“Wow!” aniya.
Steven just smiled at her. Pagkatapos nga nitong magluto ay naghain na. Nakaupo lang siya at nakatingin dito. Ilang sandali pa ay tapos na ito at umupo kaharap niya.
“Now, eat,” sambit nito.
Nagsimula namang kumain si Bela at natigilan sa pagnguya.
“Masarap ba?” tanong nito.
Napangiti naman si Bela at tumango. Steven then looked at her happily. Masaya siyang nakikitang nag-e-enjoy ito.
“I’ll cook for you basta hindi lang ako busy,” saad nito.
“Thanks,” aniya.
Nang matapos nga ay tumulong na siyang magligpit. Iyon lang naman ang alam niya. Tumunog ang kaniyang cellphone kaya nag-excuse na muna siya at lumabas ng kusina.
“Ryx,” aniya.
“Boss, in-ambush ang warehouse natin,” saad nito.
“What?”
“Sumugod ang tauhan ni, Monti. Plano yata nilang kunin ang mga kontrabandong nakuha mo noon,” sagot nito.
“That brute!” galit niyang wika at naikuyom ang kamao.
“I’ll be there,” saad niya at nagmamadaling pinatay ang tawag. Nagmamadaling pumunta siya sa taas ng kuwarto nila at nagbihis. Paglabas niya ay kamuntik pa siyang matumba. Buti na lang at maagap si Steven.
“Careful,” anito.
Naplunok naman si Bela at mabilis na lumayo.
“Aalis ka?” tanong niya sa asawa. Tumango naman si Steven.
“M-May emergency sa bahay,” sagot nito.
Kumunot ang noo ni Steven nang makitang nakabihis siya.
“Aalis ka ulit?” takang tanong nito.
“A-Ah, oo, pinatawag ako sa bahay. Galit si mommy,” sagot niya.
“Should I drive you there?” anito at napatingin pa sa relos niya.
Umiling naman si Bela. Sayang ang oras.
“H-Huwag na, mukhang importante rin ang emergency sa inyo,” sambit niya rito.
“Yea,” tipid nitong sagot.
“Ingat ka,” aniya rito at nagmamadaling bumaba na.
“You too,” saad nito at sumakay na sa kotse.
Pinaharurot iyon at ganoon din siya. Dumeritso siya sa bahay nila at nagbihis saka kinuha ang kaniyang motorsiklo.
“Bela?”
Paglingon niya ay nakita niya si Hades. Pinakyuhan niya lang ito at pinasibad na ang motorsiklo. Binilisan niya ang takbo at nang makarating ay kaagad na bumungad sa kaniya ang pagsabog ng warehouse.
“Tang-ina!” mura niya at ginawang mask ang panyo saka pinaharurot ang motorsiklo papasok. Wala na siyang pakialam kung may mabangga siya. Kailangan niyang sagipin ang mga tauhan niya.
Mabilis siyang bumaba at nakipagpalitan ng putok sa kalaban. Kabisado naman niya ang warehouse kaya malaya siyang nakakalusot kahit saan.
“Where are you, Prazi?” aniya at isinuot nag kaniyang ear piece.
“Boss, we’re stuck inside. Nandito ang boss nila,” sagot nito.
Ikinasa niya ang baril niya at tinakbo ang pagitan ng lalaking may hawak na shotgun. Sinipa niya ang tiyan nito dahilan para mapahiga sa sahig. Inapakan ang leeg at mabilis na binali ang leeg. Kinuha niya ang shotgun at nag-double time na.
Mabilis siyang napatalon papunta sa mga drums nang paulanan siya ng bala.
“Muntik na,” aniya at napatingin sa braso niyang may sugat.
Tumayo siya at inasinta ang ulo nito. Gamit ang shotgun nu’ng lalaki ay siyang pagsabog ng ulo nito.
Nang makapasok sa loob ng kuwarto ay napalunok siya at natuod sa kaniyang kinatatayuan nang maramdaman ang dulo ng baril sa kaniyang likod.
“Boss!” ani Prazi na papunta na sana sa kaniya nang ilingan niya ito. Kaagad na nasiumangan sila ng mga baril nila. Walang may gustong sumuko.
“Kung sana hindi niyo na pinakialaman ang mga transaction namin hindi tayo aabot sa ganito. Masiyado kayong gahaman sa kapangyarihan at posisyon,” wika ng lalaki sa likod niya.
Napakunot-noo naman siya at pamilyar ang boses nito. Pero alam niyang hindi ito iyon dahil may device na nagpapasira sa boses nito. Hindi niya rin alam kung bakit naiisip niya ang isa pang bobo sa buhay niya.
“How are you, Rasgild?” tanong nito sa kaniyang likuran. Naikuyom niya ang kaniyang kamao nang kunin nito ang hawak-hawak niyang baril. Naghahanap siya ng tiyempo para balikan ito at makatakas.
“Finally! Sa tagal ng panahon, akala ko hindi na kita makikilala eh,” sambit nito at hinawakan ang kaniyang suot na panyong mask. Nakatingin lang ang mga tauhan nito nang bumaba ang suot niyang mask. Akmang titingnan siya ni Stefano nang mabilis ang kilos na sinipa niya ang p*********i nito at siniko sa panga. Kaagad na nagkagulo sila.
Nagbitiw naman ng tear gas si Prazi at hinila si Bela saka nagsitakbuhan sila palabas.
“f**k!” Rinig nilang sigaw ni Monti sa loob. Natawa naman si Bela.
“Hindi baleng sunog ang mga goods, importante natanggalan ko siya ng karapatang maging maligaya. Maswerte siya kung hindi iyon napurohan,” aniya at natatawang sumakay na sa jeep ni Prazi.
Umalis na sila roon at kaagad na pinindot ang bomb detonator.
“Adieu!” aniya at saka malakas na sumabog ang warehouse. Lahat ng property niya may nakatanim na bomba. Precautions iyon para protektahan ang kaniya.
“Paniguradong ha-hunting-in ka ng mga Monti. Hindi sila titigil hangga’t hindi ka nababalikan. Lalo na’t hindi sigurdao kung nakatakas iyon kanina bago sumabog ang bomba,” saad ni Prazi.
“Mas mabuti nga sana kung nasabugan siya.”
“Anyway, this will cost a lot of losses. I want you to keep your nose on other transactions. Siguradohin mong malaki ang makukuha. I can’t let this happen again. Magiging katatawanan tayo sa underground,” wika niya.
Tumango naman si Prazi.
“Anyway, I want you to investigate someone for me.”
“Sino?”
“My husband,” sagot niya.
Ilang saglit pa ay kamuntik na siyang tumilapon nang basta na lang na nag-break ito ng sasakyan.
“Leche! Ano ba? May plano ka bang patayin ako ha? Sabihin mo lang tatablahin kitang gago ka,” galit niyang sambit.
“S-Sorry boss, nagulat lang ako,” sagot nito.
Sinamaan naman niya ito nang tingin.
“Ano ba ang akala mo sa ‘kin ha? Hindi na ba talaga ako makakahanap ng mapapangasawa ko? Nakakainsulto na iyang mga reaksiyon niyo ha,” inis niyang wika.
Hindi naman na nakapagsalita pa si Prazi dahil baka dumeritso sa bunganga niya ang kamao ng amo.
“Oh ano? Ba’t hindi ka na makapagsalita riyan? Iniisip mo bang baka saktan kita? Hindi ako ganoon. Huwag kang mag-alala,” aniya rito.
“Nagulat lang talaga ako boss at may sobrang tapang nga talaga sa mundo. Hindi ko naman kasi inaakalang makakasal ka,” anito.
“Ba’t mo naman naisip na hindi ako magpapakasal?” tanong niya rito.
“Sa sama po ng ugali niyo imposible pong may pumatol. Unless, winarningan niyo,” sagot nito.
“Huminto ka,” ustos niya rito.
Kinakabahang huminto naman si Prazi. Kaagad na sinipa niya ito palabas at pinakyuhan.
“Tang-ina mo ah. Mag-commute ka,” aniya na ikinalaki ng mata nito.
“H-Hindi, boss I was just joking,” sambit nito.
“Hindi ako natutuwa,” aniya at pabagsak pang isinra ang into ng wrangler jeep nito. Napakamot ng ulo niya ang lalaki at pumara ng kotse ng kasama niya. Dumeritso na si Bela sa condo niya at nanlalaki na naman ang mata ni Ryx.
“Ano ba? Para kang nakakita ng multo,” aniya rito.
Nakahinga naman ito nang maluwa nang makita siya.
“Akala ko kung sino na,” sambit nito. Napairap naman siya.
Umupo siya sa couch at tinanggal ang panyo saka nag-shower. Kinuskos niya ang sariling katawan at napamura nang maramdaman ang sugat sa kaniyang siko.
“Ubos na nga ang mga goods, may sugat pa ako. May araw ka rin sa ‘kin, Monti. Tandan mo ‘yan,” matigas niyang sambit at nagbihis na saka bin-low dry ang kaniyang buhok.
Paglabas niya ay parang problemado si Ryx.
“What’s the long face?” tanong niya rito.
“Nag-aalangang gumawa ng business ang iilang kasosyo natin dahil sa nangyari sa warehouse,” sagot nito.
“What? Call them,” utos niya.
Tumango naman siya. Nang sagutin ng kabilang linya ay inulan niya ito ng mura.
“Subukan mong umatras putang-ina mo, kapag nakarating na rito ang kontrabando mo sisiguradohin kong hindi pa man nakadaong ay sabog na,” aniya rito.
“B-Bela,” anito sa kabilang linya.
“Mr. Monterato, alam mo kung ano ang kaya kong gawin. Huwag mo ng ubosin ang pasensiya ko’t uunahin kong pasasabugin ang bungo ng anak mo,” galit niyang wika.
“I promised to do business with you, Bela. Huwag naman sana umabot sa pamilya ko,” mahinahong wika nito.
“There, madali ka naman pa lang kausap,” aniya at pinatayan na ito.
Tiningnan naman siya ni Ryx at napalunok.
“What?” malditang tanong niya. Talagang bwesit na bwesit na talaga siya.
“Isa pa,” utos niya rito.
Nagmamadaling tinawagan naman nito ang isa pang ka-transaction niya.
“Bela?” wika nito sa kabilang linya at mukhang hindi natatakot sa kaniya.
“I bet you know why I called, Mr. Adoirre,” aniya.
“Hmm, let me guess—”
“Huwag mo ng hulaan kung kabobohan lang naman ang isasagot mo. Huwag mong sayangin ang kakarampot mong utak. I’m just saying this to you clearly, subukan mong biguin ako, subukan mong traydorin ako at makikita mo ang hindi mo pa hinahanap,” aniya rito.
“Are you threatening me?” galit nitong saad.
“What do you think?” sagot niya.
“Hindi ako natatakot sa ‘yo. Hindi mo ako hawak sa leeg. Baka nakakalimutan mo marami pang iba riyan ang pwe—”
“Don’t let my patience ran out, old man. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Betray me, and I will surely get back to you. Sisiguradohin kong magmamakaawa ka sa ‘kin habang nakaluhod,” aniya rito. Kaagad na pinatay niya ang tawag at sa mga sumunod pa ay pinagmumura na niya nang malutong. Tanging si Adoirre lang ang hindi nadala sa galit niya.
“Pasabugin niyo ang warehouse niya. Tang-ina siya. Ipasa niyo sa general ng lugar na ‘to ang mga ebidensiya ng paggamit niya ng bawal na gamot at pagbebenta. Make sure na maaayos ‘to at mabigyan ng leksyon ang matandang iyan,” wika niya kay Ryx.
“Ayaw mong ipapatay?”
“No way! Matanda na ‘yan, malapit na ang panahon, hindi ako ganoon kasama para i-advance ang admission niya sa impiyerno,” sagot niya rito.
Napakamot naman si Ryx.
“Ikaw, baka gusto mong palitan ang mga bantay ni satanas doon. Puwde kong ibigay ngayon,” ani Bela at nauurat siya.
“Huwag na, ba’t pa ako pupunta ng kabilang buhay eh dito pa lang sobra-sobra na,” nakasimangot nitong saad. Natawa naman si Bela at tiningnan ang sarili sa salamin.
“May nakuha ka na bang impormasiyon tungkol sa asawa ko?” tanong niya rito.
“Oo, may-ari ng construction company ang asawa mo at mukhang secret billionaire. Iyan lang ang nakita kong informations. Masiyadong pribado ang buhay,” sambit nito.
“Gawan mo nga rin ako ng pekeng impormasyon,” saad niya rito.
“What? Why?”
“Dami pang tanong eh. Dali, gawan mo ako. Sabihin mo mahilig ako sa fashion. Belinda Ramos. Huwag na huwag mong kakalimutan, okay?” saad nito.
Alanganing napatango naman si Ryx at napailing.
Alangan namang humindi siya, magkaka-award siya nang maaga rito kung aayaw siya.
“Ba’t mo pala kailangang magtago sa pangalang iyan? Belinda what the f**k!” anito at natatawa pa.
Natigil lang ito nang batukan siya ni Bela.
“Bakit? Pinagtawanan ko ba ang pangalan mong tunog brand ng skincare?” asik niya rito.
Napasimangot naman si Ryx at napatuloy na sa kaniyang ginagawa.
“Alis na ako, huwag na huwag kang pupunta sa bahay ng asawa ko kung ayaw mong malintikan sa ‘kin. No matter how urgent huwag mong kakalimutang may cellphone. Bobo ka pa naman,” aniya rito.
“Ba’t may bobo pa?” reklamo nito.
“To remind you of course,” sagot nito at umalis na.
“Napakasungit talaga. May asawa na nga’t lahat-lahat hindi pa rin naiibsan ang kamalditahan,” wika nito at napailing.
“What did you say?”
Napapiksi ito at napatayo nang sa paglingon niya ay nandoon si Bela.
“What the hell? Akala ko nakaalis ka na,” aniya rito at lumayo.
Natawa naman si Bela at may kinuha sa bag niya.
“Here, I forgot to give you money,” aniya rito at inilagay sa ibabaw ng mesa ang iilang bundles ng pera. Nagningning naman kaagad ang mukha ng binata.
“Thank you, Bela. You’re the kindest ever,” wika nito.
“Sus! Matutuwa sana ako kung ‘di kita narinig kanina,” aniya at inirapan ito saka umalis na.
Sumakay na siya sa kaniyang sasakyan at umuwi.
Pagdating nga niya ay saktong kararating lang din ni Steven.
“Oh, ngayon ka lang din umuwi?” tanong nito sa kaniya.
“Oo, nalingat ako sa oras,” sagot niya at napalunok.
Lumapit ito at pansin niyang parang hirap itong maglakad.
“What happened? Okay ka lang ba?” usisa niya rito. Nilapitan niya ito at inalalayan. Hindi naman ito makatingin sa kaniya.
“Naglaro kami ng golf kanina saglit ng mga kaibigan ko. One of them accidentally hit my crotch,” anito. Napangiwi naman si Bela.
“Ow! That must have hurt a lot,” komento niya rito.
“I’m fine, may clinic naman du’n. The doctor assured me na okay na okay lang ang little Steven ko,” nakangiting sagot nito.
Nakagat naman ni Bela ang labi niya at nginitian ito.
“Tara na?” aya niya rito. Tumango naman ito at akmang hahawak sa braso niya nang mapaigtad siya. Handa na siyang bugahan ito ng apoy nang kumunot ang noo nito at halatang nag-aalala. Kumalma naman siya.
“What happened? Ba’t may sugat ka?” tanong nito.
Natigilan naman saglit si Bela.
“Malayo sa bituka,” sagot niya lang.
“Kahit na, ano ba ang nangyari? You must be careful next time,” anito.
“Tinuturuan ko kasing mag-bike ang pamangkin ko kanina. Siyempre bata pa, may pagkatanga kaya ayun. Ako na lang ang nag-bike at dumeritso ako sa sementadong daan,” paliwanag niya. Hindi niya ito tinitingnan para hindi halatang nagsisinungaling siya.
Tiningnan lamang siya ni Steven at nakangiti ito sa kaniya. Nakakahawa ang ngiting iyon.
“Bakit?” tanong niya.
“Hindi ka ba magpapa-cute sa ‘kin?” tanong nito.
“For what? I’m not cute,” sagot niya rito.
Lalo lamang natawa ang asawa niya at napailing.
“Let’s get inside,” anito at hinawakan ang kamay niya.
Matapos niyang maligo ulit at mag-blower ay humiga na siya. Siya namang pagpasok ni Steven. Lumapit ito sa kaniya kaya napalunok siya. Maingat nitong inaangat ang kaniyang kamay at nilagyan ng gamot iyon. She didn’t even flinch.
“Hindi ba masakit?” tanong nito habang hinihipan iyon.
“Masakit, pero hindi naman masiyado,” sagot niya na halos pabulong na lamang. Nag-abot pa ang tingin nilang dalawa at hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya kayang umiwas. Malakas ang self-control niya pero ngayon parang gusto na lang niyang lamukusin ng halik ang asawa.
Ngumiti lamang si Steven sa kaniya at nang matapos ay tumayo na ito at tumabi na sa kaniya.
“May lakad ka ba bukas?” tanong nito.
“Hindi ko alam,” sagot niya.
“May party akong a-attend-an bukas, can you come with me?” tanong nito.
“P-Party?”
“Oo, charity gala,” sagot nito.
Napaisip naman si Bela. Wala naman sigurong nakakakilala sa kaniya roon. Isa pa, discreet ang pagkatao niya. Maliban lang kung invited doon ang papa niya or ang kapatid niya talagang ibang usapan na iyon.
“S-Sige,” aniya.
“Okay, I’ll let my assistant take care of your clothes,” sambit nito.
Tumango naman siya at tumalikod na rito. Ramdam niyang nakatitig ito sa kaniya pero tiniis niya. Baka isang maling lingon lang at may mangyayaring hindi dapat.