Chapter 12

2718 Words
Pumasok na si Bela sa condo niya at kaagad na nakita si Ryx na busy sa kinakalikot nitong laptop. “How’s life, idiot?” Ilang salit pa ay tarantang napatayo naman si Ryx at binati siya. “W-Welcome back, boss,” anito. Hindi pa ito makatingin sa kaniya nang deritso. Nilapitan niya ito at tiningnan ang ginagawa. “Hmm, lots of transactions ha. I’m sure you made a report for me,” sambit nito. Tumango naman ito kaagad. Umupo si Bela sa couch at napasandal doon habang nakatingin sa binata. “How much did you make while I’m gone? I’d expect that it’s much more,” aniya rito. Napakamot naman sa ulo niya si Ryx. “May ibang transactions na nabulilyaso,” wika nito. Natigilan naman si Bela at tumango-tango. “It’s fine! Now that I’m back, I’ll fix it,” aniya. “Paano ka pala nakaalis sa lugar na ‘yon? I tried to locate you pero hindi kita makita,” anito. “Kuz that jerk made sure that I’m unreachable. Sinigurado ng hudas na ‘yon na hindi ako makakatakas,” sagot niya. “But you did,” manghang sambit nito. “How did you manage to escape?” dagdag nito. Itinaas naman ni Bela ang kaniyang kaliwang kamay. “Ow! Kawawa ka naman. Ano ba ang pinagagawa mo sa lugar na ‘yon at sobrang nag-iba ang kamay mo?” tanong nito. Sa inis ni Bela ay nabatukan niya ito. “Bobo talaga,” inis niyang sambit. Nagtaka naman ang assistant niya. “Can’t you at least think outside the box? Common sense na lang dahil nagtanong ka. Look at my ring finger, will you?” singhal niya rito. Napakamot naman ito sa ulo niya. “I get it, I saw it. Pero ano ba ang meron sa singsing na ‘yan?” tanong nito. “Ay gago,” reklamo ni Bela at stress na tiningnan siya. “Kapa may suot na singsing sa ring finger ano ba ang ibig sabihin nu’n?” asik niya at nawawalan na siya ng pasensiya rito. “It means... someone gave it to you? Or did you purchase that today? That’s quite expensive,” sagot nito. Bela closed her eyes in total annoyance. Parang gusto na lang niyang ibalibag ang binata. He’s getting into her nerves. “Bobo talaga. It means I’m married you idiot!” singhal niya rito. Napakurap-kurap naman ito. Ilang sandali pa ay tinawanan siya. “I’m sorry, late reaction ang tawa ko. Iniisip ko pa kasi kung joke ba ‘yon o hindi. Wala ka namang boyfriend kaya I assume hindi ka talaga married,” wika nito. Nawala ang ngiti sa labi nito nang makitang hindi na umiimik ang boss niya. Sobrang lamig ng tingin at parang anytime ay pupututan na siya ng ulo. “B-Boss,” sambit nito. “I’m really married, Ryx. I’m not bluffing,” seryosong saad niya. Napilitin naman ang binata na ngumiti. “Was he from the other organization? Kaya ba nakaalis ka sa lugar na ‘yon? Natawag mo at tinulungan ka?” usisa nito. Umiling naman siya. “No, he’s just an ordinary person. Taga-roon at inaya ko siyang pakasalan ako para madala niya ako rito and he agreed. That’s why here I am,” paliwanag niya. “May depikto ba?” tanong nito. Inis na kinuha naman ni Bela ang vase sa gilid at binato ito sa assistant. “Lintik na ‘to! Ano ba ang akala mo sa ’kin basta -basta na lang na papatol sa kung sino?” singhal niya rito. “I know you. Wala kang hinihindian,” anito. “Goodness! Sumasakit na ang ulo ko sa ‘yo. I’ll bring him someday. I’ll introduce you to him,” saad niya. “Does he know?” usisa nito. She shaked her head. “Paano kung malaman niya ang totoo about you?” usisa nito. “Ikaw ang una kong papatayin. Nakasalalay sa ‘yo ang marriage ko. Kung masisira iyon dahil lang sa trabaho ko sisiguradohin kong hindi ka na hihinga pati sa next life mo,” banta niya rito. “Grabe ka naman! You’re so cruel. Pati love life mo ako pa ang mamomroblema,” reklamo nito at napabusangot. “Mag-utos ka rin ng tauhan na magbabantay sa kaniya, we’ll never know,” aniya rito. “Noted.” “Any news from that Stefano Monti?” tanong niya rito. Matagal na niya itong pinoproblema dahil sa mga transactions nitong hindi niya mapasok-pasok. Masiyado itong mailap at ito ang dahilan ng stress niya maliban sa iba na mabilis lang naman niyang nagagawan ng paraan. Hirap na hirap siya rito at talagang kalaban ang tingin sa kaniya. “None, maliban lang sa naagaw nila ang mga kontrabando galing Brazil,” sagot nito. “That brute!” galit niyang wika. “Wala ka bang ibang impormasiyon tungkol diyan? I just want to see his damn face para alam ko kung sino ang kinakalaban ko,” matigas niyang sambit. “Just like you, he’s hard to trace. Para siyang hindi nag-e-exist sa mundong ‘to. Pero matunog ang pangalan sa underground. Parehong-pareho kayo. Baka nga nagkita na kayo pero dahil hindi niyo kilala ang isa’t-isa kaya maswerte kayo kahit papaano,” sagot nito. “Magagawan mo ba nang paraan? Makakahanap ka ba ng litrato niya?” tanong niya rito. “Susubukan ko.” “You better do, para naman makahinga na ako nang maluwag. That’s your assignment.” Tumayo na siya at pumasok sa kaniyang kuwarto. Kinuha niya ang iilang gamit niya at damit. Nasa isang maleta lang iyon. Lumabas na siya at kita niya ang pagkunot nang noo ni Ryx. “Aalis ka? Bela, you have a lot of work to do right now. Hindi puwedeng aalis ka kaagad. You need to help me,” reklamo nito. Natawa naman nang pagak si Bela. “That’s your work now, Ryx. Remember, I’m married kaya hindi na ako mag-i-stay rito. If you have anything to say, just call me, okay?” wika niya at lumabas na. Naiwan naman si Ryx na nakabusangot. Gusto na niyang umiyak. Hindi yata matatapos ang taon na ‘to na hindi ubos ang kaniyang buhok sa sobrang stress. Pumara na ng taxi si Bela at nagpahatid sa bahay nila. Siguradong nandoon silang lahat. Hindi na siya makapaghintay na bugbugin si Hades. Nagbayad na siya sa driver at bumaba. Pumasok na siya sa loob at tinikwasan lang ng kilay ang guard. “Hello, family!” bati niya sa mga ito na nag-uusap sa sala. Halos lahat nandito maliban sa kaniya. Kita niya ang gulat sa mga mata nito. “Bela?” ani ng kaniyang ina. “Hi, Mom. Mukhang nagce-celebrate kayo ah. Sa pagkawala ko ba?” sagot niya at hinanap kung nasaan si Hades. Nang mamataang nasa gilid ito ay mabilis niyang naikuyom ang kaniyang kamao at nang malapitan ay pinagsusuntok ang mukha’t tiyan nito. Kaagad na namilipit ito sa sakit. “Bela,” gulat na sambit ni Elinor. “Yes, Eli?” sagot niya rito. Hindi naman nakapagsalita ito nang makitang walang ni katiting na awa sa mukha niya. “Bela!” Napatingin silang lahat nang makita ang ama niya na pababa sa staircase at nakaamba na ang mga brasong yumakap sa kaniya. She grinned and waited her father. “How are you, daughter?” tanong nito sa kaniya. “I look fine, didn’t I? Ine-expect mo ba Dad na wasted ako? Iniisip mo ba na magmumukha akong basurera after niyo akong itapon sa impyernong lugar na ‘yon?” nakangiting sagot niya rito at niyakap ito. “You might be my father, but we’re both individuals. Gawin niyo ulit sa ‘kin ‘to at may paglalagyan kayo,” sambit niya. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi nito. “Sounds promising,” anito sa banta niya. Umayos naman nang tayo ang kaniyang ama at nginitian siya. He looks proud. “It’s your brother’s idea,” sagot nito. Nanlaki naman ang mata ni Hades sa tabi. “Dad! You agreed on it,” sabat nito. Pinanlisikan naman ito nang tingin ni Bela. “From now on? You don’t tell me what to do. Hindi na ako papayag at lalong hindi na ako makikinig sa inyo. You’re both worse than an animal,” singhal niya sa dalawa. “What happened, Bela?” sabat ng Kuya Gideon niya. Mabilis na napasimnagot naman siya at humawak sa braso nito. “Pinatapon nila ako sa isang lugar na panahon pa yata ni kupong-kupong at hindi ma-trace sa sobrang layo. I suffered there. Ilang beses akong binully at kamuntik pa akong ma-rape. See their faces? There’s no remorse there, Gideon. I really hate them!” reklamo niya na parang bata. “I bet my life, she didn’t let that happen,” sabat ng isa pa niyang kambal. Sinamaan niya naman ito nang tingin. “When I’ll met Alice, sisiraan kita sa kaniya. I’ll convince her to find another man. Hindi niya dapat inuubos ang oras niya sa tulad mong damuho,” aniya rito. Kaagad na natahimik naman ito at nagtago sa likod ng mommy nila. “Muntikan ka ng ma-rape? Infernu!” galit na wika ng ina niya. Alanganing napangiti naman ang ama niya. “Yes, sweetheart?” malumanay nitong sagot at tiningnan si Bela. “Sorry, dear. How’s their state?” tanong ng ama niya sa kaniya. Natigilan naman siya. “Mas concerned kayo sa mga animal na iyon kaysa sa ‘kin?” gulat niyang tanong sa mga ito. Ang ekspresyon ng mukha nila ay halatang oo ang sagot. Naikuyom niya ang kaniyang kamao. Sino nga ba naman ang maniniwala sa kaniya? “They’re still alive. Hindi ako puwedeng pumatay ng tao roon dahil lungga ng mga outlaws ‘yon. Isa pa, nabawian ko na rin naman kahit papaano,” sagot niya sa ina. Nakahinga naman ito nang maluwag. “It’s a miracle! The place made you grounded. You choose peace over violence. See? May maganda naman pa lang naidulot ang lugar na ‘yon sa ‘yo,” sabat ng kambal niyang si Hades. “Why don’t you go there instead?” asik niya rito. “Wait! How did you escape? What did you do to Doding?” tarantang tanong ng kaniyang ama. Napangisi naman siya rito. Kita niya ang kaba sa mukha nito. “What do you think, Dad?” sagot niya rito. “No, no, no,” anito. Napaikot naman ang mata ni Bela sa narinig. “See that, Mom? Mas nag-aalala pa siya kay, Doding kaysa sa ‘kin,” aniya at nabibwesit na siya. Hindi naman makapagsalita ang kaniyang ina. Alam niya kasing mas mag-aalala pa talaga ito sa matanda kaysa sa kaniya. “I did not kill her, okay?” inis niyang wika at umupo na sa ilid. Itinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay at ipinakita ang singsing. Napatingin siya sa mga ito at tila wala namang mga pakialam. Bumalik lang sa kinauupuan nila at nakatingin sa kaniya. “Hello?” aniya at ipinakita ulit ang palasingsingan. Tiningnan lamang siya ng mga ito na parang wala lang. “Hindi niyo ba nakikita?” asik niya sa mga ito. “Bela, ano ba ang sinasabi mo?” taong ng kaniyang ina. Huminga siya nang malalim. “See this ring on my finger? I’m married,” aniya. “WHAT?” they said in unison. Napangiti naman siya sa mga ito. “I’m married,” ulit niya. “May pumatol sa ‘yo?” “Alam ba niya na masama ang ugali mo?” “True, does he know how ruthless can you be? Oh my God! Ngayon pa lang naaawa na ako sa lalaking iyan. He’s clueless for sure.” Napahilamos naman si Bela sa mukha niya. Paano niya kaya makumbinsi ang sarili na huwag pasabugin itong bahay nila dahil pamilya niya ang mga ito? “Wala na ba talagang papatol sa ‘kin na matino ha?” singhal niya. Natahimik naman ang mga ito at nginitian siya. “A-Anak hindi naman sa ganoon. But where is he? Kilala ba namin siya?” tanong ng kaniyang ina. “Of course not! He’s the reason why I escaped that rotten place,” sagot niya. “Sinasabi ko na nga ba. Please, spare that man’s life, Bela. Alam kong mali iyong tinapon ka namin sa luar na ‘yon. Maawa ka sa tao. Maayos iyong namumuhay roon tapos ginulo mo. It’s my fault,” ani Hades. Bela gritted her teeth in anger. Sana kung may baril lang siya kanina niya pa ‘to pinakain nang bala. Hindi naman siya nagsalita kaya natahimik sila. Mukhang naalarma sa mood niya. “He’s just an ordinary person pero mayaman siya. He’s got good looks and he likes me. Nagbakasyon lang siya sa lugar na ‘yon and I grabbed the opportunity to escape that hell. Hindi ko siya pinilit, okay?” inis niyang paliwanag. “Ahh, ganoon naman pala.” “So, when will we see him?” tanong ng kaniyang ama. Nakangiti lang ito pero alam niyang may iba itong binabalak. Tumayo na siya at kumaway sa mga ito. “Soon,” sagot niya lang at umalis na. Rinig niya pa ang pagtawag sa kaniya ng ina niya pero hindi na siya nakinig. Kinuha na niya ang kaniyang kotse at nag-drive na pabalik sa bahay ni Steven. Pagdating nga niya ay nakita niya itong nakaupo sa sala at may kinakalikot sa laptop nito. “Work?” Gulat na napalingon naman ito sa kaniya at mukhang hindi napansin ang kaniyang pagdating. “Indulged masiyado sa ginagawa mo ah? Hindi mo man lang ako napansin,” aniya rito. “I didn’t hear your footsteps, sorry,” sagot nito. Nagkibit-balikat naman si Bela at umupo sa kaharap nitong upuan. “How’s your day?” usisa ng binata. “It’s hellish,” tipid niyang sagot at napahiga sa couch. Nakatitig lang siya kay Steven na busy sa ginagawa nito. “What are you doing?” tanong niya rito. “Making money,” sagot nito at nginitian siya. Bela just stared at him. Iba ang kilos nito. Meticulous sa gamit at parang may pagka-OC. Noon pa man sa bahay nito ay napansin na niyang sobrang linis ng asawa niya. “You went to your parents’ house?” tanong nito. “Hmm, ba’t mo alam?” “I presume you did, iyon naman ang ginagawa ng anak kapag babalik na,” sagot nito. Tumango naman si Bela. “I’m glad you use your brain,” sagot niya lang dito. Natigilan naman si Steven sa ginagawa niya at inispatan siya ng tingin at nginitian. “Are you proud?” tanong nito. Nakibit-balikat naman si Bela. “Nakakapagod kausap ang tanga,” aniya. Steven just laughed. “Kumain ka na ba? Hindi ka kumain kagabi,” anito. His voice was in low register. Maganda pakinggan at malumanay. Bakit nga ba ngayon niya lang ito napansin? Dati talagang nanunuot sa kasulok-sulokan ang inis niya rito. “Busog pa ako,” sagot niya at ipinikit ang kaniyang mga mata. “I’ll cook for you,” wika nito at tumayo na. “Wait!” Hindi naman ito nakinig at dumeritso na sa kusina. Tumayo naman siya at sinundan ito. Kumuha ng karne sa refrigerator at sinimulang i-thaw iyon. Nakaupo lang si Bela at sinusundan ang kilos nito. “Cup noodles lang ang kaya kong lutoin,” sambit niya out of nowhere. Napangiti naman si Steven. “Then, I’ll cook more often for you kapag hindi ako busy,” sambit nito. “Thanks,” aniya. Nagpatuloy sa ginagawa niya ang binata at wala namang maitulong si Bela. “My family wants to see you,” aniya. “I’m free anytime for them,” sagot nito. “No, huwag muna ngayon. I want to annoy the hell out of them. Gusto ko silang bawian. Kaya magtiis sila kung kailan kita ipakikilala,” wika niya. Natawa naman si Steven. “Are you hiding something from me?” tanong nito habang naghihiwa ng mga pangsahog. Nakatingin lang si Bela sa knife skills nito at sobrang galing. “You’re a pro,” komento niya. Kinindatan lamang siya nito. “This is my profession, of course!” sagot nito. “You’re a chef?” tanong ni Bela. Numiti lamang si Steven. “If that’s what you call it, yes,” he answered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD