Chapter 11

2663 Words
Nakaupo lang sa nakatumbang kahoy si Bela at sa gilid iyon ng daan. Sumisipol at panaka-nakang humihithit ng sigarilyo. Ilang saglit pa ay napangiti siya nang makita ang tatlong lalaking naglalakad papunta sa kaniyang gawi. Hinintay niyang makalapit ang mga ito. Tila gulat pa nang makita siya at mukhang nagmamagaling. Hinithit niya muna ang sigarilyo niya bago iyon itinapon. “Uy, nandito pala si ganda. Gusto yatang maulitan eh,” wika ng lalaki at nagtawanan pa sila. Napangiti naman si Bela at tumayo saka hinintay na lapitan pa siya lalo ng tatlo. “Na-miss mo ba kami? Gusto mo bang maayos na ang ganap natin?” tanong nu’ng isa at lumapit sa kaniya. Nginitian niya na naman ito at hinawakan ang mukha. Mahinang tinapik-tapik na ikinatawa nito. Napatingin pa sa mga kasama niya sa likuran. Isang segundo lang at hindi na naibalik pa ang mukha niya sa harap. She just snapped it. Nawalan naman ito ng malay. Hinawakan niya sa balikat at basta na lang na tinulak. Ginawa niya pang tulay ang katawan nito at inapakan ang leeg papunta sa dalawang lalaki na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya. “Mukhang magaling na ang mga pasa niyo ah,” komento niya at hinawi ang kaniyang buhok. Napaatras naman ang dalawa at masama ang tingin sa kaniya. “A-Ano ang gagawin mo? Sa tingin mo ba kaya mo kami ha?” hamon sa kaniya ng isa pang kasama nito. Napangiti lamang si Bela at tinawag ito para lumapit. “Paano niyo malalaman kung atras kayo nang atras? Lumapit kayo, hindi ako nangangain,” kalmadong sambit niya. Napalunok naman ang kasama nito. Akmang susugod naman ang isa nang mabilis na sinipa niya ang tuhod nito kaya napaluhod. In-uppercut ang mukha at hinawakan nang mahigpit ang buhok hangang sa hirap itong nakatanga sa kaniya. Paulit-ulit na sinuntok niya ang tiyan nito at hindi niya tinigilan hanggang sa napaubo ito ng dugo. Inayos niya ang kaniyang buhok at tinawanan ang binata. “Akala ko ba matapang kayo? Nu’ng ako lang mag-isa para kayong kung sino ah. Ngayon, nagkita ulit tayo,” aniya at hinayaan itong mamilipit sa sakit sa lupa. Sinipa niya ito kaya napatihaya. Inapakan ang p*********i nito at ilang beses iyong tinadyakan. “Nakalimutan mo na bang hinubad mo ang sinturon mong hayop ka?” aniya rito at sinipa ulit ang p*********i nito. Napaungol ito sa sakit bago nawalan ng malay. Sunod niyang tiningnan ay ang lalaki sa unahan. Mabilis itong tumakbo palayo nang batuhin niya ito at sumapol sa noo nang lumingon. Napatid pa ito sa damo kaya deritsong napahalik sa lupa. “Pagsisisihan mo ito. Hindi mo kilala ang binabangga mo. Baguhan ka lang dito,” sambit nito habang nanginginig sa galit na nakatingin sa kaniya. Tinitigan niya lang ito at hindi kumukurap. Napalunok ang binata. “Sa tingin mo natatakot ako?” nakangiti niyang sagot. “Ano ba ang akala mo? Hahayaan ko kayong basta-basta na lang? Swerte niyo naman kung ganoon,” aniya at Kumuha ng lubid. “Tayo ka! Hilahin mo mga kasama mo. Kita mo ‘yon kahoy du’n? Dalhin mo,” utos niya rito. Nag-aalangan pa ito nang jojombagin na naman sana niya nang mabilis pa sa alas-kuwatrong tumayo at hinila ang dalawang kasama nito. Sumunod naman siya at kumuha ng bunga ng bayabas sa gilid at kinain ‘yon. “T-Tapos?” tanong nito. “Ibitin mo,” sagot niya. Nanlaki naman ang mata nito kaya natawa si Bela. “Joke lang! Ito naman,” aniya. Lalo namang natawa si Bela at akmang kukunin ang lubid nang nagisisgaw na ito sa takot. “Chill, kukunin ko lang ang lubid,” saad niya rito. Naghalo na ang luha at uhog nito. “Kadiri ka,” aniya. “Paalisin mo na kami, hindi na naming uulitin ‘yon,” nagmamakaawang sambit nito. “Tali mo,” utos niya rito. “H-Ha?” “Itali mo iyong sarili mo kasama iyang dalawa,” inis niyang wika. “P-Pero—” Sinamaan niya ito nang tingin. “Tang-ina mo ah. Huwag mong hintaying bituka niyo ang ipagbubuhol-buhol ko sa inyo,” banta niya rito. Mabilis naman ang kilos ng binata at pinagtatali ang mga kaibigan niya. Humahagulgol lang ang binata nang matapos ito. Sa tingin naman niya ay mahirap iyong tanggalin. Tiningnan niya ito at inilingan. “Ingay mo,” reklamo niya. “Hindi naman kasi ako dapat sasama sa kanila eh,” sagot nito habang umiiyak. Nasira naman ang mukha ni Bela sa nakikita. Talagang ang pangit nitong tingnan. Imbis na maawa ay lalo pa siyan nainis. “May lighter ka ba riyan?” tanong niya rito. Umiling naman ito. “Ano ba ‘yan? Mga walang silbi,” reklamo niya at huminga nang malalim. “Ito ha, this will serve as a warning. Sa susunod na gawin niyo ulit ‘to sa ibang babae, sisiguradohin kong patay kayo sa ‘kin,” seryosong wika niya. “baka inaakala niyo ay hindi pa ako nakakapatay ng tao. Sa susunof kilalanin niyo muna bago niyo pag-trip-an. Mabait naman ako eh. Kaso hindi ko talaga matanggap ang ginawa niyo sa ‘kin. Lalo na ‘tong taong ‘to oh,” aniya at sinampal ang lalaking wala pa ring malay sa tabi ng binata. Tinutukoy niya ang binatang naghubad ng suot nito. Talagang umiinit ang ulo niya ‘pag naaalala niya. “S-Sino ka ba talaga?” tanong nito. Nginisihan niya lang ito. “Swerte mo naman kapag nalaman mo kung sino ako. Ito ha, payo ko lang. Huwag niyo ng tangkaing magsumbong o magpatulong kahit kanino. Kahit ilang daan pa kayo, hinding-hindi niyo ako matatalo,” aniya at tumayo. “Sige na, mainit na ang araw. Una na ako sa inyo, adieu!” aniya at tumalikod. “Sandali! Tulungan mo muna kami rito. Sandali!” sigaw nito. Kumaway na lamang siya rito nang hindi lumilingon at dumeritso na sa bahay ni Steven. Nandoon ang tatlo at tila hinihintay siya. “Akala namin kung ano na ang nangyari sa ‘yo,” ani Doding. Nagkibit-balikat naman siya at tiningnan si Steven. “Alis na tayo?” tanong niya rito. Tumango naman ito. Hindi niya alam kung ano ang nakain nito at tila wala sa mood. Wala naman siyang pakialam. Good mood siya ngayon. Hindi puwedeng mahaluan. “Let’s go,” wika ni Steven at lumabas na. Sumunod naman siya at may nakaparadang van sa labas. Tahimik lang sila sa biyahe. Tinatandaan niya ang bawat dinadaanan nila hanggang sa huminto sila sa isang port. Akmang kukuin niya nag kaniyang bag nang kusang dalhin na iyon ni Steven at bumaba. Kumuha ng tocket si Rufos at nang makakuha ay pumasok na sa barge. “Ba’t hindi ko naramdaman na sumakay ako nu’ng napunta ako rito?” mahinang tanong niya kay Doding. “Tulog na tulog ka,” sagot nito. Napatango lamang siya. Grabeng tulog naman iyon at ilang oras din, ni hindi niya man lang naramdaman ang paligid. “I think Hades did something,” wika niya. “Mukha nga, imposible naman kasing hindi mo alam,” saad ni Doding. Ilang saglit pa ay umupo na sila. Tabi sila ni Steven na sobrang tahimik lang. “Ang tahimik mo yata?” tanong niya rito. Tiningnan lamang siya nito at bumusangot. “Hindi ka dapat umalis kanina nang hindi nagpapaalam. Akala ko kung ano na ang nangyari sa ’yo,” wika nito. Natigilan naman si Bela at saka lang naintindihan ang pinagtatampo nito. “Importante umuwi akong buhay,” sagot niya rito. Natigilan naman si Steven at bored na tiningnan siya. “What?” tanong niya rito. Hindi naman ito sumagot at umiling lang. Ilang salit lang ay tumayo ito. “Saan ka?” she asked. “Bibili ng food mo,” he answered. “I’ll go with you,” aniya. Akmang aayaw sana ang asawa niya subalit hindi na nagreklamo pa. Ayaw yatang makipag-away sa kaniya. May canteen naman sa loob ng barge kaya pumunta na sila roon. Pansin din ni Bela ang kasabay nilang bumili. Habang nasa linya nga ay todo ang pagpapapansin nito kay Steven. Tila wala lang naman ang asawa niya kaya nabubuhay ang inis niya sa katawan. “Kakakasal lang natin ganiyan ka na?” aniya rito. Kunot-noong tiningnan naman siya nito. “What?” Tila hindi naman alam ni Steven kung ano ang sasabihin dahil wala siyang ideya tungkol sa sinasabi nito. “Ahm, mauna ka na,” wika ng babae sa unahan nila kay Steven. Sumama naman ang hilatsa ng mukha ni Bela at tinikwasan ng kilay si Steven. “No, I’m fine here,” sagot ni Steven. “No, I insist,” sagot naman ng babae. Nilingon naman siya ni Steven at tila tinitingnan ang ekspresyon niya kung sang-ayon ba siya o hindi. “Sige mauna ka na, para naman nasa likuran mo siya at magkapagkunwari siyang madadapa tapos sasaluhin mo. Kunwari napatid siya kaya matutumba siya papunta sa ‘yo. Baka gusto mo rin dahil malaki naman ang s**o niya. Para kahit papaano madampian ng ayuda iyang likod mo,” malditang saad niya. Steven was dumbfounded hearing those words from her. Napangiti na lamang ito at hinila siya saka inakbayan. “You go first,” anito sa babae. Tiningnan pa ng babae si Bela. Hindi naman siya nagpatalo sa tingin nito at tinaasan din niya ng kilay. Mukhang hindi pa masaya at napurnada ang pakikipag-flirt sa asawa niya. Nang matapos itong um-order ay pinakitaan pa niya ng middle finger. “Bad,” ani Steven at natawa sa kaniya. Sinamaan niya naman ito ng tingin at iniwanan. “Bela! Sandali!” tawag nito at nagmamadaling kinuha ang order nila’t sinundan siya. Tila wala namang narinig ito. Makalipas ang ilang oras ay dumaong na sila. Bumaba na at may naghihintay na sasakyan. Kaagad na pumasok sila at paagod din siya sa biyahe kaya ipinikit niya na muna na kaniyang mata. “Puwede kang humilig sa ‘kin,” wika ni Steven. “No thanks,” sagot niya. Hindi na rin nanulit pa ang asawa niya. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang mahinang pagtapik nito sa kaniyang mukha. “Hmm..what?” aniya at ibinuka ang kaniyang mata. Pareho silang natigilan nang mag-abot ang kanilang paningin. Steven swallowed hard. Napakaganda ng mga labi ni Bela. Soft, pinkish, and plump. Para bang iniimbita siyang halikan ito. “Matutunaw na ako katititig mo. Why don’t you kiss me instead of staring,” deriktang sambit nito. Kaagad na lumayo naman si Steven sa kaniya at inayos ang sarili. “We’ll get there,” anito at umubo nang peke. Natawa naman si Bela. “Nandito na tayo,” wika ni Steven. Inalalayan pa siya nitong makababa. Nang makababa nga ay nakatingin lamnag siya sa bahay. Nasa isang exclusive subdivision sila. Pare-pareho lang naman ang kulay at laki. Mukhang may kaya nga itong asawa niya. “Nauna na sa loob si Doding at Rufos,” saad nito. Tumango lamang siya. “Where’s my room?” tanong niya rito. “Follow me,” wika nito. Sumunod naman siya at natigilan nang makitang isang pinto lang na nasa second floor. “Here’s our room,” nakangiting sambit nito. “One room huh?” aniya rito. Kinindatan lamang siya ni Steven kaya napairap na lamang siya. “In your dreams,” sambit niya. “Don’t worry Bela, hindi kita pipilitin. I’m sure, ikaw rin ang magkukumahog sa ‘kin,” proud nitong sambit. “We’ll see,” sagot niya at humiga sa kama. Steven just smiled at her sweetly. “Aalis ako bukas,” ani Bela. Kumunot naman ang noo ni Steven. “Saan ka pupunta?” usisa nito. “I’ll just surprise my family. Gusto ko silang bisitahin. It seems like they don’t miss me eh,” sagot niya. “You want me to come with you?” tanong nito. Tiningnan naman ito ni Bela at nginitian siya nang tipid. “Soon, huwag muna ngayon. I just want to give them the biggest surprise in their lives,” aniya. “Just tell me if you need anything,” sambit nito. Umiling naman siya rito. “Don’t worry, I have my cards here. I need to rest. Hindi na rin ako kakain,” anito at humiga na saka tinalikuran ito. Steven just smiled and listed his phone number. “Call me tomorrow, if you need someone to fetch you.” “Thanks,” tipid niyang sagot at ipinikit na nag kaniyang mga mata. KInabukasan ay maaga siyang nagising at naligo. Pumunta siya sa sala at tinawagan ang numero ni Ryx gamit ang telepono. “Hello?” Napangiti si Bela nang marinig ang boses nito. “It’s been a long time,” aniya lang. Kagyat na natigilan ang kabilang linya. Natawa naman si bela. Ang tawan alam niyang ,magpa-panic ito. “B-Boss, napatawag kayo? M-May signal na riyan?” tanong nito. His voice is surely shaking. “Matatawagan ba kita kung nandoon pa rin ako? Goodness! I missed your idiotic attitude,” aniya. “Pinauwi na kayo ni, Boss Infernu?” tanong nito. An icy cold smile formed on her lips. “I’ll be there later,” sagot niya at pinatay na ang tawag. “Bela!” tawag sa kaniya ni Doding. Galing ito sa kusina. Napakunot-noo siya nang makitang tila pagod na pagod ito. “What happened to you?” tanong niya rito. Napangiti naman ito at kagat-kagat pa ang kaniyang labi. “May masakit ba sa ‘yo? Ano? Are you having a heart attack?” nag-aalalang tanong niya rito. Sinamaan naman siya nang tingin ni Doding at umirap pa. “Taragis ka talaga! Kinikilig lang ako no. Sobrang saman a ba ang mukha ko para magsalita ka nang gabiyan ha?” tanong nito sa kaniya. Bela pursed her lips and suppressed her laugh. Hindi naman niya sinasadyang mapag-isipan ito nang masama dahil akala niya namimilipit ito sa sakit kaniona. “Sorry na kasi,” aniya rito. “Tsk.” “Oo ng apala, aalis ako mamaya. Nandiyan naman si Rufos. Magpasama ka kaya s akaniya? here’s my credit card. Buy anything you want. Walang limit ‘yan,” saad niya. Nanlaki naman ang mata ng matanda at malapad na ang ngiti sa labi. “Okay ka na?” tanong niya rito. Tumango-tango naman ito. “Bibili ako mansion, puwede?” anito habang nakangisi. “Do you want me to recommend you a great agent?” tanong niya rito. Napanganga naman ang matanda sa sagot niya. “Bakit? Hindi ka na yata nagsasalita riyan. I’m asking you, Ding,” aniya rito. “Ito naman, jino-joke lang kita. Napakaseryoso mo naman sa buhay,” sagot nito. “Come on, Ding. As I said, you can buy whatever you want. Maliit na bagay lang ‘yan.” “Salamat,” anito. Tumango lamang si Bela. “Pupuntahan mo ang papa mo?” usisa nito. “Uh-huh.” “Malalagot ako kapag nalamna niyang nagkakuntsaba tayo,” wika nito. “Sila ang malalagot sa ‘kin, Ding. Don’t be scared, I’m here,” aniya. “Saka huwag kang matakot sa kanila, mas matakot ka sa ‘kin,” dagdag pa niya at inayos ang buhok. “Bela!” Napatingin naman siya sa hagdan nang makita si Steven pababa. Ang guwapo nito sa suot niya. Halatang hindi na probinsiyano. naaayon na sa lugar ang suot nito. Napalunok siya. He’s breathtakingly handsome. “Alis ka na?” tanong nito. Tumango naman siya. Tinitigan siya nito saglit at tinnaguhan. Tila hindi pa ito kumbinsido. “Will you really be fine alone?” paninigurdao ito. Bela reached his hair and smiled. “Na-aalangan ka ba? Gusto mo akong samahan?” tanon niya rito. Namulsa naman ang binata at tumango. “I wanted to, pero hihintayin ko na lang ang panahong iyon. Nag-usap na tayo kagabi,” saad nito. “Good, I’ll go now,” paalam niya at walang lingong likod na umalis. Naiwan naman si Dodin at Steven na nakatingin lang kay Bela. “Tibay no?” ani Doding. “Super.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD