lahat nakatingin sa kaniya.
Pinigilan pa sila ng organizer kaya tinikwasan niya ito ng kilay.
“Invitation po,” anito. Tiningnan naman niya si Prazi.
“She doesn’t need any invitation,” saad nito.
Natawa naman ang organizer.
“Maa-apply lang po iyon sa mga VVIP’s,” sagot nito.
Nakaramdam naman siya ng inis sa klase ng tawa nito.
“Here’s my invitation.”
Napalingon naman siya at nakita ang babaeng matagal na niyang gustong gilitan ng leeg.
“Madam Tere,” wika ng organizer. Nginitian naman ito ng dalaga.
“Ngayon ka lang ba nakapunta sa ganitong event? Hindi mo ba alam na kailangan ng invitation bago makapasok? No matter how much money you owned kung hindi ka imbitado, you are a nobody,” saad nito at tila nagmamalaki pa.
“Prazi,” aniya sa assistant.
“I suggest you don’t offend a Rasgild,” wika ni Prazi.
Natigilan naman ang organizer at hindi makapaniwalang tiningnan si Bela.
“Hindi ko alam na kailangan ko pala ng imbitasyon para makapasok dito. Kung alam ko lang sana hindi na ako pumunta,” malditang wika niya.
“Y-You’re Bela Rasgild?” gulat na ani Tere.
Nanlalaki rin ang mata ng organizer at mabilis na humingi ng pasensiya sa kaniya. Ilang saglit pa ay nilapitan sila ng founder.
“What’s happening here?” tanong nito habang nakangiti.
“Hindi yata kilala ng organizer mo ang amo ko,” sambit ni Prazi.
Tila naguluhan din ito.
“She’s my boss, Bela Rasgild,” dagdag nito. Nanlaki naman ang mata ng matanda at kaagad na inasikaso siya.
Bago nga siya umalis ay nilapitan niya si Tere at nginitian nang nakakaloko.
“How’s my gift to you? Natanggap mo ba?” nakangiting tanong niya rito.
“You’re the one who sent me those eyes?” gulat na gulat nitong tanong. Nginitian naman ito ni Bela.
“I want you to remember my f*****g name. It’s Bela Rasgild,” she said and scoffed at her.
Naiwan naman itong nangangalit ang ngipin at galit na galit. Pumasok na siya sa loob at nakasunod lang sa kilos ni Bela na nakikipag-usap sa mga businessman. Hindi nga nagtagal at dumating na rin si Stefano at nagsimula na rin ang bidding.
Tahimik lang si Bela sa gilid habang hawak-hawak ang number niya nang may tumabi sa kaniya. Kaagad na nag-eratiko ang t***k ng kaniyang puso. It was Stefano.
“Hey,” bati nito sa kaniya. Hindi niya naman ito pinansin at nagpokus lang sa harap. Habang nagsisimula na ang bidding. Tatlong piece lang naman ng diamonds at wala pa siyang nagustuhan sa naunang dalawa.
“Ladies and gentlemen, feast your eyes on this breathtaking piece of timeless elegance. Up next is an item that defines sophistication and luxury—a one-of-a-kind diamond necklace that is as rare as it is radiant. This exquisite necklace features a flawless array of hand-cut diamonds, totaling an impressive 3106 carats weighing nearly 1.2 pounds. Meticulously set in shimmering white gold. The centerpiece? A magnificent pear-shaped diamond. A stone of extraordinary brilliance and fire. Crafted by our most respected jewelry designer Maria Ordinairre, a renowned Parisian jeweler of Diamonds Dominance Corp who dominates the diamond empire ever since history began. Certified and appraised at over 2 billion. This is not just a jewelry—this is an investment in legacy, a statement of eternal style. Shall we begin the bidding?”
Natuon ang tingin ni Bela sa napakagandang necklace. Napalingon naman si Stefano sa kaniya at itinaas ang kaniyang number.
“Fifty million,” anito. Napalingon naman si Bela sa kaniya.
“Do I hear fifty million? Oh yes, by Mr. Monti. Yes, thank you. Now, fifty-five? Thank you, sir,” ani ng auctioneer sa mga nagbi-bid. Naghihintay lang siya nang tamang oras para mag-bid.
“Yes, at the back? One hundred? Thank you, sir. Oh! Two hundred, thank you Mr. Monti.”
“I can see that you like the necklace, why are you not bidding?” tanong nito.
“None of your business,” sagot niya at iniwas na naman ang tingin dito.
“We’re at Two-hundred million, any advance on Two hundred million? Going once...going twic—”
“Two-hundred and fifty million,” wika ni Tere. Napatingin naman siya roon at napangiti. Tila nanunuya pa sa kaniya.
“Two-hundred and fifty million, going once...going twice?”
“Five-hundred million,” aniya at itinaas ang kaniyang numero. Rinig niya ang pagsinghap ng mga tao sa loob. Stefano just smiled at her.
“Five-hundred million! Wow!” wika ng auctioneer. Kita niya ang inis sa mukha ni Tere. She bet hindi nito basta-basta na lang na itatapon ang pera niya lalo pa at sigurado siyang hindi pa naman ito trilyonarya.
“Six-hundred,” sabat ni Stefano.
Inis na nilingon naman ito ni Bela.
“Sinusubukan mo ba ako?” inis niyang tanong dito. Ngumiti lamang ito sa kaniya kaya lalo siyang nainis.
“Going once?”
“Six hundred fifty,” aniya.
“You’re going all out?” tanong nito.
“That was just a speckled dust in my account,” sagot niya.
“Well, I might fight you for that,” sagot nito at itinaas na naman ang numero niya.
“Seven hundred.”
Rinig na niya ang bulungan sa paligid.
“Moron,” aniya at sinamaan ito nang tingin.
“1 billion,” aniya.
“1 billion, going once...going twice? SOLD to Miss Bela Rasgild. Congratulations on acquiring a true treasure!”
Tumayo naman si Bela at ngumiti sa kanila.
“Madam, just let me know if you’d like to adjust this for a specific theme or format.”
Nilingon niya si Prazi na naghihintay lang ng utos niya sa gilid.
“Prepare the check, ikaw na ang bahalang mag-asikaso. Give it to my mom,” aniya.
Tumango naman ito. Matapos nga ang auction ay may sumusubok pang lapitan siya subalit hindi niya na binibigyan nang pagkakataon.
“Nagparaya ako dahil para pala ‘yan kay, mommy,” wika ni Stefano at nginitian siya.
Tinikwasan naman niya ito ng kilay.
“How thick is your face?” asik niya rito.
Itinaas naman nito ang kaniyang kaliwang kamay at suot-suot pa rin nito ang sing-sing.
“We’re not annulled yet, so basically, we’re still husband and wife,” anito.
Parang may kung anong pumitik naman sa kaniya na natuwa. Inayos niya ang sarili at tiningnan ito.
“Stefano? Uwi ka na ba? I’ll go with you. Tumawag si tita kanina at gusto niya raw akong makita,” wika ni Tere at inilingkis ang kamay sa braso ng asawa niya.
Natawa naman si Bela sa dalawa at napailing.
“Mahihintay ako sa papers,” aniya lang at tumalikod na.
“Bela,” tawag sa kaniya ni Stefano at hinawakan ang kaniyang kamay.
“Stefano, let go,” ani Tere. Tumikwas naman ang kilay ni Bela sa ginawa nito.
“Hindi mo kailangang ipagpilitan ang sarili mo sa baabeng wala namang alam. She does not deserve you. Isa pa, she’s an enemy huwag mong kakalimutan iyan. Nananalaytay ang dugo ng Rasgild sa kaniya. A rogue,” anito.
Tiningnan naman ito ni Bela at nginitian.
“Kaysa naman maging pabigat katulad mo. Pabigat ka na nga, traydor pa,” aniya saka tumalikod.
“What did you say?” galit nitong singhal.
“Stop it, Tere,” pigil sa kaniya ni Stefano.
Umalis na si Bela at dumeritso sa sasakyan. Inis na napasandal siya at naikuyom ang kaniyang kamao. Buti at napigilan pa niya ang sarili niya na bugbugin ang babaeng iyon. She’s jealous. Ayaw na ayaw niyang nakikitang may humahawak na iba kay Stefano. Para siyang mababaliw kaiisip.
“Home, bilis,” aniya.
Pinasibad naman kaagad ni Prazi ang sasakyan at pagdating nila ay dumeritso siya sa gym niya at galit na pinagsusuntok ang punching bag. Hindi siya tumigil hangga’t hindi niya habol-habol ang sariling hininga.
“f**k!” mura niya at basta na lang na itinapon ang gloves niya. Napahilamos siya sa kaniyang mukha at tinawag si Prazi.
“Yes, boss?”
“Kunin mo lahat ng impormasiyon tungkol sa Thery Eugenio na ‘yan,” utos niya rito.
“Saka palitan mo ng cover ang punching bag ko. Palitan mo ng mukha ni Stefano at Thery, understand?” singhal niya rito.
“Copy boss.”
“I’m petty b***h, kaya tingnan lang natin kung hanggang saan iyang kamalditahan mo,” aniya at gigil na tumayo.
Naligo na siya at inayos ang kaniyang sarili. Bumalik na siya sa opisina niya kahit gabing-abi na para makatulog sa pagod.
Kinabukasan ay maaga siyang nilapitan ni Prazi.
“Bakit?” Nakatulog pala siya sa opisina niya.
“Dumating na ang anak ng kilalang bilyonaryo sa Dubai. Gusto niyang makipagkita sa ‘yo para pag-usapan ang business,” anito.
Nabuhayan naman siya ng dugo.
“Akala ko ba ayaw na niyang makipag-partner sa ‘tin?” tanong niya rito.
“It was his assistant who said so at hindi siya,” sagot ni Prazi.
“Ganoon ba? I should pay that assistant a visit, what do you think?” sagot niya rito.
Ngumiti naman si Prazi sa kaniya at umiling.
“Waste of time,” anito.
Nagkibit-balikat naman si Bela.
“I wouldn’t mind wasting,” aniya rito.
“Marami ka pang dapat na puntahan. Busy ang schedule mo,” saad nito.
Napangiti na lamang si Bela.
Naligo na siya at nag-ayos. Habang nakatingin nga sa salamin ay natigilan siya. Napahawak siya sa moon necklace niya at malungkot na napangiti.
“Kung sana lang iba ang sitwasiyon natin, nunkang hahayaan kong may ibang babaeng hahawak sa ‘yo. But now, the future’s uncertain, I can’t risk myself to be with you.”
"Prazi?" tawag niya sa kaniyang assistant.
"Yes, boss?" sagot nito at naghihintay lang sa kaniya sa gilid.
"Tara na, huwag mo pa lang kalimutang ibigay sa 'kin ang report tungkol sa pagkatao ng bwesit na Tere na iyon," aniya rito. Tumango naman ito at pinagbuksan na siya ng pinto.
"Still not over that woman?" tanong nito sa kaniya. Nginitian naman niya ito.
"Malalagay lang ako sa tahimik kapag nabusalan ko na ang bibig nioyan gamit ang bala ng kuwarenta y singko ko," sagot niya rito. Tawang-tawa naman si Prazi. Sanay na sanay na siya sa ka-brutal-an ng amo niya. Kahit na sobrang tapang nito ni minsan ay hindi niya naramdaman na pinabayaan siya nito. Handa itong sumugod kahit saan lalo na kung alam nitong delikado ang mga tauhan nito.
Naiintindihan niya kung saan nangagaling ang galit nito. Dahil siya man ay hindi maiwasang makaramdam ng poot tuwing naaalala ang nangyari sa mga kasama niya. It was Bela's first downfall. She had enough, and now she's back.