Chapter 14

2646 Words
“Bela!” tawag sa kaniya ni Doding. “Bakit?” sagot niya at inilagay na muna sa mesa ang kaniyang cellphone. “Narinig ko ang usapan ni, Rufos at Steven. Attend kayo ng party mamaya?” Tumango naman siya rito. “Alam mo bang kasama ang papa mo roon?” anito. “What?” aniya at napahawak sa kaniyang noo. “No, no,” aniya. Malaking problema nga iyon dahil hindi puwedeng magkita-kita sila. Paano kung may alam ang asawa niya sa totoong estado ng buhay nila? Baka iwan siya nito. Not that she cares pero nasasanay na rin siya rito. “Hindi puwedeng magkita kami roon,” aniya. “Malaki naman siguro ang venue. Ang gawin mo lang ay pumirmi kung saan ka. Maging mapagmatyag,” sagot nito. “Paano kung magkrus talaga ang landas namin ni, Daddy?” usisa niya rito. “Then let it be, baka mas magandang malaman din niya na ganoon ang pamilya niyo. Kung matanggap ka niya ay mabuti, kung hindi wala tayong magagawa,” sambit ni Doding. “Saglit lang, bakit parang problemadong-problemado ka? May gusto ka na ba kay, Steven?” nakangising tanong nito. Natigilan naman siya. “Wala no, tumigil ka nga,” saway niya rito at sinamaan ito nang tingin. “Sus! Kahit naman sino magkakagusto talaga riyan. Pogi, mayaman, at mabait,” saad nito. “Saka walang mali riyan, kasal naman kayo,” dagdag pa ni Doding. “True! Eh ano naman kung magkagusto ako sa kaniya? Asawa ko siya. Walang puwedeng magreklamo. Buti sana kung mistress ako kaso hindi naman. And sa ganda kong ‘to, I will never settle as a mistress lang no,” aniya. Itinaas naman ni Doding ang kaniyang hinlalaki. “Protektahan mo ang asawa mo laban sa mga higad sa paligid. Isa pa, kung hindi ka sasama mamaya paniguradong marami ang lalapit sa kaniya. Kaya mo ‘yon? Paano kapag nalasing iyan doon tapos pinikot ng ibang babae? Ano ang gagawin mo?” tanong ni Doding sa kaniya. Kaagad na nabuhay naman ang inis at galit niya. “I will personally kill them. Hindi ako papayag na iiputan ako sa ulo no,” sagot niya, “Korek, kaya sige na maghanda ka na.” Tumango naman siya rito. “Ding, you brainwashed me,” aniya rito. Napangiti lamang si Doding. “Sige, tatanggapin ko ang kabobohang ‘to ngayon, ngayon lang,” aniya at umakyat na sa taas. Naligo na siya at naghanda. Kinuha niya ang malaking box sa ibabaw ng kama at binuksan iyon. May lamang Giorgio Armani brown gown. Simple lang iyon pero maganda. Isinuot niya na iyon at ginawa ang kaniyang make-up. She straightened her natural curly hair at tanging relo lang ang kaniyang accessory. “Who the hell needs a lot of accessory when I own the most expensive one,” wika niya sa kaniyang sarili habang nagli-lipstick. “My brain shines brighter than any diamonds. How does mere human intelligence compare to mine? Me, la reina mafia,” nakangiting dagdag niya at tiningnan ang sarili sa salamin. She looks absolutely dashing. Nang makontento sa hitsura niya ay lumabas na siya ng kuwarto at bumaba. sakto namang pagdating ni Steven. Nakanganga lang ito habang nakatingin sa kaniya. Nilapitan niya ito at nginitian. “Wow!” manghang wika nito at hinawakan ang kaniyang kamay. “You look gorgeous,” dagdag pa nito. Hindi na halos maihiwalay ang tingin sa kaniya. “Let’s go?” tanong niya rito. Tumango naman ito. Nang nasa sasakyan na nga sila ay nakangiti pa ang asawa niya. Nang huminto na sa labas ng mamahaling hotel ay tila hindi ito mapakali. “May problema ba?” tanong niya rito. “Nothing,” sagot nito at inalalayan na siyang makababa. Paglabas nila ay kaagad na pinapasok sila ng receptionist. Walang media dahil hindi ito public gathering. Ayaw ng mga bilyonaryo sa too much exposure. Wala silang pakialam sa mga bagay na hindi naman nakaka-benefit sa kanila. Media exposure is just pure drama and nothing else. “Just stay with me,” ani Steven at hinawakan siya sa beywang. Hinila pa siya nito lalo palapit kaya pinagtitinginan sila ng mga tao sa loob. Bela knew they’re members of high society. Binati naman sila kaagad ng iba at tanging ngiti lang ang kanilang bati pabalik. Hindi siya sanay sa ganito dahil kapag kailangan niyang um-attend ng parties, laging si Gideon o Hades ang pumupunta. This is not her cup of tea dahil may social issues siya. Yes, she maybe ruthless but she hates crowded places. Ayaw niya sa maingay at maraming tao. It stressed her a lot. “Here,” ani Steven at inalalayan pa siyang makaupo. “Thanks,” saad niya at ngumiti rito. “Stef?” Sabay na napalingon sila nang makita ang babae. Maganda ito, maganda at mukhang may lahi. Pamilyar ito kay Bela pero alam niyang ngayon niya lang ito nakita. Nagtataka ang mukha nito at kinunutan pa siya nang noo nito. “Nakauwi ka na pala? Ba’t hindi mo sinabi sa ‘kin? Who’s this woman?” sunod-sunod nitong tanong. Tiningnan naman ni Bela si Steven na kalmado lang. “Tere, this si Belinda, my wife,” sagot nito. Nginitian naman ito ni Bela. Kahit gusto na niyang sumimangot sa Belinda. “What?” Hindi ito makapaniwala at tiningnan lang siya. “Are you serious? Come on, umalis kang single tapos uuwi kang may asawa na? That joke is not funny,” anito at mukhang nagagalit na. “Lower down your voice, Tere. And I’m not joking,” seryosong saad ni Steven. Halatang nawawalan na rin ito nang pasensiya. “Okay, sige. For how many days?” tanong nito. “What do you mean?” tanong ni Bela rito. Sinamaan naman siya ng tingin ni Tere. “You know what? Kahit na sobrang mahal na ng suot mong damit at kahit gaano ka pa kaganda it won’t change the fact na basta-basta ka lang na napulot nitong lalaking ‘to. Wear that mask as long as you want. Alam kong pera lang naman ang habol mo sa kaniya eh. Magkano ba?” galit nitong wika. Napalunok naman si Bela at natawa nang pagak. “Excuse me?” “Shut it,” galit na saad ni Steven at hinila na ang babae paalis. Nagpapasag pa ito subalit wala na ring nagawa. Naiwan naman si Bela na hindi makapaniwala sa nangyari. “That b***h!” aniya at napahawak nang mahigpit sa wine glass at basta na lang na tinungga iyon. “Hey! look who’s here.” Boses pa lang killing-kilala na niya kung sino ito. “Get the hell out of my sight, Hades,” asik niya. “I saw you talking to someone just now. Kilala mo ba ‘yon?” tanong nito. “You don’t care,” sagot niya. “Sis, are you still mad at me? You should be thankful nga sa ‘kin dahil kung hindi dahil sa ginawa ko hindi mo makikilala ang asawa mo ngayon,” anito. Sinamaan naman niya ito nang tingin. “Magpasalamat ka na lang na maraming tao rito, dahil kung nagkatanog wala, sisiguradohin ko talagang basag iyang bungo mo,” inis niyang wika. “Oh, grabe! Goosebumps here,” anito at natawa pa. Lalo namang nainis si Bela sa sinabi nito. Napasimsim siya ulit sa wine nang makita ang asawa niyang tila nakikipagtalo sa babae. Kapag bibigyan siya ng chance mamaya na makausap ito one on one at walang tao sisiguradohin niyang babalikan niya ang kamalditahan nito. Hindi pa siya maka-get over sa sinabi nito kanina. How dare she? Talagang in-issue pa siyang mukhang pera. Kahit nga gawin niyan pampunas ng etats niya ang pera niya mahirap iyong ubosin. Siya ang tipo ng babaeng hindi sanay na binu-bully. Hindi uso ang paraya. Dahil talagang babalikan niya ito. Times two sa ginawa nitong pamamahiya sa kaniya. Depende sa mood. “In fairness, may hitsura naman pala ang lalaki mo. I bet you act so heavenly when he’s around. Pero iyang kausap niya parang hindi. See how she reacts earlier? I saw it. Parang may balak na kunin sa ‘yo ang asawa mo. Siguro naman may feelings ka na para sa kaniya. Kung ako ang nasa sitwasyon mo gag—” Hindi na natapos ng kapatid niya ang sinasabi nang apakan niya ang paa nito. Napaungol naman ito sa sakit. “Ouch!” reklamo nito. Tiningnan niya ang kapatid na para bang gusto na niyang pumatay. “Chill, ow!” anito at mabilis na umalis nang tanggalin niya ang heels sa pagkakaapak dito. Nakahinga naman siya nang maluwag. Kahit kailan talaga tinik sa laluman niya ang kambal niya. Seryosong bumalik naman si Steven sa tabi niya. “You know that guy?” tanong nito. Magkadikit ang kilay nito at tila hindi nasiyahan sa nakita kanina. Hindi naman niya alam kung ano ang isasagot. “Don’t talk to him again. Alam ng lahat ng tao rito kung gaano siya kadelikado. That’s Hades Rasgild. Be careful of him. Kung lapitan ka niya ulit, huwag kang mag-atubiling umalis,” seryosong sambit nito. Napakurap-kurap naman si Bela. Ganoon kadelikado ang kambal niya? Eh sa binubugbog niya nga lang ito. Ni hindi nito kayang harapin ang kamalditahan niya. “Bela, are you listening?” tanong nito sa kaniya. Ngumiti naman siya rito at tumango. Hindi na siya nakipagsagutan pa at ayaw na niyang ma-topic ang gago niyang kapatid. “Don’t worry, hidni na iyon makalalapit sa ‘kin,” sagot niya rito. “Good,” anito at uminom ng wine. “Sino pala iyong babae kanina? Alam mong hindi ako pumapayag na pagsalitaan nang ganoon. I did not receive any money from you. Sa tingin mo ba pera mo lang ang habol ko? Kung ganoon ay I demand you to give me all your assets and properties. Para naman may panlaban siya sa ’kin kung saka-sakali,” aniya rito. Ngumiti lamang si Steven sa kaniya at hinawi ang hibla ng buhok niya. “Silly! Don’t worry I have talked to her already. Hindi ka na niya gugulohin,” saad nito. “So, may balak siyang guluhin ako ganoon? You know that I don’t stand by. Lumalaban ako,” aniya rito. “No, that woman is not someone you have to mess with. Don’t waste your time,” giit nito. Napataas naman ang kilay ni Bela sa narinig. “Why? Afraid that she might spill something about you? Takot ka bang malaman ko ang mga sikreto mo?” deriktang tanong niya rito. Natawa naman nang pagak ang asawa niya. “What secret?” Nagkibit-balikat naman si Bela. “Malay ko, kaya nga secret mo eh. Waiting to be found out,” sagot niya. “Then, what if I’m not a good man? What if I’m only pretending?” tanong nito. Tinitigan naman siya ni Bela. “So what? I lured you into this marriage to be my escape-goat. Una pa lang, alam mong ginagamit lang kita,” aniya rito. “That’s harsh, but it’s the truth. Ginusto ko rin naman,” sagot nito. “Sa ‘ting dalawa ako lang naman ang nakikinabang sa ‘yo. Just tell me when to end it at hindi ako magdadalawang isip na pakawalan ka,” wika niya rito. Natawa naman si Steven at ininom ang natitirang red wine sa wine glass nito. “You can’t, hindi pa ako naniningil,” anito. “What do you mean?” “Gaya nga nu’ng sinabi ko, hindi ako mabait. Naniningil ako kapalit nang kabaitan ko, Bela,” seryosong saad nito. Ang mga mata nito ay tila ba nanlalamon. Napalunok naman si Bela. She feels intimidated right now. “Name your price,” tapang-tapangan niyang sagot. Nakatitig lang si Steven sa kaniya at tila ba hindi kumbinsido sa tanong niya. “Are you sure you want to know?” paninigurado nito. Tumango naman siya. “What? Challenging me?” aniya rito at sinadya niya pang tingnan ito na tila nang-aakit. “Sleep with me, stay with, have s*x with me, Bela. Kaya mo ba?” tanong nito. Natigilan naman si Bela at napaiwas nang tingin sa asawa niya. Ilang saglit pa ay natawa siya. “Seriously?” Takang tiningnan naman siya ni Steven. Hinila niya ang neck tie nito at inilapit ang bibig sa taenga. “That’s not even a price, Steven. That’s just pleasuring ourselves,” sambit niya. Kumunot naman ang noo ni Steven sa sinabi niya. Nakatitig ito sa kaniya at natigilan siya nang makitang tila disappointed ito sa sagot niya. She bit her lips and push him away. “Nakakabwesit naman iyang reaction mo,” aniya at kumuha pa ng wine sa usherette. “Hey! Stop it,” pigil nito sa kaniya. Wala na, wala na siya sa mood. Hindi niya alam kung ano ba ang nasabi niya at parang hindi niya iyon nagustuhan. “May problema ba?” tanong nito. Bela scoffed at him. “Talaga ba?” aniya rito. “I’m sorry, I was just shocked. Hindi ko in-expect ang maiging sagot mo,” anito. Ilang sandali pa ay ngumiti sa kaniya. “Sinasabi ko na nga ba, pinagnanasahan mo ako eh. Ilang beses na kitang nahuling nakatitig sa katawan ko,” saad nito. Natigilan naman si Bela at inirapan ito. “Tsk.” Nagsimula na ang party at kanina pa siya inom nang inom. Ramdam niya tuloy ang patawag sa kaniya ng kalikasan. “I need to use the bathroom,” aniya rito. “I’ll go with you,” saad nito at akmang tatayo na. “Huwag na, ako na,” sambit niya rito. Parang alanganin pa ito pero hindi na siya nagpapigil. She’s silently praying na sana sundan siya nu’ng babe kanina para mabalikan niya ito. “Sundan mo akong bruha ka,” aniya habang naglalakad at tumitingin sa paligid niya. Nang namataan niya ito ay napangiti siya. Target locked. Sinadya niya talagang mapansin siya kaya kunwari ay kamuntik na siyang madapa. Maagap naman ang lalaki sa tabi at inalalayan siya. “Thanks,” aniya at dumeritso na sa CR. Ramdam niyang sinusundan siya kaya minabuti niya na munang umihi. Pagkatapos ay lumabas na at nag-retouch. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ay napangiti siya. “Ang kapal din ng mukha mo no?” anito. “Depende sa size,” sagot niya at nginitian ito. Kita naman niya na nagalit ito agad. Nginitian naman niya ito para lalong mainis. “How dare you? Hindi mo alam kung ano ang pinapasok mo. Sa tingin mo hahayaan kitang basta na lang na pumasok sa buhay ni, Stef? You don’t know him w***e. Hangga’t nabubuhay ako hinding-hindi siya mapapasayo. Alam kong pera lang ang habol mo sa kan—” “Eh ‘di hindi mo alam,” aniya at tiningnan ang repleksiyon sa salamin. “What do you mean?” Nginitian naman niya ito. “I have billions in my account, hindi pa kasali roon ang ibang ari-arian ko. Kung sakaling ibigay sa ‘kin ng asawa ko ang properties niya ay wlaa kang pakialam. Labas ang outsiders sa buhay namin. We’re legally married, at kahit saan pa tayo magkita wala kang laban,” sagot niya. “Sa tingin mo papayag ako? Hindi mo pa ako kilala, marami akong puwedeng gawin. Kaya kung ako sa ‘yo, umalis ka na sa buhay niya. Bumalik ka kung saan ka man galing at huwag na huwag kang magpapakita kahit kailan. Dahil kung hindi...” “Dahil kung hindi ano?” hamon niya rito. Nilapitan niya ito at sinalubong ang titig. “Ipapapatay mo ako?” nakangiting tanong niya. “Oo,” matapang nitong sagot. “Paunahan na lang tayo kung ganoon,” saad niya. Kita naman niya na diskumpyado ito sa kaniya. “Huwag mong hilingin ang isang bagay na pagsisishan mo lang.” “Hindi ako humihiling, naghihintay ako,” sagot niya at tinitigan ito nang mariin. Napaatras naman ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD