“Sino ka ba talaga?” mahinang anito habang nakatitig sa kaniya nang mariin.
Ngumiti lamang si Bela at binangga ito saka tinalikuran.
“Kung ako sa ‘yo, huwag mo ng sayangin ang oras mo sa ‘kin. Kung ayaw sa ‘yo ng asawa ko huwag mo ng ipilit ang sarili mo. Nakakaawa ka lang,” wika niya.
“Hindi ako nakakaawa!” galit nitong sabat.
“Eh ano ba ‘tong ginagawa mo ngayon? Kung ayaw sa ’yo nu’ng tao huwag mong pilitin. Hindi naman siya sa kung sino lang na puwede mong diktahan. Kung may natitira ka pang respito sa sarili mo, please lang. Tigil-tigilan mo na ‘tong kababaang ginagawa mo. Lalo ka lang lalayuan ng asawa ko,” aniya rito at iniwan na ito.
Naiwan naman si Tere na nakakuyom ang kamao at nangangalit ang ngipin sa sobrang galit.
“May araw ka rin,” aniya at padabog na lumabas ng bathroom.
Ngumiti naman nang matamis si Bela nang makita si Steven. Okay na siya ulit. Hindi na siya bad mood. Niyaya pa siya nitong sumayaw kaya pumayag naman siya.
Hinila siya ng asawa niya palapit lalo sa bisig nito kaya napangiti siya. Nakahawak ang kaniyang kamay sa leeg nito at ang kapareha naman ay sa kaniyang beywang. Parehong nakangiti at ninanamnam ang gabi.
“You looked so beautiful,” komento nito.
“Ikaw rin naman, sobrang gwapo mo,” balik niyang wika. Steven pursed his lips. He’s trying to suppressed his smile. Ayaw naman niyang makitang kinikilig siya at baka ma-disappoint ang asawa niya sa kaniya. Baka hindi iyon nakakalalaki.
“Why? Sa klase ng titig mo parang hinuhubaran mo na ako ah,” aniya.
Nanlaki naman ang mata ni Steven sa sinabi niya at napatingin sa paligid. Natawa naman si Bela. Parang mas conservative pa ito kaysa sa kaniya.
“Bakit? Nahihiya ka?” tukso niya rito.
“You’re so blunt. Hindi ka natatakot na sabihin kung ano ang gusto mong sabihin,” saad nito.
“Who dares to stop me first?” sagot niya.
Steven smiled at her.
“No one, kung may susubok man sisiguradohin kong dadaan muna sila sa ‘kin,” anito.
Pagkatapos nga ng party ay umuwi na sila. Habang nasa daan nga ay pareho silang paligaw-ligaw tingin. Halatang nagpapakiramdaman. After tonight, para bang may isang level silang nabuksan. Bela feels at ease too. Hindi siya madaling magtiwala pero hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit ramdam niyang at peace siya kasama ang asawa.
“May lakad ka ba bukas?” usisa nito.
Umiling naman siya.
“Baka tatambay lang ako sa bahay,” sagot niya rito.
“Baka may gusto kang bilhin, I can accompany you,” sambit nito.
“Puwede bang palitan ko ang disenyo ng bahay? I want new curtains and such,” aniya rito.
Ngumiti naman si Steven.
“Sure, samahan kita bukas.”
Tumango lamang si Bela. Pagdating nila sa bahay nila ay dim na ang ilaw. Mukhang tulog na si Doding at Rufos. Pero tulog nga ba?
Inalalayan siya ng asawa niya paakyat sa kuwarto nila at kaagad siyang kumuha ng night gown niya at naghubad sa harap ni Steven. Sa gulat nito ay mabilis itong tumalikod at niluwagan ang kaniyang neck tie. Natawa naman si Bela at dumeritso sa loob ng bathroom saka naligo. Hindi niya kayang matulog sa sobrang lagkit ng katawan niya.
Pagkalabas niya ay nasa terasa si Steven at umiinom ng gin. Nilapitan naman niya ito at umupo sa gilid. Tinagayan naman siya ng asawa niya kaya tinanggap niya iyon. Nakadekwatro siya at kitang-kita ang kaniyang makinis at mahabang legs. Napaubo naman nang peke si Steven at pilit pinapakalma ang sarili.
“Hindi ka pa matutulog?” tanong niya kay Bela.
Ininom nito ang laman ng shot glass at inisang lagok niya lang iyon. Manghang nakatingin lamang si Steven sa kaniya.
“Wow! You can drink,” komento nito.
Natawa naman si Bela.
“You have cigar?” tanong nito. Mabilis na tumango naman ito at inabot sa kaniya ang mamahaling sigarilyo. Napatingin siya roon at tinikwasan ng kilay ang asawa.
“B-Bakit?” tanong nito.
“You’re willing to spend thousands just for this cigarette? Wala namang special dito,” aniya.
Napaayos naman sa pagkakaupo niya si Steven.
“I did not spend money on that. That was handed to me freely,” sagot nito.
Natigilan naman si Bela at napaisip. Maliban na lang kung konektado ito sa underground at may access kaya nabibigyan.
“A friend of mine who has a lot of connections. Binigyan niya ako,” dagdag nito.
Nakahinga naman nang maluwag si Bela. Tila nagpapakiramdaman pa silang dalawa. Akmang kukunin niya ang lighter nang si Steven na mismo ang bumukas nu’n.
“Thanks,” ani Bela at sinindihan ang sigarilyo.
Napabuga naman siya at napahinga nang malalim. It was so good.
“Sanay na sanay kang manigarilyo at uminom.” ani Steven.
Natigilan naman siya.
“That’s dangerous for your health,” dagdag nito at tiningnan siya.
“Ikaw rin naman ah. Siguro patibayan na lang tayo ng baga,” aniya at natawa.
“Ang dami ko pang hindi alam tungkol sa ‘yo, Bela. I’m just happy that we have a lifetime to know each other,” sambit nito.
“Hindi mo ia-annull?” tanong niya rito.
“Why?” sagot naman ni Steven.
Malayo naman ang tingin ni Bela.
“Akala ko ia-annull na natin ang kasal natin, since nandito na tayo. Nakaalis na ako sa lugar na ‘yon at klaro naman sa ‘yo na ginagamit lang kita para makaalis sa lugar na ‘yon,” sagot niya.
“Even so, kung gusto mo naman akong makasama hindi ko gagawin iyon. Bakit? Gusto mo na bang umalis?” tanong nito.
Natawa naman si Bela at hinawakan ang mukha ng asawa.
“Not now, na alam na ng pamilya ko na may asawa na ako,” sagot niya.
Steven nodded his head.
“What’s your non-negotiable in marriage?” usisa nito.
“Why do you want to know?” aniya.
“To avoid it. Bela, alam ko naman na ginagamit mo ako. Pero tapos na ‘yon ‘di ba? Nakaalis na tayo. And I made it clear to you that I like you. At wala sa plano ko na iwan ka. Not today, not tomorrow, not in a lifetime,” seryosong wika nito.
Napabuga naman si Bela ng usok at malayo ang kaniyang tingin.
“Hindi mo ba pagsisisihan? Kahit pa malaman mo isang araw ang mga sikreto ko? Kahit pa malaman mo na hindi ako mabuting tao?” paninigurado niya.
“Given na rin naman iyang sama ng ugali mo. I’m adjusting to it,” sambit nito.
Napabusangot naman si Bela. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa sinabi nito o hindi.
“One thing I can promise you Bela is you will always be protected. Hangga’t nabubuhay ako
walang sino man ang puwedeng manakit sa ‘yo,” wika nito.
Ramdam naman ni Bela ang sinseridad nito. For the first time she was touched. Umayos siya sa kaniyang pagkakaupo at napangiti. It was real. Ngayon niya lang naramdaman na sobrang sarap pala na maramdaman ang ganito. May nagmamahal at nag-aalaga sa ‘yo.
“You’re going to make me cry seriously,” aniya at natawa na lamang.
“You’ve been strong most of your life, Bela. Ako naman ngayon, let me protect you,” malumanay na sambit ni Steven.
Napangiti naman si Bela at hinawakan ang kamay nito.
“Alam kong ginugoyo mo ako para may mangyari sa ‘ting dalawa, gustuhin ko man hindi puwede. May dalaw ako ngayon,” deriktang sambit niya na ikinapula ng mukha ni Steven.
“T-That’s not what I meant,” mabilis nitong sambit.
Bela just smiled at him.
“Bakit ka ba hindi mapakali? I was just playing with you. Masiyado kang seryoso. Akala ko ba sanay ka na sa ’kin?” aniya rito.
Umiwas naman ng tingin si Steven at napalunok.
“Kumakain ka ba ng dugo?” tanong ni Bela sa kaniya.
Alanganin naman si Steven sa tanong niya. Gusto niya lang talagang makita ang sirang eskpresyon ng mukha nito. Hindi niya mapigilan ang sarili na matawa. Ngayon lang ulit siya nakaramdam nang saya. Iyong sayang magaan at hindi pilit.
Tumayo naman si Bela at dumukwang sa asawa niya.
“Ang virgin mo namang mag-react,” aniya at gamit ang kaniyang hintuturo ay hinawakan ang baba nito. Napalunok naman ang asawa niya habang nakatitig sa kaniya. Inilapit niya ang kaniyang labi sa labi nito at idinampi iyon nang ilang segundo. Hindi naman gumagalaw si Steven sa kinauupuan niya.
Napakurap-kurap pa ito nang umalis na siya. Tinawanan niya pa ang asawa niya bago humiga sa kama.
Nanginginig ang kamay na kinuha niya ang bote ng gin at ininom iyon.
“What’s happening to me? Damn it,” mahinang aniya at ilang beses na huminga nang malalim. Nakaupo lang siya hanggang sa mag-umaga. Tumayo na siya at napalunok nang makita si Bela na mahimbing na natutulog. Nakataas pa ang damit nito kaya kitang-kita niya ang napakagandang hubog ng katawan.
Lumapit siya roon at akmang hahawakan ang mukha nito subalit sinaway niya ang sarili at kinumutan na lamang ito.
“f**k! What am I thinking?” aniya at mabilis na kinuha ang susi ng kaniyang kotse at nagmamadaling lumabas. Tumakbo na siya palabas at nag-jogging. Hindi siya tumigil hanggang sa kumalma na ang kaniyang little junior. Napaupo siya sa gilid ng kalsada at napahilamos sa kaniyang mukha.
Tumayo na siya at napatingin sa paligid nang wala pala ang kotse niya. Hawak-hawak niya pa rin ang susi ng kaniyang sasakyan.
“The hell!” aniya at napahawak sa beywang niya’t napailing.
“Bela! Bela! Bela! You’re making me crazy,” aniya at napabuga ng hangin.
Buti na lang at dala niya ang kaniyang cellphone. Tinawagan na lang niya ang kaibigan niya’t magpapasundo siya.
Ilang ring pa at hindi iyon sinasagot.
“The f**k, Apollo! Nilalamok na ako rito,” galit niyang sambit.
Ilang rings pa bago iyon sinagot ng kaibigan. Rinig niya pa ang pag-ungol ng babae sa kabilang linya.
“You’re having s*x right now?” sigaw niya rito.
“Ohh! Yea baby, that’s it, f**k!”
Inilayo naman ni Steven ang cellphone sa taenga niya.
“Apollo Aguirre!” singhal niya.
“Damn it, Stefano! I’m c*****g,” reklamo nito.
“Stop it! Puntahan mo ako ngayon din,” utos niya rito.
“What? Ahh! wait baby, I need to talk to someone,” wika nito sa kabilang linya.
“Come on babe, malapit na eh. Sino ba kasi ang istorbo na ‘yan?”
Nag-abot naman ang kilay ni Stefano sa narinig.
“Sshh! You are dead meat if he heard you,” mahinang sambit nito sa babae niya.
“Come here in five minutes you lunatic,” aniya at pinatay na ang tawag.
Ilang sandali nga ay may humintong sasakyan sa harap niya at bumaba si Apollo na walang damit. Tumayo na siya at sumakay.
“What the hell are you doing here? It’s already twelve am in the midnight,” asik ni Apollo sa kaniya.
“I went to go jogging,” sagot niya.
“Seriously? Dude, I missed the biggest c*m in the world just for you. You interrupted me there, come on,” anito at tila inis sa kaniya.
Sinamaan naman niya ito nang tingin kaya napaiwas ito.
“I’m just joking,” saad nito.
“Saan ka?” tanong nito.
“Anywhere, huwag lang sa bahay,” sagot niya.
“You despised your house? Kung bakit kasi bumili ka ng bahay roon? Sobrang liit. Sala lang iyon ng bahay mo, ba’t ka tumira roon?” tanong nito.
Hindi naman sumagot si Stefano.
“I remember, nasabi sa ‘kin ng pinsan mong ikinasal ka na raw. Where’s the unlucky bride?” usisa nito.
“She’s there,” sagot niya.
Humagalpak naman nang tawa si Apollo nang may ma-realize.
“She kicked you out, right? Kaya ka napalabas nang wala sa oras. Under ka na pala ngayon,” anito at tawang-tawa.
Nabwesit naman si Stefano sa kaniya.
“Shut up! She’s asleep when I left,” saad niya.
“Pinagod mo siguro no? Tapos gusto mo pang umisa kaya para humupa ang libog mo nag-jogging ka,” sambit nito.
“Minsan talaga iyang bibig mo gusto kong paulanan ng bala para tumahimk. Your disgusting beahvior really knows how to upset me,” reklamo niya.
Tumawa lamang ito.
“Come on, Dude. That’s what friends are for. Nababasa ko na iyang mga ganiyang sitwasyon,” wika nito.
“You got it all wrong. Hindi na ako magtataka dahil bobo ka naman. Libog lang ang nasa utak mo,” inis niyang sambit.
Umakto namang parang nasaktan ang kaniyang kaibigan.
“That’s too much,” anito at huminto na sila sa bahay nito.
Nauna namang bumaba si Stefano at pumasok na sa loob ng bahay nito.
“Dude, wait!” pigil nito sa kaniya.
Kaagad na napaiwas naman nang tingin si Stefano nang makita ang babaeng hubot’ hubad na nakahiga sa couch.
“Hindi kasi nakinig eh,” ani Apollo.
Mabilis na sinipa naman ni Stefano ang puwet ng kaibigan niya.
“Baby!” ani ng babae.
“Gwen baby, magbihis ka muna. Continue tayo mamaya sa kuwarto. Doon ka muna, okay?” sambit nito sa sobrang malumanay na boses.
Ramdam ni Stefano ang pananayo ng balahibo niya. He disgusts him.
“Gwen? Sino si Gwen?” tanong ng babae.
“Huh? Did I say Gwen?” ani Apollo.
Napailing na lamang si Stefano.
“You called me Gwen. Baby you know naman na ako si Titty ‘di ba? Are you cheating on me?” asik nito.
“Of course not! You misheard it baby. I said you’re my queen. Not Gwen, ikaw baby ha. Hindi ka ba nakapaglinis ng tenga mo? You got to clean that later,” wika ni Apollo at naghagikhikan pa ang dalawa.
“O-Okay, baka nagkamali nga ako nang dinig,” sambit nito. Parang pusa kong magsalita sa sobrang OA.
“Sunod ka mamaya ha,” anito. Tumango naman si Apollo at kumaway pa rito.
Nang makaalis ay nandidiring umupo naman si Stefano sa kabilang sofa at inis na tiningnan ang kaibigan.
“I won’t be surprised if one day magkaka-HIV ka. Ilang babae na ang tinitikman mo araw-araw,” aniya rito.
“I’m protected, Dude. Isa pa may mga medical records iyan. Number one requirement bago makipagsiping sa ‘kin,” proud nitong sambit.
Kumuha ito ng maiinom at binigyan siya.
“So, what’s with the jogging at midnight?” tanong nito sa kaniya.
Hindi naman sumagot si Stefano kaya tinawanan siya ng kaibigan.
“Stefano! Parang ang gaan mo ngayon. Bakit hindi ko ramdam ang bigat ng aura mo ngayon? Masaya ba ang buhay may asawa? Humiyang ka yata at wala akong narinig na p*****n ngayon,” saad nito.
“I’ll introduce her to my family someday. Sa ngayon alanganin pa dahil hindi niya alam kung ano ang totoo kong pagkatao,” sambit niya.
“What do you mean?”
“She doesn’t know that I’m a kingpin,” sagot niya.
Natigilan naman si Apollo at napatango-tango.
“Problema nga ‘yan. Ano na ang plano mo? Delikado kapag nalaman niya. Paniguradong iiwasan ka nu’n. Ayaw ng mga babae sa mga criminal. Hindi ba siya madadala sa pera?” tanong ni Apollo sa kaniya.
“Hindi ako mamomroblema nang ganito kung materialistic siya kaso hindi. She’s not from a humble background, Apollo. She’s rich,” sagot niya.
“Na-meet mo na ang parents niya?” usisa nito. Umiling naman siya bilang sagot.
“Ours was a shotgun wedding,” tipid na sambit ni Stefano.
“s**t!” ani Apollo.
“Marunong ka na pa lang maghanap ng problema ngayon. Paano kung malaman niya tapos ikanta tayo sa police? Buti sana kung b***t mo na lang ang kantahan niya eh. Paano kung magsumbong iyan sa kabilang organisasyon?” dugtong nito.
Pareho silang natigilan nang manlaki ang mata ni Apollo.
“Paano kung sugo iyan ng taga ibang organisasyon?”
“Quit it, wala talagang magandang lumalabas sa bibig mo. Balahura,” ani Stefano at sinamaan siya nang tingin.
“No one knows my real identity. Iilan lang kayo,” wika nito.
Napatango naman si Apollo.
“Oo nga pala,” anito at napailing.
“Sana inasawa mo na lang si Tere, eh ‘di sana wala tayong problema ngayon. Masiyado bang maganda iyan at hindi mo na napigilan ang sarili mong lumandi?” asik nito.
Sinamaan naman siya nang tingin ni Stefano kaya alanganing tumawa siya.
“Joke lang!” bawi niya rito.
“Aklam mo bro, alam ko namang hindi ka basta-basta pumapatol eh. Pakilala mo nga ako bukas. test ko lang kung okay ba, o baka may tinatago ba ganoon,” sambit nito.
Ang buong akala niya ay bubugbugin na siya ni Stefano subalit tumango ito. He sighed in relief.
“That’s new,” komento niya.
Stefano glared at him.
“Don’t you dare do something Apollo, at ako ang makakalaban mo,” banta niya rito.
Tumango naman ito.
“I promise I’ll behave,” sagot nito.
Tumango naman si Stefano.
Kinabukasan nga ay inihatid na siya nito sa kanila at pagbaba nila ay mabilis na hinila niya ang kaibigan at hinigpitan ang hawak nito sa kamay.
“Dude! Chill,” saad nito.
“Remember the rules in our brotherhood?” tanong niya rito.
“Relax, titingin lang ako hindi ako magtatanim ng masamang intention,” saad nito.
Tumango naman si Stefano at pumasok na sila. Pagdating nila sa loob ay si Doding lang ang nakita niya.
“Ding, where’s Bela?” tanong niya rito.
“Nasa likod, nagsi-swimming,” sagot nito.
Tumango naman siya. He was about to talk to Apollo nang mabilis na umalis ito at dumeritso sa pool area. Inis na sinundan naman niya ito at pareho silang natulala nang makita si Bela na lumalangoy. Nang makita sila nito ay kaagad na umahon ito.
Inis na sinipa naman ni Stefano ang paa ni Apollo kaya agad na tumalikod ito. Nilapitan niya ang asawa at inalalayang magsuot ng roba.
“There,” aniya at nakahinga nang maluwag.
“May bisita ka pala,” ani Bela.
“Yea, a friend of mine,” sagot niya.
“Pakagising ko kanina wala ka, Saan ka pumunta?” tanong nito.
“I-I went for a jog,” sagot niya.
Tumango naman ito.
“Naligo ka? You had your menstruation, right?”
Bela shrugged her shoulders.
“Last day ko kagabi,” sagot nito at naglakad na papunta sa kinaroroonan ni Apollo. Para namang binuhusan nang malamig na tubig si Stefano sa narinig.
“Think of the brighter side,” aniya at sumunod na rito.
“Hey! You must be my husband’s friend,” ani Bela at nginitian ang binatang tila naengkanto sa kaniya.
“What a beauty,” anito at nakangiti pa.
“You’re drooling, how shameful,” sabat ni Stefano at hinila ang kaibigan.
“I’m Apollo, Stef—”
Hindi na natapos ng binata ang pagpapakilala nang takpan ni Stefano ang bibig niya. He forgot to tell him.
“My wife knows that I’m Steven. Huwag kang paulit-ulit at hindi bobo ang asawa ko,” aniya at pasimpleng kinunutan nang noo ang kaibigan. Tila hindi naman ito makaintindi.
“I’m Belinda, just Bela for short,” ani Bela at iniumang ang kamay. Akmang tatanggapin iyon ni Apollo nang mabilis na tanggapin ni Stefano.
“Tara na sa loob, malamig na. Kailangan mo ng magbihis. I’ll tell Doding to prepare our breakfast,” sambit ni Stefano.
Tumango naman si Bela at nag-excuse na. Nginitian niya naman si Apollo na ngayon ay parang naengkanto’t hindi na nagsasalita.
Nang makaalis ang asawa ay malakas na binatukan naman niya si Apollo.
“Ow!” reklamo nito. He glared at him.
“You prick! I’ve already told you not to mess with my woman,” galit niyang sambit.
Tiningnan naman siya ni Apollo at tinanguhan.
“I can’t blame you if you act different last night. Dude, you have an enchantress. Saan mo ba nahanap ang ganiyan kagandang babae. Nakayanan mo pang umalis kagabi at iwan siya? Come on, that’s so not you. Ang ganda ng asawa mo,” anito. Halatang manghang-mangha.
“Mind your thoughts, Apollo,” banta niya rito.
“Don’t worry, bro code ‘to. Saka napakaganda lang talaga,” anito.
“I know.”
“May kapatid ba ‘yon?” usisa nito.
Umalis naman sa pool area si Stefano at sinundan siya ni Apollo.
“Bro, wait. Sino si Steven? That’s a horrible name to begin with,” anito at napangiwi pa.
“That’s my name. Don’t you dare call me Stefano. Talagang malalagot ka sa ‘kin,” gigil niyang sambit dito.
Natawa naman ito nang mapagtanto ang ibig sabihin.
“Shut your mouth. Nakakainis iyang tawa mo,” reklamo niya at iniwanan na ito.
“Steven! My friend! Steven!” sigaw ni Apollo tapos tatawa.
“This brute!” aniya at gusto na niya itong pugutan ng ulo.
Pumasok na siya sa kusina at tinulungan si Doding sa paghahanda. Hindi rin naman nagtagal at pumasok na si Bela. Nakasuot ito ng cropped shirt at gym short na sobrang fit at baba. She looked so sexy.
Siniplatan siya nito nang tingin at nginitian.
“Sabay na tayong kumain. Nasaan na pala ang kaibigan mo?” tanong niya.
Mabilis pa sa alas-kuwatrong umupo si Apollo na hindi mapuknit ang ngiti sa labi.
“I’ll just take a quick shower,” ani Stefano. Tumango naman si Bela. Stefano then looked at Apollo and gave him a warning look.
“Ako na muna ang bahala sa asawa mo,” panunudyo pa nito.
“Don’t hesitate to kick his ass if he starts to act weird,” bilin ni Stefano sa asawa niya bago umalis paakyat.
Umupo nang maayos si Bela at uminom na ng kape.
“Paano mo nakilala ang friend ko?” usisa nito. Seryoso pa ang mukha.
“Secret,” tipid niyang sagot.
Kumunot naman ang noo nito.
“Sagot ba iyan?” anito.
“Tsk,” Bela scoffed. Another bobo spotted.
“Anyway, pinilit ka ba niyang pakasalan siya? Did he threaten you? Ano? Gusto mo ba ng tulong ko? Just say the word and I will help you,” nakangiting saad nito.
“No, I proposed marriage to him and he accepted,” sagot niya.
“What?”
Natawa naman si Bela sa facial expression nito. Para bang hindi makapaniwala.
“Alam mo bang allergic iyan sa babae ha? Pansin mo ‘di ba? Marami ang nagkakandarapa sa kaibigan ko. Mayaman at sobrang guwapo naman. Well, medyo at nakaaangat lang siya sa ‘kin nang kaunting paligo pero kahit na. Paano mo nakuha ang kaibigan ko?” tanong nito.
Bela gasped. So, wala pa lang naging girlfriend si Steven.
“So what? Parehas lang naman kami,” sagot niya.
“NBSB ka?”
Gulat na gulat ang mukha nito. Guwapo nga kengkoy naman.
“Sa ganda mong ‘yan walang nagtangka?” tanong nito.
Napatingin naman si Bela kay Doding na tila kanina pa gustong sumabat. Napaisip naman siya. May sumubok pero walang natagumpay. Isa pa, she hated that topic a lot. Nagbago lang naman nu’ng naiipit na siya.
“Porket ba maganda mandatory na magkaroon nang maraming boyfriend?” balik tanong niya rito.
“Iyang type ko eh. Alam mo type sana kita. May moral and values sa buhay. Maganda na, all in all package ka na. Pero malas mo, at taken na ako,” anito at umayos pa sa kaniyang pagkakaupo.
“Malas nga ako kung ikaw ang naging asawa ko,” rektang sambit niya.
Napaubo naman ito.
“Grabe ka naman,” reklamo nito.
Ngumiti naman si Bela sa kaniya.
“Judging by your looks and behavior, ikaw ang tipo ng lalaking hindi nagseseryoso at mahilig sa one-night stand. Buti na lang hindi ganoon ang kaibigan mo. He’s smart enough not to follow your footsteps. Kung nagkataong bobo ang asawa ko baka pareho na kayong dalawa na nangongolekta ng pukeng eat all you can, enter all you can,” aniya.
Napakurap-kurap naman ang binata at natawa. Tinuro-turo pa siya habang nakangiti.
“Ikaw ha, marunong ka. Ikaw talaga ang type ko eh. Sayang,” anito at sumubo na ng itlog.
“Pero sa sinasabi mo ngayon parang sinasabi mong bobo ako. Medyo tagilid tayo du’n,” dugtong ng binata.
“May 0.0001% pa rin na katalinuhan ang utak mo ngayong naintindihan mo ang sinasabi ko. mas magiging matalino ka kung tinatanggap mong bobo ka,” aniya rito.
Nawala naman ang ngiti sa labi nito at biglang sumeryoso. Kumain na rin si Bela.
“Oo nga no, saka kung tinanggap kong bobo ako hindi naman ibig sabihin na bobo na talaga ako,” anito.
“Ay bobo nga,” ani Doding na ikinatawa ni Bela.
Hindi na niya napigilan ang sarili at para siyang kinikiliti.
“See? Natuwa ka. Kakaiba ka ha, boring siguro ng buhay mo kasi matalino iyang kaibigan ko. Hindi ko inakalang napakabilis mo pa lang pasiyahin. Niloloko lang kita na bobo ako tuwang-tuwa ka na,” anito at napangiti pa.
“The thing is, I’m not joking with you. Hindi mo ba na-realize na talagang bobo ka?” ani Bela.
“Sino ang bobo?”
Napalingon naman sila at nakita si Stefano. Bela pursed her lips. Napakaguwapo nito sa suot niyang gray pants at white t-shirt. Simple pero oozing ang s*x appeal. Ang tangkad pa.
“You wife is so funny. She knows how to joke,” ani Apollo.
“The fact that she’s not joking about you being dumb,” sambit ni Stefano.
Numiti lamang si Apollo.
“Okay lang, we’re friends kaya pareho lang tayo,” anito at kung ano-ano na ang pinagkukuwento.
Ilang oras din bago ito pinauwi ni Stefano. Naririndi na siya at naiinis dahil napapatawa nito si Bela.
“Such a nuisance!” reklamo niya nang makaalis na ang kaibigan.
“He’s funny,” ani Bela.
“He’s not, that brute’s annoying,” sagot niya at huminga nang malalim.
“Alis tayo?” tanong ni Bela sa kaniya. Tumango naman siya.
Nagbihis na sila at pakatapos ay bumaba na. Gusto sanang isama ni Bela si Doding kaso mukhang busy ito kasama si Rufos.
Pumasok na sila sa isang mall at hindi maintindihan ni Bela kung bakit hindi siya mapakali. Habang namimili nga ng mga kurtina ay nagmamatyag siya.
“May napili ka na ba?” tanong ni Stefano sa kaniya.
“H-Huh?”
Napatingin siya sa mga kulay at napangiting kinuha ang kulay gray. Kaagad na nilapitan naman sila ng sales lady at inasikaso. Marami pa silang binili. Pagkatapos nga ay kumain na muna sila sa isang restaurant. Hindi matao at kaunti lang ang kumakain. Pumasok na sila sa isang VIP room dahil isa itong Japanese restaurant.
“I’ll just go to the bathroom,” paalam ni Stefano sa kaniya. Tumango naman siya at ngumiti lang dito. Nang makaalis ay kinuha niya ang chopsticks sa gilid at inilagay sa ilalim ng mesa. Ilang sandali pa ay may pumasok na waiter. Isinara nito ang pinto at nginisihan siya.
Sumugod ito kaya mabilis siyang gumulong pagilid para iwasan ang dala nitong kutsilyo at malakas na sinipa ang kamay dahilan para tumapon ang hawak nito. Kailangan niyang magmadali at baka bumalik na si Steven.
Kinuha nito ang kutsilyo kaya mabilis na inapakan niya ang kamay nito at hinila ang buhok. Nahirapan siya dahil hindi kalakihan ang room at malaking tao itong kalaban niya.
Napaungol siya nang masiko nito ang kaniyang tiyan. Kinuha niya ang chopsticks sa gilid at mabilis na tinusok ang mata nito at leeg. Napaatras naman ito at akmang susugod ulit nang ngisihan niya ito at tinapunan ng isa pang chopstick sa mata. Sinadya niyang baliin iyon kanina para mapuruhan ito.
Bumagsak ito nang bumaon iyon. Mabilis na lumabas ito at akmang susundan niya nang makita si Steven na papunta sa room. Bumalik siya sa kaniyang kinauupuan at inayos ang sarili. Ramdam niya pa ang hapdi ng tama ng siko nito sa kaniyang tiyan.
“Hey!” ani Steven. Nginitian niya naman ito at inayos ang kaniyang buhok. Napakunot-noo siya nang mapansin ang magulong buhok ng asawa niya. Basa rin ang damit nito.
“Naligo ka ba sa bathroom?” tanong niya rito.
“Huh?”
Napatingin naman si Steven sa sarili niya at natawa.
“Ah, napalakas ang pagbukas ko ng gripo kanina habang naghuhugas ako ng kamay,” sambit nito.
Tumango naman si Bela.
“Magbihis ka mamaya, baka magkasakit ka,” aniya lang dito. Tumango naman si Steven. Pareho na silang natahimik at parehong balisa.
Ilang sandali pa ay dumating na ang kanilang order. Tahimik lang silang kumakain at parehong malalim ang iniisip.
Hindi mawari ni Bela kung kaninong tauhan iyon at nangahas pang sundan at saktan siya. Lumiliit na yata ang mundo nila ng asawa niya. Baka isang araw malaman nito ang kaniyang sikreto paano na lang.
Tiningnan niya si Steven na nakatingin din pala sa kaniya.
“Bakit?” tanong niya rito.
“Napagod ka ba sa lakad natin kanina?” tanong nito.
Tumango naman siya.
“Eat well,’” anito at sinubuan pa siya. Tinangap naman niya iyon at napatingin sa kaniyang kamay nang may tumulong dugo roon.
“What happened to your hand?” tarantang tanong ng asawa niya.
Hindi naman siya makasagot. Ni hindi niya napansing may sugat pala iyon. Paniguradong sa kutsilyo iyon kanina.
“Hindi ko alam,” sagot niya.
Nilapitan naman siya ng asawa niya at nilagyan iyon ng band-aid. Buti na lang at daplis lang at maliit.
“Take care, okay?” anito. Tumango naman siya at nginitian ito.
“Why don’t we take a vacation? A honeymoon vacation,” suhestiyon nito.
Napatingin naman si Bela sa kaniya. Mukhang maganda nga ang suhestiyon ng asawa. Malayo at mas makapag-isip siya nang maayos.