Chapter 10

2750 Words
“Bela! Tara na kasi,” tawag sa kaniya ni Doding. Pinipilit siya nitong sumama sa birthday ni Steven. Pero heto siya at nakahilata. Talagang napagod siya ngayong araw. “Ayaw ko, ikaw na lang. Gusto ko ng matulog,” wika niya rito. “Ito naman oh, hindi ba nag-usap na tayo? Pupunta tayo ru’n kapalit ng mga karne. Purgang-purga ka na ‘di ba? Sige na. Nandoon ang Bebe Rufos ko,” anito at naiiyak na. “Eh ikaw na lang, puwede ka namang pumunta roon na wala ako,” sagot niya rito. “Hindi nga puwede, hindi ako lalapitan nu’n,” sambit nito at bumusangot. Tiningnan naman niya ito. “Hina mo naman. Tumanda ka na lang pero hindi mo pa rin nai-iskoran ang isa pang matandang ‘yon,” reklamo niya. “Hindi matanda ang forty-two no,” asik nito. “Hmm.” “Sige na kasi. Ano ba ang puwede kong gawin para mapapayag kita?” tanong nito. Nagningning naman ang kaniyang mga mata sa sinabi nito. Napalunok naman si Doding. Alam niyang may masama itong binabalak. “Sabihin mo sa ‘kin kung paano ako makakatakas dito. Alam kong may iba pang paraan,” wika niya. Natigilan naman si Doding at nagmukmok sa gilid. “Wala na, ang ama mo lang ang may alam,” sagot nito. “Ding, siguro naman naiintindihan mo ako ‘di ba? Itong sitwasiyon ko ngayon hindi ko alam kung paano ko lulusutan. Masiyadong marami pa akong dapat gawin sa labas. Hindi ako puwedeng ma-stuck dito. I’ve been here for almost a month na. I can’t live here any longer,” paliwanag niya rito. “Eh sa wala na talaga akong alam eh,” nakasimangot nitong sambit. “T-Teka lang,” aniya. “Yes?” “May paraan pa,” anito at napangiti. “Ano?” “Makakaalis ka lang dito kapag may dadala sa ‘yo sa labas. Eh ang kailangan lang namang umalis sa lugar na ‘to ay ang mga mayayaman lang dahil maraming business sa ibang lugar. Kaming mga mahihirap ay wala namang ibang dahilan na umalis kaya nandito lang kami,” wika nito. “Tapos?” Ngumiti naman si Doding. “Jowain mo si Steven. Pagkatapos pakasal kayo rito at puwede na kayong umalis. Puwede kang sumama sa kaniya. Kaso, delikado. Kapag nalaman niya ang totoong trabaho mo ay baka iwan ka,” saad nito. Bela snapped her finger. “I offered him marriage yesterday,” aniya. “Ha?” “Naisip ko na rin kasi iyan. Puwede siyang escape-goat ko.” “Pumayag ba?” tanong nito. “That...” Tumayo siya at inayos ang sarili. “We should go there. Kailangan ko siyang kausapin ulit,” aniya at nauna na ring lumabas. Ngumisi naman nang malapad si Doding at eksayted na sumunod dito. Pagdating nga nila ay mukhang nagkakasiyahan na at nag-iinuman pa ng lambanog ang mga tropa ni Steven. Impit na napatili naman si Doding nang makita ang pinakamamahal niyang si Rufos. Nagigitara ito. Bagama’t sintunado ang boses ay bumawi naman sa pakuskos nito sa bawat string ng gitara. “Tingnan mo ang mga maugat niyang daliri. Paniguradong magaling pumingger ang palalab kong ‘yan. May tono bawat kuskos niya eh,” impit nitong wika at nakagat pa ang labi. “Para kang palakang hirap makakokak,” komento niya kay Doding. “Taragis ka ah,” reklamo nito saka kumaway kay Rufos na nagpapa-cute rin. Sumama naman kaagad ang hilatsa ng mukha ni Bela. “Magjowa ka na kasi para hindi ka nagiging ampalaya,” anito at nilapitan si Rufos. Kilig na kilig pa ito. Napailing na lamang si Bela. “Hi babe,” bati sa kaniya ni Steven nang makalabas ito ng bahay niya at kaagad siyang nilapitan. Ni wala itong pakialam sa ibang bisita niyang nakatingin sa kanila. Nginitian naman niya ito nang pilit. “Puwede ba tayong mag-usap?” tanong niya rito. Ngumiti naman ang binata sa kaniya. Mukhang tuwang-tuwa pa ito. “Alam mo kasi hindi ako madaling um-oo pero sige. Mamaya usap tayo. Kain ka kaya muna,” ay anito sa kaniya. Tumango naman siya. “Saglit lang,” anito. “Bakit?” “May nakalimutan ka,” saad nito. Mukhang may hinihintay. “Wala naman, huwag kang desisyon,” sagot niya rito. Umakto naman itong parang nasasaktan. “Hindi mo ako babatiin?” tanong nito. Natigilan naman si Bela. “Ahh...happy birthday,” wika niya. “Grabe! Iyan na yata ang bating sobrang walang emosyon pero sobrang saya ko pa rin,” anito habang nakangiti sa kaniya. Nagkibit-balikat lang ang dalaga. Iginiya na niya ito papasok at pinaupo sa bakanteng upuan. “Wala kang ibang bisita? Iyon lang sa labas?” tanong niya rito. “Yep! They’re my friends,” sagot nito habang hinahainan siya. Ilang saglit pa ay naghanda na ito ng pagkain at kumuha ng dalawang plato. “Kakain ka rin?” tanong niya rito. “Of course! Hinintay kita para sabay na tayo. Akala ko nga hindi ka pupunta rito eh,” sagot nito. “Napilitan lang ako,” sagot ng dalaga. Natigilan naman ang binata at kumuha ng balat ng litson at inilagay sa plato niya. “Kambyuhan mo naman iyang bibig mo at puro masasakit ang lumalabas,” anito at may tampo pa ang boses. Ngumuya naman si Bela at tiningnan siya. “Wala akong magagawa, iyon na ang nasa utak ko. Alangan namang lokohin ko ang sarili ko,” aniya rito. “Hindi ka yata pinalaki para maging sweet eh. Nandito ka para saktan ang damdamin ko,” anito. Napangiti naman si Bela. Natigilan naman siya nang makitang hindi na umimik pa si Steven. “Gago ka ba? Ba’t hindi ka na umiimik?” tanong niya rito at napailing. “Bagay sa ‘yong ngumiti. Lalo kang gumaganda,” wika nito. “Tsk.” “Ano pala ang gusto mong pag-usapan?” tanong nito. “Gusto mo ba akong jowain?” rektang tanong niya rito. Ngayon naman ay nabulunan na si Steven. “Woah!” anito at napainom ng tubig. “Kung ayaw mo akong jowain, puwede mo naman akong pakasalan. Tatanggapin ko ang apelyido mo kahit sobrang bantot. I’m willing to be your wife. To be Belinda Ramos Busilak,” wika niya. Napakurap-kurap naman si Steven na nakatitig sa kaniya. Saglit ay parang hindi mapakali si Bela dahil sa kakaibang titig nito. Iba iyon. Parang may something. Malayong-malayo sa palabiro nitong aura. Mukhang seryoso ito. “Once um-agree ako, mahihirapan ka ng humindi. You don’t know anything about me baka magsisi ka,” saad nito. “I’m well off, Steven. Kada buwan bibigyan pa kita ng allowance kahit magkano. Maalis mo lang ako sa lugar na ‘to, I promise you, maganda nag magiging kinabukasan mo,” sambit niya rito. Natawa naman si Steven at napakamot sa kaniyang batok. “Kaya naman kitang buhayin eh if ever,” sagot nito. “I am here because of my family. I’m a spoiled brat at masama talaga ang ugali ko. I’m a bit manipulative. Ang tanging gawin mo lang ay sumunod sa mga gusto ko. Iyon lang,” saad niya. “Not to brag, but I do have my own money too, Bela. Kaya rin kitang gawing reyna. It’s just that, hindi mo alam ang pinapasok mo,” anito. Tiningnan naman ito nang malalim ng dalaga. “Sa tingin mo ba hindi ko alam ang ginagawa ko? I won’t be eager as this, kung ginagawa kong baliw ang sarili ko,” sabat niya. “But you don’t know anything about me,” ani Steven. “Do you think I care? Ikaw lang ang may maayos na mukha rito kahit papaano. Ayaw ko namang mapahiya sa pamilya ko if ever ipakilala kita. Hindi sila maniniwala sa ‘kin kung pangit ang kukunin ko. You’re perfect for the role, Steven. Guwapo ka, may pera, matangkad, maganda ang pangangatawan, at may sabi,” anito. Napangiti naman ang binata. “Hindi ko alam na pinapantasyahn mo pala ako,” anito at proud na proud sa sarili. Pekeng nginitian naman siya ng dalaga. “Hindi ko na ngayon kasalanan kung ang utak mo’y singliit ng tungaw. Napaka-assuming mo. I’m just stating facts. I did not fantasize you, jerk,” aniya rito. Tumikwas naman ang kilay ni Steven. “I don’t like your attitude. Masiyado mo akong bina-badmouth. Mukhang marami pa namang iba riyan, sila na lang,” anito at nagpatuloy sa pagkain. “But I want you,” saad niya. Tiningnan naman siya nang seryoso ni Steven. “Don’t make decisions that you will regret later on,” seryosong sambit ni Steven. “Just by looking at you, I know I’m going to regret this, but who cares?” sagot nito. Nahawi naman ng binata ang buhok niya. “Kiss mo ako, para ma-seal ang usapan na ‘to,” nakangiting wika ng binata. Tumikwas naman ang kilay ni Bela sa kaniya. Ang buong akala ng binata ay hindi totohanin ng dalaga ang joke niya subalit tumayo ito at dumukwang saka hinalikan ang kaniyang labi. Ilang segundo rin iyon bago ito lumayo at bumalik sa kaniyang upuan. Gulat na gulat naman si Steven. “That’s my first kiss, no tongue included dahil hindi ko alam kun paano. So, okay na tayo?” tanong ni Bela sa kaniya na parang wala lang. Napakalamig nito kung tutuosin. Pero wala pang humindi sa karisma niya. Pasasaan pa’t matutunaw rin ito sa init ng pagmamahal niya. “Deal,” sambit nito. Itinaas naman ng dalaga ang kamay niya. “Wala akong sing-sing dito eh. Hindi ko napaghandaan,” sambit ng binata. Kumunot naman ang noo ni Bela. “where’s the five kilograms of meat? I need it now. Uuwi na ako,” saad niya. Natigilan naman si Steven at natawa. Bakit nga ba iba ang iniisip niya? Bela is so unpredictable. Kailangan na yata niyang sanayin ang sarili. “Wait,” ani Bela nang nasa b****a na ito ng pintuan. “Hmm? Anything else? Goodbye kiss ba?” tanong nito sa kaniya. “When’s the wedding? Can we have it as soon as possible? Baka naman kilala mo ang mayor dito?” tanong nito. “Ganiyan ka na ba kasabik sa katawan ko’t minamadali mo agad ang kasal natin?” nakangiting tanong niya rito. Tiningnan lamang siya ni Bela at nginitian saka hinampas ang balikat. “Feeling,” sagot nito at inirapan pa siya. He smiled sweetly at her. Kita niya pang umiwas ito ng tingin. “Tomorrow, at two pm. Pumunta ka rito, we’ll have our wedding. Ako na bahala sa papers. May PSA ka ba?” tanong nito. “Huh?” “PSA, Philippine Statistics Authority na birth certificate. We need it para sa registration ng kasal,” sagot nito. Napalunok naman si Bela. “I’ll bring it tomorrow,” aniya. “Okay, hatid na kita?” tanong nito sa kaniya. “Hindi ako pilay, at okay pa naman ang paningin ko. Malapit lang din ang bahay,” sagot nito. Ngumiti lamang si Steven. Tough as ever. “Okay, bye,” anito at kumaway sa kaniya. “Thank you,” wika nito at nginitian siya nang tipid. Parang may kung anong humaplos naman sa puso ng binata nang makita ang ngiting iyon. Nakaalis na lang ito’t nakatayo pa rin siya sa pintuan. “Boss, para kang timang,” ani Rufos sa kaniya. Tiningnan naman niya ito at binatukan. “Ikakasal na ako bukas,” aniya at napasipol kahit gabi na. “Huh?” “Ihanda mo ang PSA ko,” saad nito. “Wala kayong PSA. Baka nakalimutan niyong peke ang dinadala niyong pangalan dito,” ani Rufos. Natigilan naman ang binata. “f**k!” mura nito. “Hindi puwedeng maging fake ang kasal namin. Hindi puwedeng hindi ma-register, naiintindihan mo ba?” aniya rito. “Kaya nga po, ano na ang gagawin?” tanong niya rito. “Get my original copy, then hire someone na hahawak. You must be careful. Ako na rin ang bahalang kumausap kay, mayor. Siguradohin mong hindi malalaman ni, Bela naiintindihan mo? Make sure that it will be passed and mare-register, okay?” Wala namang nagawa ang matanda kaya napa-oo na lang. Pagdating nga nila ni Doding sa bahay ay kaagad na napaupo si Bela sa kama niya. Sinundan naman siya ni Doding. “Mukhang napahaba ang usap niyo kanina ni, Steven ah. Ano na?” tanong nito. “He agreed,” sagot niya. “Wow! Sabi na eh. May gusto talaga iyon sa ‘yo,” wika ni Doding. “But I have a problem,” mahinang aniya. “Ano naman iyon?” “Kailangan ng PSA copy ng birth certificate ko. I only have one here. And it’s my real identity. I can’t, baka malaman niyang niloloko ko siya. Mabubulilyaso ang plano,” sambit niya. Tiningnan niya si Doding na napapailing. “Paano na ‘yan?” “You have to help me. Wala bang gumagawa ng fake rito?” tanong niya. “Wala ngang printer eh. Sa munisipyo meron kaso, kilala ng pamilya nila ang mayor,” sagot ni Doding. “Ano ba ang dapat kong gawin?” tanong niya rito. “Saglit lang. May kaibigan ako sa munisipyo. Ipinakilala iyon sa ‘kin ni, Rufos. Kakausapin ko para ipanhik iyang PSA mo. Lintik na ‘to. Mapapasubo ako ah. Kakausapin ko nang maayos bukas nang maaga,” saad nito. Nabuhayan naman nang loob si Bela. “Talaga? Hayaan mo, kapag nakasal kami isasama kita paalis. Hindi kita iiwan dito. Bibigyan kita ng pera. Hindi lang thousand, Ding. I’ll give you millions. Bawat transaction ko, I’ll make sure na may porsyento ka,” nakangiting wika ni Bela. Tumango naman si Doding at itinaas ang hinalalaki. “Gagamitin ko na muna ang ipon ko rito para masuhulan iyong kaibigan ko,” wika nito. Tumango naman si Bela at humiga. “Now, I can sleep safe and sound,” aniya at ipinikit na ang mata. Kinabukasan ay normal pa rin ang lahat. Sikreto lang naman ang kasal nila ng binata. Nagtatrabaho pa nga sila ni Doding. “Enjoy mo na, at one of these days aalis na tayo rito,” wika niya sa kaibigan. “Freedom!” ani Doding na ikinatawa niya. Kinahapunan nga ay naghanda na si Bela. Pumunta na sila sa bahay ni Steven at malayo pa nga lang ay natatanaw na niya ang binata sa hamba ng pintuan na naghihintay. “Akala ko I-Indian-in mo na ako,” saad nito. Ngumiti naman si Bela nang peke. “Not now,” sagot niya. Pumasok na nga sila sa loob at nandoon na ang mayor. Sa tabi nito ay may babaeng assistant. Nilapitan ito ni Doding kaya mabilis na lumayo naman si Rufos. Nag-uusap din ito kanina. Ilang saglit pa ay nilapitan siya ni Doding. “Okay na,” nakangiting saad nito at nagsimula na ang seremonya. Mabilisan lang dahil madalian naman itong kasal nila. Kinuhanan pa sila ng picture ng staff at binigyan ng regalo ng mayor. Nagpirmahan na sila at hindi na nagtaka pa si Bela nang makitang natatakpan ang sa parte ng pangalan nila dahil baka iyon ang paraan para hindi siya mabisto. Tiningnan niya ang babae na nakatingin lang sa kanilang dalawa ni Steven. Nang matapos ay napatingin ang staff sa kanila. Ito lang ang nakakaalam ng lahat. Tila nag-aalala pa sa dalawa. Napailing na lamang ito. “I now pronounce you, husband and wife,” wika ng mayor. Napangiti naman si Bela at nakaraos din sila. “You may now kiss the bride,” dagdag nito. Natigilan naman si Bela. Kita niyang tila kinikilig pa si Doding sa gilid. Tiningnan niya si Steven na parang wala lang. Tila naghihintay lang sa kaniya. Hinila niya ang leeg nito at hinalikan ang labi. “Ohhh!” ani Rufos sa gilid. “Bela, hindi ko alam na gusto mo pala ang laplapan,” anito at pinipigilan ang tawa. “Tagal eh,” aniya at inirapan si Steven na nakangiti lang. Hindi na rin nagtagal ang mayor at may pupuntahan pa ito. “Myrna!” tawag ni Rufos sa staff. “Bakit po?” “Siguradohin mong ma-register iyan ha,” anito. “Opo, two weeks lang okay na ‘to,” sagot nito at umalis na. Naiwan naman silang parehong nakangiti. “So, kailan tayo aalis dito?” tanong niya sa binata. Tiningnan naman siya nito. “Kung kailan mo gusto,” sagot nito. Tumango naman si Bela. “I’ll bring Doding with me,” aniya. “Sure.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD